Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Ene. 1
“Sang-ayon ka ba sa sinasabi rito? [Basahin ang Santiago 3:2.] May ilang praktikal na mungkahi mula sa Bibliya ang artikulong ito na tutulong sa atin upang hindi makapagsalita nang masakit sa ating kapamilya.” Itampok ang artikulong nasa pahina 10.
Gumising! Ene.
“Nagkakaproblema ang lahat ng mag-asawa. Sa palagay mo, saan kaya makakakuha ng maaasahang payo ang mga mag-asawa? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang praktikal na patnubay na ito. [Basahin ang Efeso 5:22, 25.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop ng asawang babae sa kaniyang asawa.” Itampok ang artikulong nasa pahina 28.
Ang Bantayan Peb. 1
“Sa dami ng problema natin sa ngayon, posible kayang magkaroon ng tunay na kapayapaan ng isip? [Hayaang sumagot.] Nakatulong sa marami ang pag-asa sa hinaharap na binabanggit ng Bibliya. [Basahin ang isa sa mga sinipi o binanggit na teksto sa artikulong itatampok mo.] Ipinakikita ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pinagmulan natin, layunin ng buhay, at kinabukasan natin.”
Gumising! Peb.
“Dahil sa biglang pagdami ng krimen, di-panatag ang maraming tao. Sa palagay mo, bubuti pa kaya ang mga bagay-bagay? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang isang magandang hula sa Bibliya. [Basahin ang Awit 37:10.] Tinatalakay ng magasing ito ang pangunahing sanhi ng krimen at ang lunas ng Bibliya sa problemang ito.”