Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Ano ang masasabi ninyo rito? [Basahin ang Hebreo 3:4.] Naniniwala ba kayo na may matalinong Disenyador ang uniberso? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito kung kaayon ba ng tunay na siyensiya ang paniniwala sa isang Disenyador.”
Gumising! Agos.
Kung isang kabataan ang kausap mo, maaari mong sabihin: “Maraming kaedad mo ang nasaktan dahil sa masamang tsismis. Nangyari na ba iyan sa iyo? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagbibigay ng mabuting payo na makatutulong sa atin kung tayo ang naging biktima ng tsismis. Ipinakikita rin nito kung paano tayo mismo makaiiwas sa nakapipinsalang tsismis.” Itampok ang artikulo na nagsisimula sa pahina 12, at basahin ang isa sa mga teksto mula sa artikulo.
Ang Bantayan Set. 1
“Marami ang naniniwala na ang ‘Matandang Tipan’ ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon hinggil sa kasaysayan. Pero nag-iisip sila kung praktikal pa rin sa ngayon ang mga panuntunan nito. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Roma 15:4.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano nagbibigay ang ‘Matandang Tipan’ ng kapaki-pakinabang na payo para sa araw-araw na pamumuhay at ng tunay na pag-asa sa hinaharap.”
Gumising! Set.
“Sa palagay ninyo, gawa ba ng Diyos ang likas na mga kasakunaan? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Deuteronomio 32:4.] Sinusuri ng magasing ito kung bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ang likas na mga kasakunaan. Tinatalakay rin nito kung paano ninyo mapangangalagaan ang inyong pamilya.”