Ano ang Gagawin Mo Kapag Pista Opisyal?
Dahil maraming tao ang nasa bahay kapag pista opisyal, karaniwan nang magandang pagkakataon ito para makibahagi sa ministeryo. Hinihimok ang mga kongregasyon na gumawa ng pantanging kaayusan sa pagpapatotoo sa mga araw na iyon. Kung marami sa teritoryo ang tanghali nang gigising sa araw na iyon, makabubuting i-adjust ang oras ng pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan. Maaaring magpatalastas sa Pulong sa Paglilingkod para malaman ng kongregasyon ang anumang pantanging kaayusan at mapasigla ang lahat ng puwedeng makibahagi. Siyempre pa, pagkakataon din nating magpahinga at mag-asikaso ng personal na mga lakad sa panahong iyon. Pero bakit hindi rin maglaan ng panahon para sa ministeryo? Sa gayon, masisiyahan ka sa kaginhawahang dulot ng pakikibahagi sa sagradong paglilingkod.—Mat. 11:29, 30.