Mga Pansirkitong Asamblea
1 Ang nakaraang programa ng pansirkitong asamblea na may temang “Nabubuhay Hindi para sa Ating Sarili Lamang” ay nagharap ng napapanahong impormasyon upang tulungan tayo na maiwasan ang mapag-imbot na kaisipan. Upang ang buhay ay maging makahulugan, ang isa ay dapat na maging interesado una sa lahat sa pagsasagawa ng kalooban ni Jehova at paluguran siya. (2 Cor. 5:14, 15) Dapat na tayo ay may kakayahang makilala ang kapuwa tama at mail. (Heb. 5:14) Sa pagpapahalaga sa ating dako sa bahay ni Jehova, makapaglingkod nawa tayo bilang sisidlan ukol sa marangal na kagamitan.—Roma 9:21.
2 Ngayon, sa buwang ito ng Enero, isang bagong serye ng pansirkitong asamblea ang magpapasimula, na may temang “Tanggihan ang Kalikuan at mga Pita ng Sanlibutan.” Bakit tayo tinagubilinan ng Bibliya na tanggihan ang gayon? (Tito 2:12) Papaanong ang gayong landas ng pagkilos ay nagbibigay sa atin ng proteksiyon, at bakit ito mahalaga ukol sa ating kaligtasan? Ano ang ilan sa espisipikong kalikuan at mga pita ng sanlibutan na naglalagay ng panganib sa bayan ni Jehova? Bakit natin dapat malasin na ang ilan sa ating personal na mga mithiin ay mapanganib? Ang mga ito at iba pang mahahalagang katanungan ay sasagutin sa bagong programang ito ng pansirkitong asamblea.
3 Ang mga bahagi ng programa gaya ng “Ang Pagpapayunir Ay Kapakipakinabang” at “Pagsusuri sa Ating mga Motibo” ay magpapalakas sa ating determinasyon na tayo’y maging aktibo sa paglilingkod kay Jehova at manatiling malinis at hiwalay mula sa sanlibutan. Magkaroon ng tiyak na plano upang makadalo sa napakainam na programang ito ng pansirkitong asamblea.