Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 1
“Napansin mo ba na magkakaiba ang pamantayan ng mga tao sa kalinisan? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng tekstong ito ang isang dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging malinis. [Basahin ang 1 Pedro 1:16.] Nagbibigay ang artikulong ito ng ilang praktikal na mungkahi kung paano mapananatili ang kalinisan.” Itampok ang artikulo sa pahina 9.
Gumising! Dis.
“Kapag ganitong panahon, pinararangalan ng maraming tao si Jesus. Ayon sa talatang ito, ano ang pinakamahusay na paraan upang maparangalan siya? [Basahin ang Juan 14:15. Hayaang sumagot.] Walang nakaaalam kung ano ang eksaktong petsa ng kapanganakan ni Jesus, at baka magulat ka pa nga kapag nalaman mo kung bakit Disyembre 25 ang napiling petsa para sa Pasko.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Ene. 1
“Sa buong mundo, iba’t iba ang paniniwala ng mga tao tungkol sa ina ni Jesus na si Maria. Ikaw, ano ang paniniwala mo tungkol kay Maria? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng Bibliya na si Maria ay nagkaroon ng natatanging papel sa kasaysayan. [Basahin ang Lucas 1:30-32.] Tinatalakay ng magasing ito kung ano ang matututuhan natin mula sa kaniyang halimbawa.”
Gumising! Ene.
“Marami sa mga lawa at ilog sa daigdig ang natutuyo na, at milyun-milyong tao ang walang mapagkunan ng malinis na tubig. Sa palagay mo, kaya ba ng tao na maglaan ng permanenteng solusyon sa problemang ito? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Jeremias 10:23.] Tinatalakay ng magasing ito ang tunay na solusyon sa problema sa tubig gaya ng binabanggit sa Bibliya.”