Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol.+

      Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang hukay.+

  • Awit 22:superskripsiyon-31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • Sa tagapangasiwa ng Babaing Usa sa Bukang-liwayway. Awitin ni David.

      22 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako iniwan?+

      Bakit ka malayo sa pagliligtas sa akin,+

      Sa mga salita ng aking pag-ungal?+

       2 O Diyos ko, patuloy akong tumatawag kung araw, at hindi ka sumasagot;+

      At kung gabi, at walang katahimikan sa ganang akin.+

       3 Ngunit ikaw ay banal,+

      Na tumatahan sa mga papuri ng Israel.+

       4 Sa iyo nagtiwala ang aming mga ama;+

      Nagtiwala sila, at lagi mo silang pinaglalaanan ng pagtakas.+

       5 Sa iyo sila dumaing,+ at nakaligtas sila;+

      Sa iyo sila nagtiwala, at hindi sila napahiya.+

       6 Ngunit ako ay uod,+ at hindi tao,

      Isang kadustaan sa mga tao at kasuklam-suklam sa bayan.+

       7 Kung tungkol naman sa lahat ng nakakakita sa akin, inaalipusta nila ako;+

      Ibinubuka nilang mabuti ang kanilang mga bibig, iniiling nila ang kanilang ulo:+

       8 “Ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili kay Jehova.+

      Paglaanan Niya siya ng pagtakas!+

      Hanguin niya siya, yamang nalulugod siya sa kaniya!”+

       9 Sapagkat ikaw ang Isa na naglabas sa akin mula sa tiyan,+

      Ang Isa na pinagtitiwala ako habang nasa mga suso ng aking ina.+

      10 Sa iyo ay nahagis ako mula sa bahay-bata;+

      Mula pa sa tiyan ng aking ina ay ikaw na ang aking Diyos.+

      11 Huwag kang manatiling malayo sa akin, sapagkat ang kabagabagan ay malapit,+

      Sapagkat wala nang ibang katulong.+

      12 Pinalibutan ako ng maraming guyang toro;+

      Pinaligiran ako ng mga makapangyarihan ng Basan.+

      13 Ibinuka nila laban sa akin ang kanilang bibig,+

      Gaya ng leong nanluluray at umuungal.+

      14 Ibinuhos akong parang tubig,+

      At ang lahat ng aking mga buto ay nagkahiwa-hiwalay.+

      Ang aking puso ay naging tulad ng pagkit;+

      Natunaw ito sa kailaliman ng aking mga panloob na bahagi.+

      15 Ang aking kapangyarihan ay natuyong gaya ng bibingang luwad,+

      At ang aking dila ay dumidikit sa aking mga gilagid;+

      At sa alabok ng kamatayan ay inilalagay mo ako.+

      16 Sapagkat pinalibutan ako ng mga aso;+

      Pinaligiran ako ng kapulungan ng mga manggagawa ng kasamaan.+

      Tulad ng leon sila ay nasa aking mga kamay at aking mga paa.+

      17 Mabibilang ko ang lahat ng aking mga buto.+

      Sila ay nakatingin, tinititigan nila ako.+

      18 Pinaghahati-hatian nila sa kanilang sarili ang aking mga kasuutan,+

      At ang aking damit ay pinagpapalabunutan nila.+

      19 Ngunit ikaw, O Jehova, O huwag kang manatiling malayo.+

      O ikaw na aking lakas,+ magmadali ka sa pagtulong sa akin.+

      20 Iligtas mo mula sa tabak ang aking kaluluwa,+

      Ang aking kaisa-isa mula sa mismong pangalmot ng aso;+

      21 Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon,+

      At mula sa mga sungay ng mga torong gubat ay sagutin mo ako at iligtas.+

      22 Ipahahayag ko ang iyong pangalan+ sa aking mga kapatid;+

      Sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita.+

      23 Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo siya!+

      Kayong lahat na binhi ni Jacob, luwalhatiin ninyo siya!+

      At matakot kayo sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.+

      24 Sapagkat hindi siya nanghamak+

      Ni narimarim man sa kapighatian ng napipighati;+

      At hindi niya ikinubli ang kaniyang mukha mula sa kaniya,+

      At nang humingi siya sa kaniya ng tulong ay kaniyang dininig.+

      25 Sa iyo magmumula ang aking papuri sa malaking kongregasyon;+

      Ang aking mga panata ay tutuparin ko sa harap ng mga may takot sa kaniya.+

      26 Ang maaamo ay kakain at mabubusog;+

      Yaong mga humahanap sa kaniya ay pupuri kay Jehova.+

      Mabuhay nawa ang inyong mga puso magpakailanman.+

      27 Ang lahat ng mga dulo ng lupa ay makaaalaala at manunumbalik kay Jehova.+

      At ang lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+

      28 Sapagkat ang paghahari ay nauukol kay Jehova,+

      At nagpupuno siya sa mga bansa.+

      29 Ang lahat ng matataba sa lupa ay kakain at yuyukod;+

      Sa harap niya ay luluhod ang lahat niyaong bumababa sa alabok,+

      At hindi maiingatang buháy ninuman ang kaniyang sariling kaluluwa.+

      30 Isang binhi ang maglilingkod sa kaniya;+

      Ipahahayag sa salinlahi ang may kinalaman kay Jehova.+

      31 Sila ay darating at magsasabi ng tungkol sa kaniyang katuwiran+

      Sa bayang ipanganganak, na ginawa niya ito.+

  • Awit 34:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Binabantayan niya ang lahat ng mga buto ng isang iyon;

      Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+

  • Awit 41:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Gayundin ang taong may pakikipagpayapaan sa akin, na pinagtiwalaan ko,+

      Na kumakain ng aking tinapay,+ ay nag-angat ng kaniyang sakong laban sa akin.+

  • Awit 69:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ngunit bilang pagkain ay binigyan nila ako ng nakalalasong halaman,+

      At para sa aking uhaw ay tinangka nilang painumin ako ng sukà.+

  • Isaias 53:1-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Sino ang nanampalataya sa bagay na narinig namin?+ At kung tungkol sa bisig ni Jehova,+ kanino ito naisiwalat?+ 2 At siya ay tutubo na gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap ng isa, at gaya ng isang ugat mula sa lupaing walang tubig. Wala siyang matikas na anyo, ni anumang karilagan;+ at kapag nakita namin siya, wala roon ang kaanyuan anupat siya ay nanasain namin.+

      3 Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao,+ isang taong nauukol sa mga kirot at sa pagkakaroon ng kabatiran sa sakit.+ At waring may pagkukubli ng mukha ng isa mula sa amin.+ Siya ay hinamak, at itinuring namin siya bilang walang halaga.+ 4 Tunay na ang aming mga sakit ang siyang dinala niya;+ at kung tungkol sa aming mga kirot, pinasan niya ang mga iyon.+ Ngunit itinuring namin siya bilang sinalot,+ sinaktan ng Diyos+ at pinighati.+ 5 Ngunit siya ay inuulos+ dahil sa aming pagsalansang;+ siya ay sinisiil dahil sa aming mga kamalian.+ Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya,+ at dahil sa kaniyang mga sugat+ ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.+ 6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+ 7 Siya ay ginipit,+ at hinayaan niyang pighatiin siya;+ gayunma’y hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig. Siya ay dinalang tulad ng isang tupa patungo sa patayan;+ at tulad ng isang tupang babae na sa harap ng kaniyang mga manggugupit ay napipi, hindi rin niya ibinubuka ang kaniyang bibig.+

      8 Dahil sa pagpigil at sa paghatol ay inalis siya;+ at sino ang magtutuon ng pansin sa mga detalye ng kaniyang salinlahi?+ Sapagkat inihiwalay+ siya mula sa lupain ng mga buháy.+ Dahil sa pagsalansang+ ng aking bayan ay natamo niya ang hampas.+ 9 At ang kaniyang dakong libingan ay gagawin niyang kasama nga ng mga balakyot,+ at kasama ng mga uring mayaman sa kaniyang kamatayan,+ bagaman wala siyang ginawang karahasan+ at walang panlilinlang sa kaniyang bibig.+

      10 Ngunit si Jehova ay nalugod na siilin siya;+ pinagkasakit niya siya.+ Kung itatalaga mo ang kaniyang kaluluwa bilang handog ukol sa pagkakasala,+ makikita niya ang kaniyang supling,+ palalawigin niya ang kaniyang mga araw,+ at sa kaniyang kamay ay magtatagumpay ang kinalulugdan+ ni Jehova.+ 11 Dahil sa kabagabagan ng kaniyang kaluluwa ay makakakita siya,+ masisiyahan siya.+ Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ang matuwid, ang aking lingkod,+ ay magdadala ng matuwid na katayuan sa maraming tao;+ at ang kanilang mga kamalian ay kaniyang papasanin.+ 12 Sa dahilang iyan ay bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,+ at hahati-hatiin niya ang samsam kasama ng mga makapangyarihan,+ sa dahilang ibinuhos niya ang kaniyang kaluluwa hanggang sa mismong kamatayan,+ at ibinilang siyang kasama ng mga mananalansang;+ at kaniyang dinala ang kasalanan ng maraming tao,+ at para sa mga mananalansang ay namagitan siya.+

  • Mikas 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Sa pagkakataong ito ay naghihiwa ka sa iyong sarili,+ O anak na babae ng pagsalakay; isang pagkubkob ang inihanda niya laban sa atin.+ Sa pamamagitan ng tungkod ay hahampasin nila sa pisngi ang hukom ng Israel.+

  • Zacarias 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Magalak kang lubos, O anak na babae ng Sion. + Sumigaw ka nang may pagbubunyi, + O anak na babae ng Jerusalem. Narito! Ang iyong hari + ay dumarating sa iyo. + Siya ay matuwid, oo, ligtas; + mapagpakumbaba, + at nakasakay sa asno, isa ngang hustong-gulang na hayop na anak ng asnong babae. +

  • Zacarias 11:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila: “Kung mabuti sa inyong paningin, + ibigay ninyo sa akin ang aking kabayaran; ngunit kung hindi, tumanggi kayo.” At binayaran nila ang aking kabayaran, tatlumpung pirasong pilak. +

  • Zacarias 13:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “O tabak, gumising ka laban sa aking pastol, + laban nga sa matipunong lalaki na aking kasamahan,” + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. “Saktan mo ang pastol, + at bayaang mangalat ang mga nasa kawan; + at tiyak na ibabaling ko ang aking kamay doon sa mga walang-halaga.” +

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share