Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Paminsan-minsan, nakaririnig tayo ng mga balita na may naganap daw na himala. [Bumanggit ng isang halimbawa.] Pinaniniwalaan ng ilang tao ang mga balitang ito. Nagdududa naman ang iba. Sinusuri ng magasing ito kung talaga nga bang nangyari ang mga himalang iniulat sa Bibliya at kung nangyayari sa ngayon ang gayong mga bagay.” Basahin ang Jeremias 32:21.
Gumising! Peb. 22
“Noong sinaunang panahon, inutusan ng Diyos ang mga anak na parangalan ang kanilang ina pati na ang kanilang ama. [Basahin ang Exodo 20:12.] Sa palagay mo kaya ay wastong napararangalan ang mga ina sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang mga hamon na napapaharap sa mga ina sa iba’t ibang lupain at kung paano nila napagtatagumpayan ang mga hamong iyon.”
Ang Bantayan Mar. 1
“Sa palagay mo kaya ay magiging mas mabuting dako ang lupa kung susundin ng lahat ang payong ito? [Basahin ang Roma 12:17, 18. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Nakalulungkot, nagkakaroon kung minsan ng mga di-pagkakaunawaan. Ipinakikita ng magasing ito kung paano makatutulong sa atin ang pagkakapit ng payo sa Bibliya upang malutas ang mga di-pagkakasundo at mapanauli ang kapayapaan.”
Gumising! Mar. 8
“Taun-taon, lumalaki ang pangangailangan sa enerhiya. Naiisip mo ba ang mangyayari kung isang araw ay maubos na ang kinakailangan nating enerhiya? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang nagawang mga pagsulong sa paglilinang ng mas malinis na mga pinagmumulan ng enerhiya. Ipinakikilala rin nito ang Pinagmumulan ng lahat ng enerhiya.” Basahin ang Isaias 40:26.