Ezekiel
9 At tumawag siya sa aking pandinig sa malakas na tinig, na nagsasabi: “Palapitin ninyo yaong mga nagtutuon ng kanilang pansin sa lunsod, na ang bawat isa ay taglay sa kaniyang kamay ang kaniyang sandatang pamuksa!”
2 At, narito! may anim na lalaki na dumarating mula sa dako ng mataas+ na pintuang-daan na nakaharap sa hilaga, na ang bawat isa ay taglay sa kaniyang kamay ang kaniyang sandatang pandurog; at isang lalaki ang kasama nila na nadaramtan ng lino,+ na may tintero ng kalihim sa kaniyang mga balakang, at sila ay pumasok at tumayo sa tabi ng altar na tanso.+
3 At kung tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos ng Israel,+ ito ay pumailanlang mula sa ibabaw ng mga kerubin+ na kinaroroonan nito patungo sa pintuan ng bahay,+ at nagsimula siyang tumawag sa lalaking nadaramtan ng lino,+ na may tintero ng kalihim sa kaniyang mga balakang. 4 At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Dumaan ka sa gitna ng lunsod, sa gitna ng Jerusalem, at lagyan mo ng marka ang mga noo ng mga taong nagbubuntunghininga at dumaraing+ dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa sa gitna nito.”+
5 At sa mga ito naman ay sinabi niya sa aking pandinig: “Dumaan kayo sa lunsod na kasunod niya at manakit kayo. Huwag maawa ang inyong mata, at huwag kayong mahabag.+ 6 Ang matandang lalaki, binata at dalaga at maliit na bata at mga babae+ ay patayin ninyo—hanggang sa malipol. Ngunit sa sinumang taong may marka ay huwag kayong lumapit,+ at sa aking santuwaryo kayo magsimula.”+ Kaya nagsimula sila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.+ 7 At sinabi pa niya sa kanila: “Dungisan ninyo ang bahay at punuin ninyo ng mga napatay+ ang mga looban. Humayo kayo!” At sila ay humayo at nanakit sa lunsod.
8 At nangyari nga, samantalang nananakit sila at ako ay naiwan, na isinubsob ko ang aking mukha+ at humiyaw ako at nagsabi: “Ay,+ O Soberanong Panginoong Jehova! Lilipulin mo ba ang lahat ng nalalabi sa Israel habang ibinubuhos mo sa Jerusalem ang iyong pagngangalit?”+
9 Kaya sinabi niya sa akin: “Ang kamalian ng sambahayan ng Israel at Juda+ ay pagkalaki-laki,+ at ang lupain ay punô ng pagbububo ng dugo+ at ang lunsod ay punô ng kalikuan;+ sapagkat sinabi nila, ‘Iniwan na ni Jehova ang lupain,+ at hindi nakikita ni Jehova.’+ 10 At sa ganang akin din naman, ang aking mata ay hindi maaawa,+ ni mahahabag man ako.+ Ang kanilang lakad ay tiyak na pasasapitin ko sa kanilang sariling ulo.”+
11 At, narito! ang lalaking nadaramtan ng lino, na may tintero sa kaniyang mga balakang, ay nagbalik ng salita, na nagsasabi: “Nagawa ko na ang gaya ng iniutos mo sa akin.”+