Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 1
“Sa palagay ninyo, ano kaya ang magiging epekto sa mga pamilya kung ikakapit nila ang payong ito? [Basahin ang Efeso 4:31. Saka hayaang sumagot.] Ang artikulong ito ay may ilang praktikal na mungkahi mula sa Bibliya kung paano malulutas ang mga di-pagkakaunawaan at kung paano mapananatili ang kaligayahan sa pag-aasawa.” Itampok ang artikulong nasa pahina 18.
Gumising! Peb.
“Naniniwala ang ilan na binabantayan ng Diyos ang bawat pagkakamaling nagagawa natin. Iniisip naman ng iba na pinatatawad niya ang lahat ng kasalanan, gaano man ito kalubha. Ano naman ang masasabi mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Gawa 3:19.] Tinatalakay ng artikulong ito ang tatlong hakbang na binabanggit ng Bibliya para makamit ang kaawaan ng Diyos.” Itampok ang artikulong nasa pahina 10.
Ang Bantayan Mar. 1
“Gusto ko sanang malaman ang opinyon mo sa tekstong ito na napakapamilyar sa atin. [Basahin ang Juan 3:16.] Napag-isip-isip mo na ba kung paanong ang kamatayan ng isang tao ay maaaring magdulot ng buhay na walang hanggan sa iba? [Hayaang sumagot.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng malinaw at kasiya-siyang paliwanag kung paano tayo maaaring makinabang sa kamatayan ni Jesus.”
Gumising! Mar.
“Sa palagay mo, mabuti ba ang lahat ng relihiyon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa paraan ng pagsamba ng ilan. [Basahin ang Marcos 7:7.] Paano kaya malalaman ng isang tao kung ang isang relihiyon ay nagtuturo ng katotohanan at hindi ng ‘utos ng mga tao’? Posible ba talagang malaman kung alin sa mga paniniwala ng mga relihiyon ang totoo? Sinasagot ng magasing ito ang mga tanong na iyan.”