Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 10/15 p. 29
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paghadlang sa Karahasan
  • Isang Maayos na Sansinukob
  • Ang Homoseksuwalidad at ang mga Katoliko
  • Dapat Bang Kapootan ng mga Kristiyano ang mga Homoseksuwal?
    Gumising!—1997
  • Homoseksuwalidad—Talaga Nga Bang Napakasama Nito?
    Gumising!—1995
  • Paaralang Bayan Para sa mga Homoseksuwal sa Lunsod ng New York
    Gumising!—1986
  • Homoseksuwalidad—Ano ang Tungkulin ng Klero?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 10/15 p. 29

Ang Kahulugan ng mga Balita

Paghadlang sa Karahasan

Nagpapahiwatig ng patuloy na paglago ng karahasan sa gitna ng mga tinedyer, nag-uulat ang lathalaing American Health na “ang pag-aaway ng mga magkakaibigan, mga magkakaklase at mga magkakapitbahay ang No. 1 sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang bagong sibol at ang No. 2 sanhi ng kamatayan ng lahat ng mga kabataang bagong sibol sa Amerika.”

Sa pagsisikap na masawata ang mga hilig sa karahasan, isang sentro ng pagpapayo sa Boston ang nagbibigay ng isang kurso na nagpapangyaring ang mga estudyante’y umakto sa maiikling dokumentaryadong mga drama tungkol sa karahasan. Sa ganito, sila’y “nagsisimulang makakilala ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa karahasan” at, ang paliwanag ng direktor ng programa, kanilang “nakikita ang ayos ng galit sa mismong sarili nila.”

Natututuhan ng mga estudyante ang sikolohikal na pagtugon sa galit, ng karagdagang pag-agos ng adrenaline na dumadaig sa pagpipigil-sa-sarili, at ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapahupa sa galit “bago magkaroon ng biokimikong reaksiyon ang katawan.” Kanilang natututuhan na sa pamamagitan ng mga pagtatanong at sadyang pagsasalita nang mahinahon, ang isang mainitang pag-aaway ay maiiwasan.

Ang mga estudyante ng Bibliya ay malaon nang nakaaalam na ang ibinubunga ng karahasan ay karahasan din at, “ang sagot, kung mahinahon, ay nagpapaalis ng galit.” (Kawikaan 15:1) Ipinapayo sa atin ng Bibliya na lumayo, agad-agad, pagka tayo’y napaharap sa isang bagay na maaaring humantong sa karahasan. Ang pantas na si Haring Solomon ay sumulat: “Ang pasimula ng pagkakagalit ay gaya ng pagbuga ng tubig; kaya’t iwan ninyo ang pagtatalo bago iyon mauwi sa pagkakagalit.”​—Kawikaan 17:14.

Isang Maayos na Sansinukob

Nang katapusan ng Mayo mga 200 fisisista, kasali na ang mga ilang nanalo ng Nobel prize, ay nagtipon sa Blois, Pransiya. Ang layunin ng kanilang sanlinggong pagpupulong ay upang ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng pagkatuklas ng “CP violation,” sa malas ay ang paglabag sa mga batas na inaakalang dahilan ng sakdal na simetria sa pagitan ng materya at ng antimaterya.

Subalit ang teoryang ito ay naghaharap ng maraming problema na kasindami ng nilulutas nito. Sinipi ng International Herald Tribune si Sobyet Propesor Andrei Linde na ganito ang sabi: “Ang kabalighuan,” aniya, “ay na ang asimetria na ito ang nagbunga ng maayos na sansinukob.” Nang tanungin kung ang “CP violation” ay nagpapakilala ng isang layunin sa sansinukob, ang Pranses na kosmologong si Jean Audouze ay nagsabi: “Kung minsan ang naiisip ko’y oo, kung minsan naman ay naiisip kong hindi. Ang sansinukob ay hindi pare-pareho. At ang sansinukob ay itinayo nang may kaayusan. At ang dalawang bagay na ito ay kagila-gilalas. Ang sansinukob ay hindi isang bagay na nangyari nang di-sinasadya.”

Hindi sa pamamagitan ng paraang di-sinasadya o sumipot na lamang at sukat ang sansinukob. Sinasabi ng Genesis 1:1: “Sa pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Ang sansinukob ay may kaayusan sapagkat si Jehova, ang Maylikha, “ay isang Diyos, hindi ng kaguluhan,” kundi Isang may “sakdal” na mga gawa.​—1 Corinto 14:33; Deuteronomio 32:4; ihambing ang Isaias 40:26; 42:5.

Ang Homoseksuwalidad at ang mga Katoliko

Ulit at ulit na sinabi ng papa na ang opisyal na paninindigan ng Iglesia Katolika tungkol sa homoseksuwalidad ay na ito’y labag sa kalinisang-asal. Gaya ng paliwanag niya, “ang sinaunang lipunang Kristiyano ay tiyak na hindi maluwag sa disiplina.” Hindi lahat ng obispo at paring Katoliko ay sumasang-ayon.

Maaga noong 1989, ang obispong Pranses na si Jacques Gaillot ay nagsabing kaniyang inuulit lamang ang diwa ng sinabi ni Jesus nang siya’y sumulat na “ang mga homoseksuwal ay mauuna pa sa atin sa pagpasok sa kaharian ng Diyos.”

Subalit, hindi binanggit ni Obispo Gaillot na ang tinutukoy noon ni Jesus ay mga nagsising patutot​—hindi yaong mga patutot na hindi pa tumatalikod sa gayong gawain​—bilang siyang mga papasok sa Kaharian ng Diyos nang una pa sa matitigas-ulong mga pinunong Judio noong kaniyang kaarawan.​—Mateo 21:28-32.

Gayundin, ang paring Kastila na si José Ramón Carrasco ay sumulat kamakailan sa pahayagang El País ng Madrid na “hindi kailanman minasamâ ni Jesu-Kristo ang mga homoseksuwal. . . . Nang tukuyin niya ang pag-ibig, pag-ibig sa kapuwa ang kaniyang tinutukoy at kailanman ay hindi niya espesipikong tinukoy kung ang kapuwang iyon ay isang lalaki o isang babae, o kung anong tindig, anyo o lakad ang ibig niya.”

Datapuwat, ipinakikita ng Bibliya na hindi mga homoseksuwal na relasyon ang tinutukoy ni Jesus. Sa talinghaga ng Mabuting Samaritano, kaniyang ipinaliwanag nang husto kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig sa kapuwa, samakatuwid nga, pagpapakita ng walang-imbot na interes sa kapakanan ng iba.​—Lucas 10:29-37.

Ganito ang sabi ng Bibliya tungkol sa mga homoseksuwal: “Huwag kayong padaya; maging ang mga imoral, ang mga idolatroso, ang mga mangangalunya, o mga homoseksuwal . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.”​—1 Corinto 6:9-11, Revised Standard Version, edisyong Katoliko.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share