Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Kung ikaw ang pipili ng mamamahala sa daigdig, sino ang pipiliin mo? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay sa isyung ito ng Ang Bantayan ang mga kredensiyal ng Mesiyas, ang isa na pinili ng Diyos para mamahala sa lupa. Ipinaliliwanag din nito kung ano ang idudulot ng kaniyang pamamahala para sa sangkatauhan.” Basahin ang Isaias 9:6, 7.
Gumising! Peb.
“Maraming diyos na sinasamba ngayon ang mga tao. Pero pansinin mo ang sinabi ni Jesus sa panalangin hinggil sa kaniyang Ama sa langit. [Basahin ang Juan 17:3.] Kung iisa lamang ang tunay na Diyos, paano naman ang iba pang mga diyos? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito ang pangmalas ng Bibliya.” Itampok ang artikulo sa pahina 28-9.
Ang Bantayan Mar. 1
“Maraming tao ang sasang-ayon na dapat nating ibigin ang isa’t isa, gaya ng iniutos ni Jesus sa tekstong ito. [Basahin ang Juan 13:34, 35.] Pero saan kaya natin makikita ang mga taong namumuhay ayon sa mga turo ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano natin makikilala ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon.”
Gumising! Mar.
“Napakahalaga ng pag-ibig sa ating kaligayahan at kapakanan. Pero para sa maraming tao, mahirap hanapin ang tunay na pag-ibig. Bakit kaya? [Hayaang sumagot.] Isang susi para makahanap ng tunay na pag-ibig ay magpakita ng di-makasariling pag-ibig sa iba. Tinatalakay ng magasing ito kung ano ang nasasangkot dito.” Basahin ang 1 Corinto 13:4-7.