Mga Paalaala sa Memoryal
Dapat bigyang-pansin ng matatanda ang sumusunod na mga bagay bilang paghahanda sa Memoryal:
◼ Tiyaking nakalubog na ang araw bago ipasa ang mga emblema.
◼ Dapat kumuha at maghanda ng angkop na uri ng tinapay at alak.—Tingnan ang Bantayan ng Pebrero 15, 2003, pahina 14-15.
◼ Ang mga plato, kopa o baso para sa alak, at angkop na mesa at mantel ay dapat na patiunang dalhin at ayusin sa bulwagan.
◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pagtitipunan ay dapat na patiunang linising mabuti.
◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na patiunang piliin at tagubilinan hinggil sa kanilang mga tungkulin, sa wastong pamamaraan na dapat sundin, at sa pangangailangang manamit at mag-ayos nang disente.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan na maisilbi ang mga emblema sa sinumang pinahiran na may sakit at hindi kayang dumalo.
◼ Kung mahigit sa isang kongregasyon ang nakaiskedyul na gagamit sa iisang Kingdom Hall, dapat magkaroon ng mahusay na koordinasyon ang mga kongregasyon upang maiwasan ang di-kinakailangang pagsisikip sa pasukan, sa pampublikong mga bangketa, at sa paradahan.
◼ Kung sa ibang lugar idaraos ang pagtitipon, tiyaking may magagamit na maayos na sound system upang marinig ng lahat ng dadalo ang tagapagsalita.