Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/88 p. 4
  • May Pagkakaisang Sumasamba kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Pagkakaisang Sumasamba kay Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkakaisa sa Pagsamba sa Ating Panahon—Ano ang Kahulugan Nito?
    Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos
  • Bagong Aklat na Gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Pag-aaral sa Aklat na Sambahin ang Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Gamitin ang Aklat na Sambahin ang Diyos sa Pagdaraos ng mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 3/88 p. 4

May Pagkakaisang Sumasamba kay Jehova

1 Inilarawan ng mang-aawit ang ating nagkakaisang pagsamba nang kaniyang isinulat: “Masdan ninyo! Anong pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!” (Awit 133:1) Sa pamamagitan ng pagsulong sa tumpak na kaalaman at pagkakapit nito sa araw-araw, napananatili natin ang ‘iisang diwa at iisang kaisipan.’ (1 Cor. 1:10) Ang ating pagkakaisa ay lalo pang nag-ibayo sa nakaraang mga taon sa pamamagitan ng paggamit ng aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos, na inilabas noong 1983. Dapat nating mapahalagahan ang publikasyong ito nang higit pa habang ating isinasaalang-alang itong muli sa ating Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat pasimula sa linggo ng Mayo 30 hanggang Hunyo 5. Hinihimok namin ang lahat na pumidido ng kanilang suplay ngayon upang mayroon na nito kapag pinasimulan nating pag-aralan ang aklat.

2 Ang lahat ay makikinabang, kahit na napag-aralan na natin ang aklat na ito o kaya’y kabilang tayo sa libu-libong mga baguhan na napunta sa katotohanan pagkatapos na gamitin ang aklat na ito sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Ang mga baguhan ay makikinabang mula sa iba’t ibang komento at pagkakapit na ginagawa ng mga maygulang na kapananampalataya. Ang lokal na aplikasyon ng materyal sa pamamagitan ng may karanasang mga konduktor ay walang alinlangang sasaklaw sa mga dako ng ating personal na buhay at ministeryo na nangangailangan ng higit na pansin. Ang pagrerepaso sa impormasyon at pagkakapit ng payo sa aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba, na tumatalakay sa mga suliranin at mga panggigipit na napapaharap sa atin ngayon ay magpapatibay sa atin habang patuloy tayong “nakikipaglabang masikap dahil sa pananampalataya.”—Judas 3.

3 Bukod pa sa pagtataglay ng matalinong payo na kapuwa nakapagpapatibay at nakapagpapasigla, ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba ay nagpapasigla sa ating gana ukol sa espirituwal na kaalaman. Ang ating kapangyarihang mangatuwiran ay napatitibay sa paraan ng paghaharap ng impormasyon. Ang mga katanungan sa ibaba ng pahina, at gayundin ang mga katanungan at mga kasulatan sa ilang mga parapo ay humihiling ng malalim na pag-iisip at personal na pagkakapit sa ating bahagi. Ang pag-aaral sa aklat na ito ay magpapasulong sa ating kakayahang mag-isip at sa ating kaunawaan sa espirituwal na mga bagay.

4 Kailangan nating lahat na sariwain sa ating kaisipan ang mga espirituwal na bagay gaya ng ipinakita ni Pedro. (2 Ped. 1:12, 13; 3:1) Ipinaalaala ni Pablo na ito’y para sa ating espirituwal na kaligtasan. (Fil. 3:1) Sa pamamagitan ng pagsusuring muli sa aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba, tayo ay mapalalakas sa ating nagkakaisang pagsamba kay Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share