Idiin ang Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado
Pasimula noong Mayo 2011, pinasisigla ang mga mamamahayag na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng bawat buwan. Bilang pantulong, regular na inilalabas sa edisyong pampubliko ng Bantayan ang seryeng “Sagot sa mga Tanong sa Bibliya.” Kaya sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan tuwing unang Sabado, dapat itampok kung paano gagamitin ang artikulong ito sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya at dapat magkaroon ng pagtatanghal.
Magpapasiya ang mga elder kung ang mga grupo sa paglilingkod ay hiwa-hiwalay na magtitipon sa unang Sabado o sama-samang magtitipon marahil sa Kingdom Hall. Pero kung maraming kongregasyon ang gumagamit sa Kingdom Hall, ang espesyal na araw na ito para sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya ay hindi dapat ilipat ng kongregasyon sa ibang araw para lang makapagtipon nang sama-sama ang lahat ng grupo sa paglilingkod.