Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w24 Nobyembre p. 31
  • Kung Paano Gagawing Regular ang Personal Study Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Gagawing Regular ang Personal Study Mo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Ko Mae-enjoy ang Pag-aaral ng Bibliya?
    Gumising!—2012
  • Iskedyul ng Pamilya—Ang Pampamilyang Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Panatilihing Matibay ang Pananampalataya sa Pamamagitan ng Personal na Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Huwag Sabihin—“Napakaabala Ko”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
w24 Nobyembre p. 31
Isang sister na nagpe-personal study. May laptop, Bibliya, at notebook sa mesa niya. Pinag-aaralan niya ang “Mga Kapangyarihang Pandaigdig na Inihula ni Daniel” na nasa Apendise B9 ng “Bagong Sanlibutang Salin.”

Kung Paano Gagawing Regular ang Personal Study Mo

NAHIHIRAPAN ka bang ma-enjoy at gawing regular ang personal study mo? Nangyayari sa ating lahat iyan kung minsan. Pero pag-isipan ang ibang bagay na ginagawa natin nang regular, gaya ng pagligo. Baka minsan, nakakatamad gawin ito. Pero naglalaan tayo ng oras para maligo kasi masarap sa pakiramdam na malinis tayo. Ganiyan din sa pag-aaral ng Bibliya. Nalilinis at narerepreskuhan tayo “sa pamamagitan ng tubig, ang salita ng Diyos.” (Efe. 5:26) Tingnan natin ang ilang puwede nating gawin para maging regular ang pag-aaral natin:

  • Magkaroon ng schedule. Kasama ang personal study sa “mas mahahalagang bagay” na kailangan nating gawin bilang Kristiyano. (Fil. 1:10) Para hindi mo ito makalimutan, isulat sa papel ang schedule mo ng pag-aaral at ilagay iyon sa lugar na madali mong makikita. Puwede ka ring mag-set ng alarm sa gadget mo.

  • Pumili ng panahon at paraan na pinakamakakabuti sa iyo. Kailan ka ba mas nakakapagpokus? Kapag dere-deretso ang pag-aaral mo o kapag hinahati-hati mo ito? Ikaw ang nakakaalam ng kakayahan mo. Kaya i-adjust ang pag-aaral mo base dito. Kapag dumating na ang panahon ng pag-aaral mo at tinatamad ka, sikapin pa ring mag-aral kahit 10 minuto lang. Mas mabuti na ang 10-minutong pag-aaral kaysa sa wala. Kapag nagawa mo iyan, baka nga ganahan ka nang ipagpatuloy ito.​—Fil. 2:13.

  • Pumili ng paksa bago pa mag-aral. Kung mag-iisip ka pa lang ng paksa sa panahon ng pag-aaral mo, hindi mo ‘magagamit sa pinakamabuting paraan ang oras mo.’ (Efe. 5:16) Kaya puwede mong ilista ang mga artikulo o paksa na gusto mong pag-aralan. Kapag may naisip kang tanong, isulat agad ito. At sa bawat pagtatapos ng pag-aaral mo, puwede kang magdagdag sa listahan mo ng mga gusto mo pang pag-aralan.

  • Maging flexible. Puwede mong baguhin ang schedule, haba ng pag-aaral, o paksa mo. Ang mahalaga, magawa mo nang regular ang personal study mo.

Talagang makikinabang tayo kung regular ang pag-aaral natin linggo-linggo. Mas mapapalapit tayo kay Jehova, magiging marunong, at marerepreskuhan.​—Jos. 1:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share