Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Maraming tao ang nababagabag dahil sa masasamang bagay na nakikita nilang ginagawa sa ngalan ng relihiyon. Inaakala ng ilan na ang relihiyon ang ugat ng mga problema ng sangkatauhan. Napag-isip-isip mo na ba ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Apocalipsis 18:24.] Sinusuri ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa paksang ito.”
Gumising! Peb. 22
“Maraming tao ang nalulugod na matuto tungkol sa mga hayop, at ang ilan ay nasisiyahang magkaroon ng mga ito para alagaan sa bahay. [Hayaang magkomento.] Tinatalakay ng magasing ito ang ilan sa mga problema ng pagmamay-ari ng isang alagang hayop. Ipinaliliwanag din nito ang pangako ng Diyos na isang panahon kapag ang lahat ng mga hayop ay mamumuhay nang mapayapa sa isa’t isa at sa sangkatauhan.” Basahin ang Isaias 11:6-9.
Ang Bantayan Mar. 1
“Noong minsan, tinanong si Jesu-Kristo: ‘Aling utos ang una sa lahat?’ Pansinin ang kaniyang sagot. [Basahin ang Marcos 12:29, 30.] Napag-isip-isip mo na ba kung ano ang ibig sabihin ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng artikulong ‘Kung Paano Natin Ipinakikita ang Ating Pag-ibig sa Diyos’ ang kahulugan ng tanyag na mga pananalitang iyon.”
Gumising! Mar. 8
“Noon, maraming tao ang namumuhay sa takot dahil sa digmaang nuklear. Sa palagay mo kaya’y magkakaroon ng digmaang nuklear sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang kasalukuyang mga pangyayari na nakababahala sa ating lahat. Ipinaliliwanag din nito ang pangako ng Bibliya na isang sanlibutan kung saan ang takot ay magiging isang lipas na bagay na.” Basahin ang Zefanias 3:13.