Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwfq artikulo 31
  • Isang Kulto Ba ang mga Saksi ni Jehova?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kulto Ba ang mga Saksi ni Jehova?
  • Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang kulto?
  • Mga Kulto—Ano ba ang mga Iyan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Isa Bang Kulto ang mga Saksi ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Pagkadonselya—Bakit?
    Gumising!—1996
  • Paglilihim sa Ngalan ng Panginoon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
ijwfq artikulo 31
Isang Saksi ni Jehova na nagtuturo sa mga tao na bumasa at sumulat.

Isang Kulto Ba ang mga Saksi ni Jehova?

Hindi kulto ang mga Saksi ni Jehova. Sa halip, bilang mga Kristiyano, ginagawa namin ang lahat para tularan ang halimbawa ni Jesu-Kristo at mamuhay ayon sa kaniyang mga turo.

Ano ang kulto?

Iba’t iba ang kahulugan ng terminong “kulto” para sa iba’t ibang tao. Gayunman, isaalang-alang ang dalawang karaniwang ideya tungkol sa kulto at kung bakit hindi ito kumakapit sa amin.

  • Iniisip ng ilan na ang kulto ay isang bago o di-karaniwang relihiyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nag-imbento ng bagong relihiyon. Sa kabaligtaran, tinutularan namin ang paraan ng pagsamba ng mga Kristiyano noong unang siglo, na ang halimbawa at mga turo ay nakaulat sa Bibliya. (2 Timoteo 3:16, 17) Naniniwala kami na ang Banal na Kasulatan ang dapat magtakda ng pamantayan kung ano ang katanggap-tanggap na paraan ng pagsamba.

  • Iniisip ng ilan na ang isang kulto ay mapanganib na sekta ng relihiyong may lider na tao. Ang mga Saksi ni Jehova ay walang kinikilalang tao bilang kanilang lider. Sa halip, sumusunod kami sa pamantayang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod nang sabihin niya: “Iisa ang inyong Lider, ang Kristo.”​—Mateo 23:10.

Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi isang mapanganib na kulto. Sa halip, maganda ang epekto sa amin ng relihiyon namin, at nakikinabang din ang iba pa sa komunidad. Halimbawa, ang aming ministeryo ay nakatulong sa maraming tao na mapagtagumpayan ang pagkasugapa sa droga, inuming de-alkohol, at iba pa. Sa buong daigdig, nagdaraos din kami ng mga klase para sa mga nais matutong bumasa at sumulat. Lagi rin kaming tumutulong sa mga biktima ng sakuna. Nagsisikap kami nang husto para makatulong sa iba na magbago, gaya ng iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod.​—Mateo 5:13-16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share