Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 20
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

Nilalaman ng Deuteronomio

      • Mga tuntunin sa pakikidigma (1-20)

        • Eksemsiyon sa pagsusundalo (5-9)

Deuteronomio 20:1

Marginal Reference

  • +Deu 3:22; 31:6; Aw 20:7; Kaw 21:31

Deuteronomio 20:2

Marginal Reference

  • +Bil 31:6

Deuteronomio 20:4

Marginal Reference

  • +Exo 14:14; Jos 23:10

Deuteronomio 20:5

Talababa

  • *

    O “napapasinayaan.”

Deuteronomio 20:7

Marginal Reference

  • +Deu 24:5

Deuteronomio 20:8

Talababa

  • *

    O “matunaw ang puso ng.”

Marginal Reference

  • +Huk 7:3
  • +Bil 13:33; 14:1-3; 32:9; Deu 1:28

Deuteronomio 20:10

Marginal Reference

  • +Jos 11:19

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 593

Deuteronomio 20:11

Marginal Reference

  • +Lev 25:44, 46; Jos 9:22, 27

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 593

Deuteronomio 20:13

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 593

Deuteronomio 20:14

Marginal Reference

  • +2Cr 14:13
  • +Jos 22:8

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 593

Deuteronomio 20:16

Marginal Reference

  • +Jos 6:17; 10:28; 11:11

Deuteronomio 20:17

Marginal Reference

  • +Deu 7:1

Deuteronomio 20:18

Marginal Reference

  • +Exo 34:15; Deu 7:4; Jos 23:12, 13; Isa 2:6; 1Co 5:6; 15:33

Deuteronomio 20:19

Marginal Reference

  • +Ne 9:25

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Malapít kay Jehova, p. 161

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 989

Ibang Salin

I-click ang numero ng talata para makita ang ibang salin.

Iba Pa

Deut. 20:1Deu 3:22; 31:6; Aw 20:7; Kaw 21:31
Deut. 20:2Bil 31:6
Deut. 20:4Exo 14:14; Jos 23:10
Deut. 20:7Deu 24:5
Deut. 20:8Huk 7:3
Deut. 20:8Bil 13:33; 14:1-3; 32:9; Deu 1:28
Deut. 20:10Jos 11:19
Deut. 20:11Lev 25:44, 46; Jos 9:22, 27
Deut. 20:142Cr 14:13
Deut. 20:14Jos 22:8
Deut. 20:16Jos 6:17; 10:28; 11:11
Deut. 20:17Deu 7:1
Deut. 20:18Exo 34:15; Deu 7:4; Jos 23:12, 13; Isa 2:6; 1Co 5:6; 15:33
Deut. 20:19Ne 9:25
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Basahin sa Bibliya Para sa Pag-aaral (nwtsty)
  • Basahin sa Bagong Sanlibutang Salin (bi12)
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Deuteronomio 20:1-20

Deuteronomio

20 “Kung makikipagdigma kayo sa mga kaaway ninyo at makita ninyong mas marami silang kabayo, karwahe, at sundalo, huwag kayong matakot sa kanila, dahil sumasainyo ang Diyos ninyong si Jehova na naglabas sa inyo sa Ehipto.+ 2 Bago kayo makipagdigma, dapat kausapin ng saserdote ang bayan.+ 3 Sasabihin niya, ‘Makinig kayo, O Israel, malapit na kayong makipagdigma sa mga kaaway ninyo. Huwag kayong panghinaan ng loob. Huwag kayong matakot o masindak o mangatog dahil sa kanila, 4 dahil nagmamartsang kasama ninyo ang Diyos ninyong si Jehova para makipaglaban sa inyong mga kaaway at para iligtas kayo.’+

5 “Dapat ding sabihin sa bayan ng mga opisyal, ‘Sino ang nagtayo ng bagong bahay at hindi pa ito natitirhan?* Pauwiin ninyo siya. Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang tao ang tumira dito. 6 At sino ang nagtanim ng mga ubas at hindi pa umaani? Pauwiin ninyo siya. Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang tao ang umani nito. 7 At sino ang nakipagtipan sa isang babae at hindi pa ikinakasal? Pauwiin ninyo siya.+ Dahil baka mamatay siya sa labanan at ibang lalaki ang ikasal dito.’ 8 Dapat ding tanungin ng mga opisyal ang bayan, ‘Sino ang matatakutin at mahina ang loob?+ Dapat na siyang umuwi para hindi rin maduwag ang* mga kapatid niya.’+ 9 Pagkatapos kausapin ng mga opisyal ang bayan, dapat silang mag-atas ng mga pinuno ng mga hukbo para manguna sa bayan.

10 “Bago kayo makipagdigma sa isang lunsod, iharap muna ninyo sa kanila ang kasunduan para sa kapayapaan.+ 11 Kung tanggapin nila ang kasunduan at buksan ang kanilang mga pintuang-daan, ang lahat ng mamamayan doon ay magiging inyo para sa puwersahang pagtatrabaho, at maglilingkod sila sa inyo.+ 12 Pero kung ayaw nilang makipagpayapaan at makipagdigma sila sa inyo, palibutan ninyo ang lunsod, 13 at ibibigay ito sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at dapat ninyong patayin ang lahat ng lalaki roon gamit ang espada. 14 Pero puwede ninyong kunin ang mga babae, bata, mga hayop, at lahat ng nasa lunsod, ang lahat ng samsam,+ at mapapakinabangan ninyo ang nasamsam ninyo sa inyong mga kaaway, na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+

15 “Ganiyan ang gagawin ninyo sa lahat ng lunsod na napakalayo sa inyo at hindi kasama sa mga lunsod ng mga bansang malapit sa inyo. 16 Pero sa mga lunsod ng mga bayang ito, na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana, wala kayong ititirang buháy.+ 17 Dapat ninyo silang puksain, ang mga Hiteo, Amorita, Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita,+ gaya ng iniutos sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova; 18 para hindi nila maituro sa inyo ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa nila para sa kanilang mga diyos, at dahil doon ay magkasala kayo sa Diyos ninyong si Jehova.+

19 “Kapag pinalibutan ninyo ang isang lunsod para sakupin ito at maraming araw na kayong nakikipaglaban, huwag ninyong puputulin ang mga puno nito gamit ang palakol. Puwede kayong kumain ng bunga ng mga ito, pero huwag ninyong puputulin ang mga ito.+ Kailangan ba ninyong salakayin ang mga puno sa parang gaya ng ginagawa ninyo sa mga tao? 20 Ang puwede lang ninyong putulin ay ang punong alam ninyong hindi makakain ang bunga. Puwede ninyong putulin iyon at gamitin para palibutan ang lunsod na nakikipagdigma sa inyo, hanggang sa bumagsak ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share