Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
Sa huling mga araw ng tiwali at lumang sanlibutang ito, napakahalaga na panatilihin natin ang ating espirituwal na kasuutan at ingatan ang ating pagkakakilanlan bilang Kristiyano. (Apoc. 16:15) Kaya naman, naaangkop na ang tema ng programa ng pansirkitong asamblea para sa taóng 2006 ay “Damtan Ninyo ang Inyong Sarili ng Bagong Personalidad.”—Col. 3:10.
Unang Araw: Itatampok sa unang simposyum na “Ipinakikita ang mga Aspekto ng Bagong Personalidad” kung paano tayo makikinabang sa paglilinang ng bagong personalidad sa bawat pitak ng ating buhay. Paano natin malilinang ang bagong personalidad? Iyan ang isasaalang-alang sa huling dalawang pahayag sa unang araw, “Disiplinahin ang Iyong Sarili Upang Wastong Magbulay-bulay” at “Edukasyong Humuhubog sa Bagong Personalidad.”
Ikalawang Araw: Isasaalang-alang naman sa ikalawang simposyum na “Paglinang sa Dila ng Marurunong” kung paano nakaiimpluwensiya ang bagong personalidad sa paggamit natin sa ating dila. “Dinaraig Mo ba ang Isa na Balakyot?” ang tema ng pahayag pangmadla na magtatampok sa pangangailangan na manatiling mapagbantay laban sa mga taktika ni Satanas. Ang huling dalawang pahayag sa asamblea, “Manatiling Walang Batik Mula sa Sanlibutan” at “Araw-araw na Binabago ang Pagkatao Natin sa Loob,” ang tutulong sa atin na iwasan ang mga saloobin at paggawi na sumasalungat sa matuwid na mga daan ng Diyos at manatiling matatag sa ating pagsamba kay Jehova.
Tunay ngang inaasam-asam nating tanggapin ang pampatibay-loob na ito na isuot at panatilihin ang bagong personalidad!