Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Huwag mong gagawin ang gayon kay Jehova na iyong Diyos,+ sapagkat lahat ng bagay na karima-rimarim kay Jehova na talagang kinapopootan niya ay ginagawa nila sa kanilang mga diyos, sapagkat maging ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay palagian nilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos.+

  • 1 Hari 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Noon nagtayo si Solomon ng isang mataas na dako+ para kay Kemos+ na kasuklam-suklam+ na bagay ng Moab sa bundok+ na nasa tapat+ ng Jerusalem, at para kay Molec na kasuklam-suklam na bagay ng mga anak ni Ammon.

  • 2 Hari 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 at patuloy nilang pinaraan sa apoy+ ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae at nanghula+ sila at naghanap ng mga tanda,+ at patuloy nilang ipinagbili+ ang kanilang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ni Jehova, upang galitin+ siya;

  • 2 Cronica 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At siya ay gumawa ng haing usok+ sa libis ng anak ni Hinom+ at sinunog sa apoy ang kaniyang mga anak,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+

  • Awit 106:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 At inihain nila ang kanilang mga anak na lalaki+

      At ang kanilang mga anak na babae sa mga demonyo.+

  • Jeremias 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+

  • Ezekiel 16:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “ ‘At kinuha mo ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na ipinanganak mo sa akin,+ at inihain mo sa kanila ang mga ito upang lamunin+—hindi pa ba sapat iyan sa iyong mga pagpapatutot?

  • 1 Corinto 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Hindi; kundi sinasabi ko na ang mga bagay na inihahain ng mga bansa ay inihahain nila sa mga demonyo,+ at hindi sa Diyos; at hindi ko nais na maging mga kabahagi kayo ng mga demonyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share