Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/07 p. 1
  • Sambahin si Jehova Bilang Isang Pamilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sambahin si Jehova Bilang Isang Pamilya
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pamilyang Kristiyano ay Magkakasámang Gumagawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Tulong Para sa mga Pamilya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Bilang Isang Pamilya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kung Paano Nagtutulungan ang mga Miyembro ng Pamilya Para sa Lubusang Pakikibahagi—Sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 8/07 p. 1

Sambahin si Jehova Bilang Isang Pamilya

1 Noong panahon ng Bibliya, maraming bagay ang sama-samang ginagawa ng pamilya. Ginagawa nila ang mga gawain sa araw-araw at pinakamahalaga sa lahat, sinasamba nila si Jehova bilang isang pamilya. (Lev. 10:12-14; Deut. 31:12) Sa maraming lugar sa ngayon, bihira nang gumagawa nang sama-sama ang pamilya. Gayunman, batid ng mga Kristiyano ang kahalagahan ng paggawang sama-sama bilang isang pamilya, lalo na may kaugnayan sa pagsamba. Tiyak na lubhang nalulugod ang Tagapagpasimula ng pamilya na makita ang mga pamilya na nagkakaisang sumasamba sa kaniya!

2 Mangaral Nang Sama-sama: Ang paggawang sama-sama upang mangaral ng mabuting balita ay nagpapatibay sa buklod ng pamilya. Dahil dito, bukod pa sa pagsama sa ibang kapatid sa kongregasyon upang mangaral, regular ding mangangaral ang isang elder kasama ang kaniyang asawa at mga anak. (1 Tim. 3:4, 5) Sa kabila ng abalang iskedyul, maging ang mga naglalakbay na tagapangasiwa ay nagsasaayos ng panahon upang gumawang kasama ng kani-kanilang asawa sa ministeryo.

3 Natutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na sumulong bilang mga ebanghelisador kapag sinasamahan nila ang mga ito sa pangangaral. Makikita ng kanilang mga anak hindi lamang ang kagalakan at kasiyahan ng kanilang mga magulang sa ministeryo kundi kung paano rin ipinahahayag ng kanilang mga magulang ang kanila mismong pag-ibig kay Jehova at sa kapuwa. (Deut. 6:5-7) Ang kahalagahan nito ay hindi nababawasan habang nagkakaedad ang mga anak. Regular na sinasamahan sa ministeryo ng isang mag-asawa ang kanilang tatlong anak na lalaki na edad 15 hanggang 21. Sinabi ng ama: “Lagi kaming may itinuturo sa kanila. At tinitiyak namin na ito ay isang kasiya-siya at nakapagpapatibay na karanasan.”

4 Maghandang Sama-sama: Nasumpungan ng mga pamilya na kapaki-pakinabang na maghandang sama-sama para sa ministeryo. Karaniwan nang natutuwa ang mga anak sa mga pag-eensayo na kasama ng pamilya na naghahalinhinan sa pagbibigay ng presentasyon o sa pagiging may-bahay. Ginagawa naman ito ng iba nang mga ilang minuto sa pagtatapos ng pampamilyang pag-aaral.

5 Nadaragdagan ang ating kagalakan kapag nakikibahagi tayo sa mahalaga at kasiya-siyang mga gawain na kasama ang ating mga mahal sa buhay. Kasiya-siya nga para sa pamilya na gumawang sama-sama sa ministeryo sa larangan sa bahay-bahay gayundin sa mga pagdalaw-muli at sa pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya! Kaya habang sinasamba mo si Jehova kasama ang iyong pamilya, may-kagalakang masasabi mo: “Kung para sa akin at sa aking sambahayan, maglilingkod kami kay Jehova.”—Jos. 24:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share