Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb16 Setyembre p. 8
  • Mga Dapat Iwasan Kapag Nagdaraos ng Pag-aaral sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Dapat Iwasan Kapag Nagdaraos ng Pag-aaral sa Bibliya
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Pagdaraos ng Isang Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Paghahanda at Pagdaraos ng mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Tulungan ang Bible Study Mo na Mabautismuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Simple
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
mwb16 Setyembre p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Dapat Iwasan Kapag Nagdaraos ng Pag-aaral sa Bibliya

Printed Edition
Brother na salita nang salita sa kaniyang estudyante

Ikaw ang Salita Nang Salita: Huwag isipin na kailangan mong ipaliwanag lahat. Gumamit si Jesus ng mga tanong para mag-isip at makagawa ng tamang konklusyon ang kausap niya. (Mat 17:24-27) Kapag nagtatanong ka, nagiging masigla ang pag-aaral ninyo at nakikita mo kung ano ang nauunawaan at pinaniniwalaan ng estudyante mo. (be 253 ¶3-4) Maging matiyaga at hintayin ang kaniyang sagot. Kapag mali ang sagot niya, huwag agad sabihin ang tamang sagot kundi akayin siya sa tamang konklusyon sa pamamagitan ng karagdagang mga tanong. (be 238 ¶1-2) Huwag bilisan ang pagsasalita para makuha ng estudyante ang mga bagong impormasyon.—be 230 ¶4.

Iba’t ibang komplikadong detalye kung bakit tayo tumatanda

Ginagawang Komplikado: Iwasang sabihin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa paksa. (Ju 16:12) Magpokus sa pangunahing punto ng parapo. (be 226 ¶4-5) Ang mga detalye, kahit na kawili-wili, ay maaaring magpalabo sa pangunahing mga punto. (be 235 ¶3) Kapag naiintindihan na ng estudyante ang pangunahing punto, lumipat na sa susunod na parapo.

Brother na nagpapasok ng maraming impormasyon, kaya nalilito ang estudyante

Basta Lang Itinatawid ang Impormasyon: Ang tunguhin natin ay maabot ang puso ng estudyante. (Luc 24:32) Gamitin ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos at magpokus sa mga susing teksto. (2Co 10:4; Heb 4:12; be 144 ¶1-3) Gumamit ng mga simpleng ilustrasyon. (be 245 ¶2-4) Ibagay ang pag-aaral sa mga hamong kinakaharap ng estudyante at sa paniniwala niya. Puwede mong itanong: “Ano ang masasabi mo sa pinag-aaralan natin?” “Ano ang natutuhan natin dito tungkol kay Jehova?” “Paano ka makikinabang sa pagsunod sa payong ito?”—be 238 ¶3-5; 259 ¶1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share