Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 4/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Inihulang Karahasan
  • Pinagbabayaran Na
  • “Ang Unang Tao Ay Isang Tao”
  • Ating Mapanganib na Panahon—Bakit Napakarahas?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ang mga Relihiyon ay Nababagabag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Wasák na Tahanan—Ang Epekto ng Diborsiyo sa mga Tin-edyer
    Gumising!—2009
  • Lumakad na Gaya ng mga Naturuan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 4/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

Inihulang Karahasan

“Ang bagong sibol na mga kabataan ay nagiging lalong mararahas ngayon kaysa noong mga ilang taóng lumipas,” ang puna ni James Fox, kriminologo sa Northeastern University. “Nakikita ko ang isang tunay na pagbabago sa uri ng kabataan na mayroon tayo,” ang sabi ni Faye Harrison, isang hukom sa Michigan. “Mas matitindi, mas mabibilis (sa karahasan), mas lulong sa malubhang pagkadelingkuwente sa maagang edad.” Sa katunayan, ang mga tin-edyer na nasa silakbo ng galit ay “may kagagawan ng humigit-kumulang 300 parisidyo (ang pagpatay sa magulang) na ginagawa ng mga adolesente sa taun-taon,” ayon sa pag-uulat ng Detroit Free Press.

Bakit may ganiyan na lang pagdami ng karahasan sa mga kabataan ngayon? Binanggit ni Fox na ang dahilan nito’y ang kadalian na makakuha ng mga armas, ang karahasan sa telebisyon, at “sa pangkalahatan, walang gaanong paggalang sa maykapangyarihan,” ayon sa USA Today. Kung tungkol naman sa mga magulang, si David Ramirez, isang hukom sa Denver, ay naniniwala na “ang tradisyunal na minamahalaga at mga ideya ng paggalang ay hindi ipinapasa sa mga anak at marami sa mga magulang ang waring kulang ng pakikialam sa kanilang mga kabataan,” ang pansin ng The Denver Post.

Lubhang napapanahon ang mga isinulat ni apostol Pablo nang, mga daan-daang taon ang lumipas, kaniyang inihula na “sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahon na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, . . . masuwayin sa mga magulang, . . . walang katutubong pagmamahal, . . . walang pagpipigil sa sarili, mababangis, walang pag-ibig sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1-3) Ang mga Kristiyano ay makapag-iingat upang huwag magkaroon ng ganiyang mga saloobin sa pamamagitan ng pagpapatibay sa mapagmahal na relasyon sa pamilya, gaya ng ipinakikita sa mga talata sa Bibliya na gaya ng Deuteronomio 6:4-9 at Colosas 3:12-14, 18-21.

Pinagbabayaran Na

“Hindi tayo nagbabasa ng Bibliya at hindi natin alam kung ano ang nilalaman nito,” ang sabi ng Amerikanong tagakuha ng opinyon na si George Gallup, Jr. “Ito’y pinagbabayaran na natin at nagdurusa tayo gaya ng makikita sa dumaraming diborsiyo, pang-aabuso sa bata, pagkasugapa sa droga, at pagdaraya at katiwalian sa lahat ng antas ng lipunan.” Sang-ayon sa Gallup poll, 40 porsiyento ng mga Amerikano ang nagsisimba kung Linggo at mga 80 porsiyento ang ikinakasal sa simbahan, subalit ang dami ng diborsiyo ay sumulong ng makaitlong beses sapol noong 1960, ang bilang ng mga mag-asawang nagsasama nang di-kasal ang makalimang beses halos ang idinami, at ang mga anak sa labas ay halos makaapat na beses ang idinami. Ang aborsiyon ay dumami ng makaitlo sa pagitan ng 1972 at 1979.

Tuwirang binanggit ang ugat ng suliranin nang sabihin ni Gallup: “Maliwanag na ang mga simbahan ay hindi nakakaabot sa mahalagang gawain na pagtuturo ng mga bagay na dapat pahalagahan. Ang relihiyon ay ginagawa nating isang manipis na pang-ibabaw lamang. Hindi binabago nito ang buhay at binibigyan ng panibagong pamamatnubay. Ni ito man ay salig sa Bibliya.”

Gayunman ang pagka-Kristiyano ay dapat magdulot ng pagbabago sa buhay, magbigay ng panibagong patnubay at mapasalig sa Bibliya. Noong una ay ganoon nga. Ang mga sinaunang Kristiyano ay tinuruan na “itabi ang dating pagkatao.” Si Pablo ay sumulat: “Ni ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diyus-diyosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking ukol sa di-natural na layunin, ni ang mga lalaking sumisiping ng paghiga sa mga kapuwa lalaki, ni ang mga magnanakaw, ni ang masasakim . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. At gayunman ganiyan ang iba sa inyo dati.”​—Efeso 4:22; 1 Corinto 6:9-11.

“Ang Unang Tao Ay Isang Tao”

Sinasabi ng ilang ebolusyonista na ang ebolusyon ay “siyento porsiyentong” kapani-paniwala at na ito ay “isang teoriya na maaaring patunayan sa isang laboratoryo.” Subalit sa Second International Congress of Human Paleontology, na ginanap kamakailan sa Turin, Italya, nagliwanag na maraming siyentipiko ang mayroon pa ring agam-agam sa bagay na iyan.

Sa halip na pagtibayin na ang ebolusyon ay “siyento porsiyentong” kapani-paniwala, maliwanag na ibinilad ng kongreso ang mga pangunahing mga pagkakaiba ng opinyon ng mga siyentipiko tungkol sa kung kailan at paano naging bunga ng ebolusyon ang tao. Halimbawa, ang paleontologong si Bernard Vandermeersch, ay nagbigay ng ibayong pagdiriin sa bagay na, kung tungkol sa pinagmulan ng tao, ang resulta ng paleontolohiya ay “sumasalungat sa impormasyon na bigay ng genetics,” na nakatutok sa isang ninuno na pinagmulan ng lahat.

Datapuwat, ang gayong mga pagkakasalungatan ay umiiral lamang sa mga taong hindi tumatanggap na “ginawa [ng Diyos] buhat sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao, upang tumahan sa balat ng buong lupa.” (Gawa 17:26) Paano niya ginawa ang gayon? Sa Genesis 2:7 ay sinasabi sa atin na “nilalang ng Diyos ang tao sa alabok ng lupa at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay,” at ang tao ay naging “isang kaluluwang buháy.”

Hindi kataka-taka, na ang biologong si Giuseppe Sermonti, sa pagkukomento sa mga konklusyon ng kongreso, ay nagsabi na “lahat ng pagtatangka na himukin tayo na bumaba buhat sa mga punungkahoy ng mga bakulaw ay walang nagawang interesanteng mga resulta. Ang unang tao ay isang tao.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share