Ingatan ang Iyong Pag-iisip
1. Ano ang tema ng pansirkitong asamblea sa 2013, at ano ang layunin ng programang ito?
1 Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ibigin si Jehova nang kanilang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip. (Mat. 22:37, 38) Ang mga programa sa kombensiyon sa taóng ito at mga asamblea ay dinisenyo para patibayin ang ating panloob na pagkatao. Gaya ng alam ninyo, ang tema ng ating pandistritong kombensiyon ay “Ingatan Mo ang Iyong Puso!” Ang tema naman ng araw ng pantanging asamblea para sa 2013 ay “Ingatan ang Inyong Budhi.” At itatampok ng mga serye ng pansirkitong asamblea na magsisimula sa susunod na buwan ang temang “Ingatan ang Iyong Pag-iisip,” batay sa Mateo 22:37. Layunin ng programang ito na tulungan ang bawat isa na suriin ang ating kaisipan at gawin itong higit na kalugud-lugod kay Jehova.
2. Anu-anong tanong ang sasagutin sa programa ng asamblea?
2 Kung Ano ang Tatalakayin: Abangan ang sagot sa mga tanong na ito, na siyang pangunahing mga punto ng pansirkitong asamblea:
• Paano natin maiiwasang mag-isip ng ‘mga kaisipan ng tao’?
• Paano tayo makatutulong sa pag-aalis ng talukbong na bumubulag sa pag-iisip ng mga di-sumasampalataya?
• Anong pangkaisipang saloobin ang nais nating taglayin?
• Anu-ano ang pakinabang ng wastong pagbubulay-bulay?
• Paano natin maipahuhubog kay Jehova ang ating kaisipan?
• Ano ang maaaring gawin ng mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, at mga anak para maging maligaya ang pamilya?
• Paano tayo magiging handa sa araw ni Jehova?
• Ano ang ibig sabihin ng bigkisan ang ating mga pag-iisip ukol sa gawain?
• Anong pakinabang ang matatamo ng mga nagkakapit ng kanilang natututuhan?
3. Bakit mahalagang daluhan ang dalawang araw ng pansirkitong asamblea, matamang makinig, at ikapit ang ating natutuhan?
3 Ginugulo ni Satanas ang ating pag-iisip at sinisikap niyang pasamain ito. (2 Cor. 11:3) Kaya dapat natin itong ingatan at kontrolin. Kailangan nating patuloy na ipamalas ang pag-iisip ni Kristo at labanan ang mga impluwensiya ng tampalasang sanlibutang ito. (1 Cor. 2:16) Tiyaking madaluhan ang dalawang araw ng pansirkitong asamblea at matamang makinig. Kung ikakapit natin ang mahahalagang impormasyon, tutulong ito na mabigkisan ang ating pag-iisip para maging masigasig sa paglilingkod sa Kaharian.—1 Ped. 1:13.