Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 18:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Sa aking kabagabagan ay patuloy akong tumatawag kay Jehova,

      At sa aking Diyos ay patuloy akong humihingi ng tulong.+

      Mula sa kaniyang templo ay dininig niya ang aking tinig,+

      At ang aking paghingi ng tulong sa harap niya ay dumating sa kaniyang pandinig.+

  • Awit 27:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Si Jehova ang aking liwanag+ at aking kaligtasan.+

      Kanino ako matatakot?+

      Si Jehova ang moog ng aking buhay.+

      Kanino ako manghihilakbot?+

  • Awit 31:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako.+

      O huwag nawa akong mapahiya kailanman.+

      Sa iyong katuwiran ay paglaanan mo ako ng pagtakas.+

  • Awit 31:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova, sapagkat ako ay nasa kagipitan.+

      Dahil sa kaligaligan ay nanghina ang aking mata,+ ang aking kaluluwa at ang aking tiyan.+

  • Awit 34:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Marami ang mga kapahamakan ng matuwid,+

      Ngunit mula sa lahat ng mga iyon ay inililigtas siya ni Jehova.+

  • Awit 43:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko,+

      At bakit ka nababagabag sa loob ko?

      Maghintay ka sa Diyos,+

      Sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao at bilang aking Diyos.+

  • Awit 56:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Kaisa ng Diyos ay pupurihin ko ang kaniyang salita.+

      Sa Diyos ako naglalagak ng aking tiwala; hindi ako matatakot.+

      Ano ang magagawa sa akin ng laman?+

  • Awit 143:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Naaalaala ko ang mga araw noong sinaunang panahon;+

      Binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa;+

      Kusang-loob kong itinutuon ang aking pansin sa gawa ng iyong mga kamay.+

  • Kawikaan 18:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore.+ Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.+

  • Habakuk 3:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Gayunman, sa ganang akin, magbubunyi ako kay Jehova;+ magagalak ako sa Diyos ng aking kaligtasan.+

  • Lucas 22:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Nang magkagayon ay nagpakita sa kaniya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share