Repaso Para sa Pansirkitong Asamblea
Gagamitin ang materyal na ito sa programa ng Pulong sa Paglilingkod karaka-raka bago at pagkatapos daluhan ng kongregasyon ang pansirkitong asamblea para sa taóng 2006. Gagawa ng kaayusan ang punong tagapangasiwa para patiunang pahapyawan at repasuhin ang asamblea batay sa materyal na ito, gaya ng nakabalangkas sa Disyembre 2004 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Sa panahon ng repaso, dapat ibangon ang lahat ng tanong, anupat nagtutuon ng pansin sa kung paano natin maikakapit ang impormasyong iniharap.
UNANG ARAW
1. Paano natin ibinibihis ang bagong personalidad, at bakit natin ito dapat panatilihin?
2. Ano ang ginagawa ng ilan upang higit na makabahagi sa pangangaral?
3. Bakit natin dapat iwasang ihambing ang ating sarili sa iba?
4. Paano maipakikita ng magkakapamilya ang bagong personalidad sa loob ng pamilya?
5. Paano natin maipakikita ang matapat na pagsuporta sa loob ng kongregasyon?
6. Bakit natin kailangang ipakita ang bagong personalidad sa ministeryo sa larangan?
7. Ano ang kasama sa wastong pagbubulay-bulay, at paano tayo nakikinabang sa gayong pagbubulay-bulay?
8. Anu-anong katangian ang kailangan nating taglayin upang mahubog tayo ni Jehova?
IKALAWANG ARAW
9. Bakit mahalaga na gamitin natin nang wasto ang ating dila?
10. Anu-anong kapakinabangan ang matatamo sa paggamit ng kaayaayang pananalita sa mga katrabaho, kaeskuwela, at sa iba pa?
11. Paano natin maikakapit ang payo ni Pablo sa Efeso 4:25-32 sa ating pakikitungo sa mga kapananampalataya?
12. Ano ang pinakamarangal na gamit ng ating dila?
13. Ano ang dapat nating gawin upang madaig ang isa na balakyot?
14. Sa anu-anong larangan dapat tayong magsikap na manatiling walang batik mula sa sanlibutan?
15. Bakit natin dapat baguhin araw-araw ang pagkatao natin sa loob, at paano natin ito magagawa?
16. Anong payo mula sa programa ng pansirkitong asamblea sa taóng ito ang plano mong ikapit?