Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Agosto p. 5
  • Mga Kabataan—‘Buong Pusong Gumawa ng Mabuti’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kabataan—‘Buong Pusong Gumawa ng Mabuti’
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtangkilik sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Purihin si Jehova Bilang Payunir
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Pagbabago sa Kahilingang Oras Para sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Agosto p. 5

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Kabataan—‘Buong Pusong Gumawa ng Mabuti’

Nang sumulat si apostol Pablo kay Tito, sinabihan niya ang mga kabataang lalaki, kasama na si Tito, na “maging halimbawa . . . sa paggawa ng mabuti sa lahat ng bagay.” (Tit 2:6, 7) Sa kabanata ring iyon, sinabi niya na nilinis ang bayan ni Jehova para ‘makagawa sila ng mabuti.’ (Tit 2:14) Kabilang dito ang pangangaral at pagtuturo tungkol sa Kaharian ng Diyos. Kung isa kang kabataan, puwede mo bang gamitin ang iyong lakas para makapaglingkod bilang auxiliary o regular pioneer?—Kaw 20:29.

Kung gusto mong magpayunir, gumawa ng makatotohanang plano para maabot ito. (Luc 14:28-30) Halimbawa, paano mo susuportahan ang sarili mo habang nasa buong-panahong ministeryo ka? Paano mo maaabot ang kahilingang oras? Ipanalangin ito kay Jehova. (Aw 37:5) Ipakipag-usap sa mga magulang mo at sa matagumpay na mga payunir ang plano mo, at saka gumawa ng hakbang para maabot ito. Tiyak na pagpapalain ni Jehova ang iyong pagsisikap na paglingkuran siya!

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KABATAANG NAGPAPARANGAL KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong hamon sa pagpapayunir ang napagtagumpayan ng ilan, at ano ang ginawa nila?

  • Paano matutulungan ng mga magulang ang mga anak nila na maging regular pioneer?

  • Bakit mahalagang magkaroon ng iskedyul sa pangangaral?

  • Paano mapapatibay at matutulungan ng mga nasa kongregasyon ang isang payunir?

  • Anong mga pagpapala ang naghihintay sa mga nagpapayunir?

Kinakausap ng kabataang sister ang tatay niya tungkol sa pagpapayunir; gumagawa ng iskedyul ang kabataang brother na payunir; kabataang sister kasama ang isa pang sister sa ministeryo; kabataang sister na payunir na nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya

Paano ko maaabot ang tunguhin kong magpayunir?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share