Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panlulumo
  • Edukasyon sa Kolehiyo
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Karagdagang Pag-aaral o Hindi?
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Panlulumo

Nang una kong makita ang inyong magasin tungkol sa “Panlulumo​—Mapagtatagumpayan Mo Ito!” (Oktubre 22, 1987) ang unang naisip ko ay, ‘Oh, hindi! Isa na namang artikulo tungkol sa ang dapat mo lamang gawin ay mag-isip ng maligayang mga kaisipan, ngumiti, at ito’y mawawala na.’ Ako’y narikonosi na may S.A.D. (Seasonal Affective Disorder), kaya nang makita kong ito’y binabanggit sa artikulo, ako ay natuwa! Maraming salamat lalo na sa pangungusap na kasunod ng paglalarawan dito: “Kaya ang panlulumo ay hindi laging ‘nasa isip.’”

J.E.G., Estados Unidos

Edukasyon sa Kolehiyo

Hindi ako sang-ayon sa artikulong “College Education​—A Preparation for What?” (Enero 8, 1987 sa Ingles) at gayundin sa liham noong labas ng Agosto 22, 1987. May nakikilala akong mga kabataan na nag-aral sa kolehiyo, at sila ay may nakapagpapasiglang mga trabaho gayundin ng matibay na pag-aasawang Kristiyano. Ang buhay ay hindi basta pag-alam lamang ng praktikal na mga bagay. Habang tayo’y namamasyal sa kagubatan, tayo’y tumitingin sa mga bituin, natututong maglaro ng tennis, o nagbabasa ng isang aklat tungkol sa sining, wala tayong ginagawang praktikal na bagay, subalit ang mga bagay na ito ay maaaring lubhang magpayaman ng ating mga buhay.

A.J. M., Estados Unidos

Ang inyong artikulo tungkol sa edukasyon sa kolehiyo ay nakainis sa akin. Sang-ayon ako sa mambabasa na nagsabing ito ay hindi makatuwiran at may kinikilingan, at sang-ayon din ako sa inyong sagot. (Nobyembre 8, 1987) Ang kolehiyo ay may mabuting punto at masamang punto. Kung baga ang isang tao ay magtatagumpay sa kolehiyo o sa isang relihiyosong organisasyon ay depende sa kung gaano kahusay personal na ikinakapit niya ang kaniyang natutuhan.

T.M., Estados Unidos

Sang-ayon kami na maraming pakinabang na makukuha sa maraming kaalaman na ibinibigay ng mga institusyon ng mas mataas na edukasyon. Kasabay nito, hindi namin winawalang-bahala ang mga pakinabang na tinanggap ng lipunan mula sa mga lalaking gaya nina Thomas Edison at Henry Ford, na mayroon lamang kaunti o walang pormal na edukasyon. Hindi namin hinahatulan ang tinatawag na mas mataas na edukasyon na gayon at muli naming sinasabi gaya ng nasabi na namin, na ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang personal na bagay. Kasabay nito, inaakala naming pananagutan naming banggitin ang mga panganib ng kapaligiran sa kolehiyo.

Una, bagaman hindi lahat, ang panggigipit ng edukasyon sa kolehiyo ay karaniwan nang laban sa pananampalataya sa Diyos at pabor sa mga pilosopya ng tao.

Ikalawa, karaniwan nang idiniriin ng edukasyon sa kolehiyo ang pagiging una sa daigdig at pagkakamit ng materyal na tagumpay, na salungat sa payo ni Jesus at ni apostol Juan.​—Mateo 6:19-21, 25-34; 1 Juan 2:15, 16.

Ikatlo, ang karaniwang kapaligiran sa kolehiyo ay nagpapaunlad ng espiritu ng pagsasarili at pagiging maluwag sa disiplina, na nagbubunga ng seksuwal na imoralidad at maling paggamit sa droga na maaaring mahirap tanggihan ng maraming kabataan. Pinatitibay namin ang mga kabataan na patuloy na kumuha ng kaalaman, lalo na yaong nasusumpungan sa Bibliya sapagkat ito ang aakay sa pagkakamit ng buhay na walang-hanggan. (Juan 17:3) Hinihimok din namin sila na linangin ang mga kasanayang kinakailangan upang magkaroon ng isang kapaki-pakinabang, produktibong buhay na may pagdiriin sa mga salita ni Jesus sa Mateo 6:33, na patuloy na hanapin muna ang Kaharian ng Diyos at ang kaniyang katuwiran.

At ikaapat, maikli na ang panahon. (Lucas 21:34-36; Efeso 5:15, 16) Ito ay maaaring gamitin sa totoong kapaki-pakinabang na paraan sa paglilingkod sa ating Maylikha.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share