Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng* lahat ng bansa,+ at pagkatapos ay darating ang wakas.

  • Mateo 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ang mabuting balitang+ ito ng kaharian+ ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa;+ at kung magkagayon ay darating ang wakas.+

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 24:14

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      7/2022, p. 8

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 21

      Ang Bantayan (Pampubliko),

      Blg. 2 2020 p. 9

      Kaunawaan, p. 627-628, 1223

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 281

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      5/2016, p. 8-12

      Ang Bantayan,

      7/15/2015, p. 6

      5/1/2015, p. 3, 7

      4/15/2013, p. 22-26

      3/1/2012, p. 8

      3/1/2011, p. 3, 4-6, 7-9

      5/1/2009, p. 16

      3/15/2009, p. 17-18

      5/15/2008, p. 12-13

      9/15/2006, p. 6

      5/1/2006, p. 27

      2/1/2006, p. 22-26

      7/1/2005, p. 24-25

      8/15/1999, p. 19-24

      4/1/1997, p. 8

      9/1/1995, p. 17-18

      8/15/1994, p. 16-21

      2/15/1994, p. 10

      9/15/1992, p. 20-21

      6/15/1992, p. 14

      9/1/1989, p. 13-14, 18-20

      1/1/1989, p. 11

      7/15/1988, p. 10-11

      1/1/1988, p. 21-24, 25-29

      Itinuturo, p. 99-100

      Itinuturo ng Bibliya, p. 92-94

      Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!, p. 60-61, 67, 92-95

      Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 279-281

      Tagapaghayag, p. 556

      Salita ng Diyos, p. 146-148

      Nangangatuwiran, p. 173, 364

      Gumising!,

      4/8/1988, p. 12

      Gumising!, 6/8/1987, p. 23

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24:14

      ang mabuting balitang ito: Ang salitang Griego na eu·ag·geʹli·on ay mula sa mga salitang eu, na nangangahulugang “mabuti; maganda” at agʹge·los, “tagapagdala ng balita; tagapaghayag.” (Tingnan sa Glosari, “Mabuting balita.”) Isinasalin itong “ebanghelyo” sa ilang Bibliya. Ang kaugnay na ekspresyong isinasaling “ebanghelisador” (sa Griego, eu·ag·ge·li·stesʹ) ay nangangahulugang “mángangarál ng mabuting balita.”—Gaw 21:8; Efe 4:11, tlb.; 2Ti 4:5, tlb.

      Kaharian: Tumutukoy sa Kaharian ng Diyos. Sa buong Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang ‘mabuting balita’ (tingnan ang naunang study note sa ang mabuting balitang ito sa tekstong ito) ay iniuugnay sa Kaharian ng Diyos, ang paksa ni Jesus sa kaniyang pangangaral at pagtuturo.​—Tingnan ang study note sa Mat 3:2; 4:23; Luc 4:43.

      ipangangaral: O “ihahayag sa maraming tao.”—Tingnan ang study note sa Mat 3:1.

      sa buong lupa . . . lahat ng bansa: Idiniriin ng mga ekspresyong ito ang lawak ng gawaing pangangaral. Ang salitang Griego para sa “lupa” (oi·kou·meʹne) ay tumutukoy sa lupa, o mundo, na tirahan ng mga tao. (Luc 4:5; Gaw 17:31; Ro 10:18; Apo 12:9; 16:14) Pero noong unang siglo, ginamit din ang terminong ito para sa malawak na Imperyo ng Roma, kung saan nakapangalat ang mga Judio. (Luc 2:1; Gaw 24:5) Ang salitang Griego naman para sa “bansa” (eʹthnos) ay karaniwan nang tumutukoy sa grupo ng mga tao na magkakalahi at may iisang wika. Ang ganoong bayan o etnikong grupo ay kadalasan nang naninirahan sa isang partikular na teritoryo.

      para marinig ng: Lit., “bilang patotoo sa.” Katiyakan ito na ang mabuting balita ay maririnig ng lahat ng bansa. Ang salitang Griego na mar·tyʹri·on (patotoo) at ang mga kaugnay nitong salitang Griego ay kadalasang tumutukoy sa pagsasabi ng detalye at mga pangyayari tungkol sa isang paksa. (Tingnan ang study note sa Gaw 1:8.) Dito, sinasabi ni Jesus na may mga magpapatotoo sa buong mundo tungkol sa gagawin ng Kaharian ng Diyos at maglalahad ng mga pangyayaring may kaugnayan sa Kaharian. Ipinakita ni Jesus na ang pangangaral tungkol sa Kaharian sa buong mundo ay isang napakahalagang bahagi ng “tanda ng [kaniyang] presensiya.” (Mat 24:3) Bagaman tatanggap ng patotoo ang lahat ng bansa, hindi ito nangangahulugang lahat ng bansa ay magiging tunay na mga Kristiyano; maririnig lang nila ang patotoo.

      wakas: O “ganap na wakas.”—Tingnan ang study note sa Mat 24:3, 6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share