Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 27
  • Walong Dolyar Isang “Pint”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Walong Dolyar Isang “Pint”
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagbibili ng Dugo ay Malaking Negosyo
    Gumising!—1990
  • Kaloob ng Buhay o Halik ng Kamatayan?
    Gumising!—1990
  • Dugo—Mahalaga sa Buhay
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 27

Walong Dolyar Isang “Pint”

SA KANIYANG aklat na The Tarnished Door, sinuri ni John Crewdson ang paksa tungkol sa mga daluyong ng mga nandarayuhan, legal at ilegal, na dumadagsa sa Estados Unidos, lalo na mula sa Mexico. Niliwanag din niya rito ang pinanggagalingan ng ilang dugo na napupunta sa mga bangko ng dugo sa E.U.

Inilalarawan niya kung paanong natutunton ng Border Patrol (pumapatrolya sa hangganan) ng E.U. ang ilan sa mga ilegal na nandarayuhan sa El Paso, Texas, sa pamamagitan ng kanilang dugo: “Unang hihintuan ng ‘patrolya ng lunsod’ ang isang sentro ng plasma ng dugo na malapit lamang sa mga tulay, isa sa siyam na mga sentro sa Timog El Paso na bumibili ng dugo sa halagang $8 isang pint mula sa mga Mexicanong tumatawid sa hangganan​—ang katumbas na isang araw na kita sa Juárez [sa Mexico]​—pagkatapos ay ipinagbibili ito sa halagang $20 sa mga ospital at mga laboratoryo sa pananaliksik. Ang mga sentro ay nag-aanunsiyo sa kanilang mga bintana na ang isang palagiang nagkakaloob ay maaaring kumita ng hanggang $81 sa isang buwan, at para sa marami sa Juárez ang mga bangko ng dugo ang tanging pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay.

“Madalas na nasusumpungan ni Williams [isang opisyal ng Border Patrol] ang mga nagkakaloob ng dugo sa sentro na nanggagaling sa Juárez makalawa sa isang linggo sa loob ng maraming taon upang ipagbili ang kanilang dugo.” Kung gayon mahuhulaan ng kahit na sino kung anong uri ng dugo ang napupunta sa mga bangko ng dugo.

Para sa mga Kristiyano, na gumagalang sa kabanalan ng dugo mula sa pangmalas ng Diyos, ang pangangalakal na ito ng dugo ay hindi maaatim. Ang mga pinuno ng sinaunang kongregasyong Kristiyano ay sumulat: “Sapagkat ang banal na espiritu at kami na rin ay sumasang-ayong huwag nang dagdagan pa ang pasanin ninyo, maliban sa mga bagay na ito na kailangan, na patuloy na layuan ninyo . . . ang dugo . . . Kung maingat na lalayuan ninyo ang mga bagay na ito, kayo’y uunlad. Maging malusog nawa kayo!”​—Gawa 15:28, 29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share