Talaan ng mga Nilalaman
Mga Saksi ni Jehova
KUNG SINO KAMI
Aralin 1-4
Ang mga Saksi ni Jehova ay makikita sa 240 lupain. Ano ang nagbubuklod sa grupong ito, na binubuo ng iba’t ibang lahi at kultura? Anong uri ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova?
ANG AMING GAWAIN
Aralin 5-14
Kilalang-kilala ang aming gawaing pangangaral. Nagtitipon din kami sa aming mga Kingdom Hall para mag-aral ng Bibliya at sumamba sa Diyos. Sino-sino ang puwedeng dumalo sa aming mga pulong, at ano ang maaasahan nila roon?
ANG AMING ORGANISASYON
Aralin 15-28
Ang grupong ito ay hindi isang komersiyal na organisasyon. Binubuo ito ng mga tao, mula sa iba’t ibang bansa, na kusang-loob na naglilingkod sa Diyos. Saan nagmumula ang pondo nito? Paano ito inoorganisa? Sino ang nangangasiwa rito? Talaga bang ginagawa ng relihiyong ito ang kalooban ni Jehova sa ngayon?