Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agosto 1
“Sa palagay ninyo, ano kaya ang kailangan ng tao para maging maligaya? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Mateo 5:3.] Isa lang ito sa mga sinabi ni Jesus kung paano magiging maligaya. Tinatalakay ng artikulong ito kung paano masusumpungan ang tunay na kaligayahan ayon kay Jesus.” Itampok ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Agosto
“Maraming pelikula ngayon ang nagtatampok ng tungkol sa mga demonyo, salamangkero, at mangkukulam. Talaga nga bang may mga demonyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 1 Corinto 10:20.] Ipinakikita ng artikulong ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga demonyo at kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili laban sa mga ito.” Itampok ang artikulo sa pahina 20.
Ang Bantayan Setyembre 1
Bumanggit ng ilang lokal na balita. Saka sabihin: “Bakit kaya ginagawa ng mga tao ang ganitong masasamang bagay? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. [Basahin ang 2 Pedro 3:13.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sanhi ng kasamaan at kung paano ito wawakasan ng Diyos sa malapit na hinaharap.”
Gumising! Setyembre
“Sa palagay mo, nakatutulong kaya ang mga cellphone, e-mail, chat room, at iba pang makabagong paraan ng komunikasyon para mabawasan ang kalungkutan o ito pa ang nagpapalala?” [Hayaang sumagot.] Ito ang isang mungkahi kung paano natin madaraig ang kalungkutan. [Basahin ang Gawa 20:35.] May iba pang praktikal na payo mula sa Bibliya sa magasing ito.”