Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Nobyembre p. 8
  • Makipagtulungan sa Pangangaral sa Teritoryong May Iba’t Ibang Wika

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makipagtulungan sa Pangangaral sa Teritoryong May Iba’t Ibang Wika
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Iba ang Wika ng May-bahay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Mga Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Isa na Iba ang Wika
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Inorganisa Para Mangaral sa Lahat
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Nobyembre p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Makipagtulungan sa Pangangaral sa Teritoryong May Iba’t Ibang Wika

Natagpuan ng isang mag-asawa ang isang mag-amang nagsasalita ng ibang wika

Mas madaling tumugon ang mga tao sa mensahe ng Kaharian kapag naririnig nila ito sa sarili nilang wika. Marahil ito ang dahilan kung bakit noong Pentecostes 33 C.E., isinaayos ni Jehova na ang ‘mga Judio mula sa bawat bansa na nasa silong ng langit’ ay makarinig ng mabuting balita sa “sariling wika” nila, kahit marunong naman silang magsalita ng Hebreo o Griego. (Gaw 2:5, 8) Sa ngayon, may mga kongregasyong magkakaiba ang wika pero magkakapareho ng teritoryo. Paano magtutulungan ang mga kongregasyong ito para mapatotohanan ang lahat at maiwasang madoble ang paggawa sa teritoryo, na posibleng makairita sa mga may-bahay?

  • Isang cellphone

    Mag-usap (Kaw 15:22): Dapat mag-usap-usap ang mga tagapangasiwa sa paglilingkod para mapagkasunduan nila ang paraan ng pangangaral ng mabuting balita. Kung limitado ang kanilang teritoryo, baka naisin ng mga kongregasyon na nangangaral sa ibang wika na lampasan ninyo ang mga bahay na nasa kanilang teritoryo. Pero kung hindi nila regular na nakukubrehan ang lahat ng kanilang teritoryo dahil sa lawak nito, baka mas gusto nila na huwag ninyong lampasan ang mga bahay pero ipagbigay-alam sa kanila kapag may nagpakita ng interes. (od 93 ¶37) Baka magpatulong din sila sa inyong kongregasyon na hanapin ang mga taong nagsasalita ng kanilang wika at ibigay sa kanila ang adres ng mga ito. (km 7/12 5, kahon) Tandaan na kung minsan, hindi lang iisang wika ang sinasalita sa loob ng isang tahanan. Ang mga kaayusan sa pagkubre ng teritoryo ay dapat sumunod sa kaukulang batas tungkol sa data protection.

  • Mga bahay sa isang teritoryo

    Makipagtulungan (Efe 4:16): Maingat na sundin ang mga tagubilin ng inyong tagapangasiwa sa paglilingkod. May Bible study ka ba na mas gustong mag-aral gamit ang ibang wika? Malamang na bibilis ang pagsulong niya kung ililipat mo siya sa kalapít na kongregasyon o grupo na nagsasalita ng wika niya.

  • Language picker

    Maghanda (Kaw 15:28; 16:1): Kapag iba ang wika ng taong natagpuan mo sa teritoryo, sikaping ibahagi sa kaniya ang mabuting balita. Makapaghahanda ka kung patiuna mong aalamin ang mga wikang sinasalita sa lugar ninyo at ida-download sa iyong gadyet ang mga salin ng Bibliya at mga video. Puwede mo ring gamitin ang JW Language app para matuto ng pagbati sa mga wikang iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share