Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Nag-iisip ang ilang tao kung isa bang persona ang Diyos. Sinasabi naman ng iba na siya ay umiiral ngunit nadarama nilang malayo siya sa kanila. Napapansin mo ba ito? [Hayaang sumagot.] Tingnan kung bakit napakahalaga na makilala ang Diyos nang personal. [Basahin ang Juan 17:3.] May kaugnayan dito, masusumpungan mong kapana-panabik ang pambungad na mga artikulo sa isyung ito.”
Gumising! Peb. 22
“Sa palagay mo kaya’y nilayon ng Diyos na dumanas ng malnutrisyon ang mga tao, pati na ang mga bata? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang nakaaaliw na pangakong ito na masusumpungan sa Bibliya. [Basahin ang Awit 72:16.] Tinatalakay sa isyung ito ng Gumising! ang mga dahilan ng malnutrisyon at, higit sa lahat, ang pangako ng Diyos na malapit na niya itong wakasan.”
Ang Bantayan Mar. 1
“Gusto kong malaman ang opinyon mo hinggil sa kapansin-pansin na kasulatang ito. [Basahin ang Mateo 5:10.] Paano magiging maligaya ang isang tao kung siya ay pinag-uusig? [Hayaang sumagot.] Ang unang dalawang artikulo sa magasing ito ay naglalahad tungkol sa ilang tao na nanatiling maligaya sa kabila ng kanilang pagdurusa. Masisiyahan kang basahin kung paano nila nagawa iyon.”
Gumising! Mar. 8
“Hindi ka ba sasang-ayon na sa kabila ng mga problema sa buhay ay may dahilan pa rin tayo upang magpasalamat? [Hayaang sumagot.] Ang isang dahilan upang magpasalamat ay ang pagkakagawa sa atin. [Basahin ang Awit 139:14.] Kaylaking pasasalamat natin na mayroon tayong mga pandamdam na kinakailangan upang mapahalagahan ang buhay, gaya ng inilalarawan sa isyung ito ng Gumising!”