Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 4/8 p. 31
  • Ipadama ang Iyong Malasakit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipadama ang Iyong Malasakit
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapatiwakal—Isang Salot sa mga Kabataan
    Gumising!—1998
  • Isang Pandaigdig na Problema
    Gumising!—2001
  • Kung Bakit Sumusuko sa Buhay ang mga Tao
    Gumising!—2001
  • Pagpapatiwakal—Ang Nakakubling Epidemya
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 4/8 p. 31

Ipadama ang Iyong Malasakit

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Canada

Isang nakababahalang bilang ng mga may-edad sa Canada ang nagpapatiwakal dahil sa nadaramang pagdadalamhati nang lingid sa kaalaman ng iba. Itinala ng isang ulat sa pahayagang Vancouver Sun na bagaman 1 sa 200 tangkang pagpapatiwakal ng mga kabataan ay nagbubunga ng kamatayan, ang katumbasan naman ay 1 sa 4 para sa mga lampas na sa 65 taóng-gulang. At pinaniniwalaan na mayroon pa ngang “hindi kumpletong ulat ng mga pagpapatiwakal sa mga may-edad, sapagkat mahirap makita ang kaibahan nito mula sa mga likas na kadahilanan para sa mga may-edad na may malulubhang suliranin sa kalusugan.”

Bakit ang karamihan sa mga may-edad ay ayaw nang mabuhay pa? Si Oluwafemi Agbayewa na saykayatris sa Pamantasan ng British Columbia, isang dalubhasa sa isyu ng pagpapatiwakal sa mga may-edad, ay tumukoy sa panlulumo, pagbubukod, at kalungkutan bilang mga salik. Ang direktor ng Suicide Information and Education Centre sa Calgary, Alberta, na si Gerry Harrington ay nagsabi na habang nagkakaedad ang tao, “nawawala na ang kanilang halaga, awtoridad, pangunguna. . . . Biglang-bigla’y wala nang humihingi ng kanilang mga opinyon. Napakaraming tao ang dinadala sa mga nursing home kung saan walang ibang magagawa kundi maupo at maglaro ng baraha at manood ng TV.” Karagdagan pa sa damdaming ito ay ang bagay na mas pinahahalagahan ng lipunan ang kabataan gayundin ang kalayaan, pagkamabunga, at pagiging maliksi​—mga katangiang kumukupas na habang nagkakaedad.

Gayunman sa mga mata ng Diyos na Jehova, ang mga may-edad ay lubos na pinahahalagahan. Ang katibayan na totoong nauunawaan niya ang kanilang emosyonal na mga pangangailangan ay makikita sa kaniyang utos sa bayan ng sinaunang Israel: “Sa harapan ng may uban ay titindig ka, at magpapakita ka ng pakundangan sa pagkatao ng isang matanda, at matakot ka sa iyong Diyos.”​—Levitico 19:32.

Kung gayon, paano tayo “magpapakita ng pakundangan” sa may-edad? Bagaman hindi laging lumalabas sa kanilang mga bibig ang mga salita ng karunungan at ang mga di-kasakdalan ay lalo pang pinatitindi ng katandaan, karapat-dapat sila sa ating paggalang. Ipadama ang iyong malasakit. Pag-ukulan sila ng dignidad, karangalan, at pagkilala sa pamamagitan ng pagkatuto at pagtulad sa kanilang malalim na unawa at karunungan, lalo na kung ang buhay nila ay pinapatnubayan ng espiritu ng Diyos at ng tumpak na kaalaman ng kaniyang Salita.

Marami pa ang itinuturo ng Salita ng Diyos tungkol sa pagmamalasakit at pagpaparangal sa may-edad. Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa mga tagapaglathala ng babasahing ito at humiling ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share