Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 7/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 7/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Lupus Ang una kong naisip nang mabasa ko ang artikulong “Kung Paano Ako Namumuhay na May Sakit na Lupus” (Mayo 8, 1990) ay “Salamat po, Jehova!” Wala kong lupus, subalit sa loob ng dalawang taon na ako ay nakikipagbaka sa “Chronic Fatigue Syndrome,” na may ilang magkatulad na mga sintomas. Tiyak, sinasagot ng artikulong ito ang mga panalangin ng maraming, maraming tao, na hindi lamang may sakit na lupus kundi ng iba pang talamak na karamdaman.

Pagkalipas ng 20 taon sa buong-panahong paglilingkod, ang huling 4 na taon sa paglalakbay na kasama ng aking mister, na isang tagapangasiwa ng sirkito, isang malaking pagbabago para sa akin na kumilos sa mas mabagal na takbo ng buhay na magagawa ko. Ang ulat tungkol sa karanasan ni Robin ay nagpatunay sa aking sariling mga pagkabalisa at kabiguan, gayunman ay nagbigay ng gayon na lamang praktikal na payo upang maharap ang mga hamong ito. Hindi ko malaman kung paano ko kayo mapasasalamatan sa paglalathala ninyo nito. Magtatabi ako ng isang kopya nito sa kama ko upang basahin ko ito nang paulit-ulit.

T. E., Estados Unidos

Pandaraya sa Siyensiya Pinapupurihan ko ang inyong matatag na paninindigan laban sa relihiyon ng ebolusyon. (Enero 22, 1990) Ako’y lubhang nanghihina sa mapagmalaking saloobin ng mga siyentipiko na binabansagan ang mga taong hindi “nananampalataya” sa ebolusyon na walang kakayahan o ignorante.

S. L., Estados Unidos

Mga Sakuna Talagang nabalisa ako sa artikulo tungkol sa mga sakuna ng bagyo at lindol. (Pebrero 22, 1990) Binanggit ninyo ang isang insidente ng pandarambong bilang isang halimbawa ng kaibhan sa pagitan ng “sanlibutan” at ng mga Saksi ni Jehova. Inaakala ko na hindi maganda na ang mga Saksi lamang ang labis-labis na papurihan.

J. K., Estados Unidos

Ipinakikita ng artikulo kung paano ang mga Kristiyano ngayon ay nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa kung panahon ng kahirapan, gaya ng ginawa nila noong unang siglo. (2 Corinto 8:​1-4) Bagaman inulat ang ilang negatibong insidente, binanggit din ng artikulo na ang “gayong walang-pusong mga gawa ay nahigitan ng maraming gawa ng kabaitan at pagkahabag” na isinagawa ng mga hindi Saksi.​—ED.

Kasibulanggulang Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ang labas ng Pebrero 8, 1990 tungkol sa mga pagbabagong nangyayari sa kasibulanggulang. Ako’y isang nagsosolong-magulang, at sa nakalipas na mga buwan, napoproblema ako kung paano ko ipaliliwanag ang mga pagbabagong ito sa aking anak na lalaki. Hiyang-hiya ako kahit na sa paggamit ng ilang mga salita sa kaniya! Kaya kailangan ko kayong sulatan at pasalamatan sa pagbibigay ng impormasyong ito.

C. B., Estados Unidos

Utang Kagabi lamang ay naupo kami at nagplano kami na bayaran ang aming pagkakautang. Tinantiya namin na ito ay kukuha ng isang taon. Ngayon, nasumpungan namin ang labas ng Pebrero 8, 1990 sa aming koreo, na may artikulo kung paano makaaahon sa utang. Ito’y nagpasigla sa amin na manatili sa aming plano. Mayroon din itong mabuting payo tungkol sa aming paggasta sa hinaharap.

S. S. at K. S., Estados Unidos

Mga Dinosauro Ang pangalan ko po’y Ronald, at ako po’y sampung taóng gulang. Interesadung-interesado po ako sa mga dinosauro at matagal ko na pong inaasam ang isang ulat tungkol dito. Sa wakas ay dumating ang isang artikulo tungkol sa mga dinosauro (Pebrero 8, 1990), at nais ko pong sabihing maraming-maraming salamat po.

R. M., Austria

Ako po’y isang estudyante sa isang lokal na pamantasan. Dalawang araw bago tanggapin ang labas na ito, naisip ko pong sulatan kayo tungkol sa katayuan ng mga Saksi may kaugnayan sa edad ng lupa. Ang aking mga katanungan ay nasagot, at balak ko pong ibahagi ang kahanga-hangang impormasyong ito sa aking propesor.

M. H., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share