Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Iniisip ng ilan na sinisira ng tao ang lupa. Nababahala ka ba rito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang nakaaaliw na pangakong ito. [Basahin ang Apocalipsis 11:18.] Sinasabi sa magasing ito kung bakit pambihira ang planetang ito. Ipinakikita rin nito kung ano ang sinasabi ng Bibliya na mangyayari sa lupa sa hinaharap.”
Gumising! Peb.
“Sa palagay mo kaya’y ito ang isang dahilan kung bakit napakagulo ng daigdig? [Basahin ang 1 Juan 5:19, at hayaan siyang sumagot.] Ipinakikita ng artikulong ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa “isa na balakyot” o masamang personang ito at kung paano natin maiiwasan ang kaniyang napakalakas na impluwensiya.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Ang Bantayan Mar. 1
“Maraming tao ang naniniwala na sa Diyos patungo ang lahat ng relihiyon. Sa palagay mo, mahalaga ba kung aling relihiyon ang pipiliin ng isa? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang payo rito. [Basahin ang 1 Juan 4:1.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano natin maaaring subukin ang mga turo ng isang relihiyon upang malaman kung nagmula nga sa Diyos ang mga ito. Ipinaliliwanag din nito kung paano nagkaroon ng iba’t ibang relihiyon.”
Gumising! Mar.
“Sa palagay mo, anu-ano kaya ang ilang hamon na napapaharap sa mga kabataan sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng tekstong ito ang isang hamon—ang pagkakaroon ng tamang uri ng mga kaibigan. [Basahin ang Kawikaan 13:20.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga panganib ng paggamit ng Internet para makahanap ng mga kaibigan at kung paano mapoprotektahan ang mga kabataan.”