“Hindi Ko Na Naman Siya Nadatnan sa Bahay!”
Nasabi mo na ba iyan tungkol sa isang taong nagpakita ng interes? Kahit paulit-ulit mo siyang sinisikap na dalawin, hindi mo pa rin madiligan ang binhi ng katotohanan na iyong itinanim. (1 Cor. 3:6) Kung minsan, ang makaranasang mga mamamahayag ay sumusulat sa taong hindi nila madatnan sa bahay, o kaya naman ay nag-iiwan sila ng note sa pintuan nito. Inaasahan naman ng ilang mamamahayag na mahirap madatnan ang may-bahay kaya hinihingi na nila ang phone number niya at nagtatanong, “Puwede ka ba naming i-text?” Maaaring ireport ang isang pagdalaw-muli kapag dinalaw natin ang may-bahay o nagpatotoo tayo sa kaniya sa pamamagitan ng sulat, e-mail, text, isang note na iniwan sa pintuan niya, o tawag sa telepono. Kahit bihira siyang nasa bahay, puwede pa rin nating linangin ang kaniyang interes.