Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 81
  • Paano Kung Nababagot Ako?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Kung Nababagot Ako?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang dapat mong malaman
  • Ang puwede mong gawin
  • Ano ang Gagawin Ko Kapag Naiinip ang Anak Ko?
    Tulong Para sa Pamilya
  • Ang Pagkabagot ay Maaaring Magdulot ng Kaigtingan at Panlulumo
    Gumising!—1989
  • Isang Madaling Lunas sa Pagkabagot?
    Gumising!—1995
  • Ang Iyong Buhay ba ay Nakababagot? Mababago Mo Ito!
    Gumising!—1995
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 81
Isang tin-edyer na maraming gadyet pero nakatingin lang sa kisame habang nakahiga sa kama

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Kung Nababagot Ako?

Para sa ilan, wala nang mas malala pa sa mga panahong hindi ka makalabas ng bahay dahil umuulan—wala kang magawa at wala kang mapuntahan. “Kapag gano’n,” ang sabi ng kabataang si Robert, “nakaupo lang ako, at hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.”

Naramdaman mo na rin ba iyan? Kung oo, makakatulong sa iyo ang artikulong ito!

  • Ang dapat mong malaman

  • Ang puwede mong gawin

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Ang dapat mong malaman

  • Baka hindi makatulong ang mga gadyet.

    Puwedeng pampalipas-oras ang pag-i-Internet, pero hindi nito mapalalabas ang pagiging malikhain mo at lalo ka lang mababagot. “Mari-realize mo na nakatingin ka lang sa screen pero hindi gumagana ang isip mo,” ang sabi ni Jeremy, edad 21.

    Sang-ayon diyan ang kabataang si Elena. “Hindi masyadong nakakatulong ang mga gadyet,” ang sabi niya. “Pansamantala ka lang nitong inilalayo sa realidad. Kapag ibinaba mo na ang gadyet mo, pakiramdam mo, lalo ka lang na-bore!”

  • Mahalagang magkaroon ng tamang pananaw.

    Kapag marami ka bang ginagawa, hindi ka na mababagot? Depende iyan sa kung gaano ka kainteresado sa ginagawa mo. Halimbawa, sinabi ng kabataang si Karen: “Para sa akin, napaka-boring mag-aral, kahit ang daming ipinapagawa sa amin buong araw. Dapat gusto mo ang ginagawa mo para hindi ka mabagot.”

Alam mo ba? Hindi problema ang mga panahong wala kang magawa. Para itong magandang lupa kung saan mapalalago mo ang iyong pagkamalikhain.

Isang pasô ng halaman na may tumutubong gitara, bolpen at papel, at paleta

Ang panahong mayroon ka ay parang magandang lupa kung saan mapalalago mo ang iyong pagkamalikhain

Ang puwede mong gawin

Maging interesado sa iba’t ibang bagay. Makipagkaibigan. Magsimula ng bagong hobby. Mag-research tungkol sa mga bagong bagay. Ang mga taong interesado sa iba’t ibang bagay ay kadalasang hindi nababagot mag-isa—at hindi rin boring na kasama!

Simulain sa Bibliya: “Ang lahat ng masumpungang gawin ng iyong kamay, gawin mo ng iyong buong kapangyarihan.”—Eclesiastes 9:10.

“Kakasimula ko lang mag-aral ng Mandarin Chinese, at dahil araw-araw akong nagpapraktis, na-realize ko na na-miss ko pala y’ong ganitong pag-aaral. Gustong-gusto ko y’ong ganito. Lagi akong nag-iisip at nagagamit ko ang panahon ko sa makabuluhang bagay.”—Melinda.

Magpokus sa iyong tunguhin. Kapag naiintindihan mo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, lalo kang magiging interesado rito. Hindi rin magiging boring para sa iyo kahit ang pag-aaral kapag nakikita mo kung para saan ito.

Simulain sa Bibliya: “Sa tao ay wala nang mas mabuti kundi ang . . . magdulot ng kabutihan sa kaniyang kaluluwa dahil sa kaniyang pagpapagal.”—Eclesiastes 2:24.

“Bago matapos ang school year, walong oras akong nag-aaral araw-araw dahil kailangan kong maghabol. Boring? Hindi, dahil nakatutok ako sa ginagawa ko. Nakapokus ako sa graduation kaya mas determinado ako sa ginagawa ko.”—Hannah.

Tanggapin ang hindi mo na mababago. Kahit sa pinaka-exciting na mga gawain, may pagkakataon din na paulit-ulit lang ang ginagawa mo. At kahit ang pinakamatalik mong mga kaibigan ay puwedeng mag-cancel ng lakad ninyo, kaya bigla kang mawawalan ng gagawin. Sa halip na malungkot o magmukmok, sikapin mong maging positibo.

Simulain sa Bibliya: “Ang may mabuting puso ay laging may piging.”—Kawikaan 15:15.

“Sabi ng kaibigan ko, i-enjoy ko ang panahong mag-isa lang ako. Mahalaga raw na matuto tayong maging balanse—may panahon tayong kasama ang iba at may panahon din tayo para sa sarili natin.”—Ivy.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Hannah

“Naiinggit ako dati sa mga taong parang exciting ang buhay. ’Tapos na-realize ko na ordinaryong tao lang sila na may ginagawa. Kaya nagsimula rin akong gumawa ng iba’t ibang bagay. Nagkaro’n ako ng mga hobby at nag-research tungkol sa kawili-wiling mga bagay. Habang mas marami kang natututuhan sa mundo, mas nagiging interesado ka rito at nawawala ang pagkabagot mo.”—Hannah.

Caleb

“Noong mas bata ako, naglalaro ako ng video games kapag nababagot ako. Pero no’ng mas tumanda na ako, nakita ko na nasasayang lang ang panahon ko sa paglalaro ng video games. Nauubos ang oras ko, pero wala naman akong nagagawang makabuluhan. Naghanap ako ng mga bagay na magagawa na mas kapaki-pakinabang.”—Caleb.

Micaela

“Pakiramdam ko dati, ang bagal tumakbo ng oras dahil bagot na bagot ako. Pero natutuhan ko na kung gusto kong isama ako ng mga kaibigan ko sa mga activity nila, dapat gano’n din ako sa kanila. Gano’n ang ginawa ko at nakatulong ’yon. Ngayon, nami-miss ko na y’ong mga panahong mag-isa ako. Bihira na kasing mangyari ’yon!—Micaela.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share