Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 8/15 p. 3-4
  • Bakit Napakaraming Krimen?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Napakaraming Krimen?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Krimen Ba ay Isang Tunay na Panganib sa Iyo?
    Gumising!—1986
  • Nang Wala Pang Krimen
    Gumising!—1998
  • Malapit Na Ngayon ang Wakas ng Krimen!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Nagsisikap na Lutasin ang Krimen
    Gumising!—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 8/15 p. 3-4

Bakit Napakaraming Krimen?

“KARAMIHAN ng krimen ay laban sa ari-arian,” ang sabi ng isang brosyur ng pamahalaang Britano. Gayunman, sa bansang iyan ang marahas na krimen laban sa mga tao ay iniuulat na “ang pinakamabilis dumaming anyo ng krimen,” bagaman ito’y bumubuo ng 5 porsiyento lamang ng lahat ng mga krimen.

Ang ganitong situwasyon ay nagpapakita lamang ng unti-unting pag-akyat ng dami ng krimen sa buong daigdig. Ang panghaharang ng mga sasakyan, armadong pagnanakaw, panggagahasa, at iba pang marahas na gawain ay regular na mababalitaan sa mga tudling ng mga pahayagan ng daigdig, kalimitan ay umaakit ng higit na pansin kaysa mga ulat ng di-mararahas na krimen. Maliwanag, kung gayon, na ikaw at ang iyong mga ari-arian ang baka siyang target ng krimen. Subalit bakit? Ano ang nagtutulak sa mga tao upang maging mga kriminal?

Maraming kriminal ang oportunista. Kaya naman, sinisikap ng mga maykapangyarihan na sumalunga sa dumadagsang krimen sa pamamagitan ng panghihimok sa mga tao na maging lalong palaisip tungkol sa nangyayari sa kanilang pamayanan. Bagaman ang ganiyang estratehiya ay ginagamit upang maiwasan ang mga krimen, ang mga ito ba ay pumipigil sa mga tao upang huwag maging mga kriminal? Hindi.

Ang personalidad ng kriminal ang pinag-uubusan ng maraming pag-aaral. Kapuna-puna, ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay naghahantad ng kaisipan ng kriminal sa pagbibigay ng babala sa mga binata tungkol sa mga nanghihikayat: “Halikayo; humanap tayo ng isang tao na mapapatay! Salakayin natin ang ilang inosenteng mga tao bilang katuwaan! Baka sila’y buháy at malakas pagkasumpong natin sa kanila, subalit sila’y mamamatay na pagka ating tinodas sila! Tayo’y makakasumpong ng lahat ng uri ng kayamanan at pupunuin natin ng mga nakaw ang ating mga bahay! Halikayo at sumama sa amin, at lahat tayo’y magkakaroon ng kaparte sa ating mga ninakaw.” (Kawikaan 1:11-14, Today’s English Version) Oo, ang kasakiman, pag-iimbot, at ang materyalistikong pangmalas ang sanhi ng krimen.

Ang pag-aabuso sa droga at ang hilig sa kalayawan ang nangingibabaw rin sa marami sa ika-20 siglong ito. Salapi ang kailangan upang maibayad sa mga kalabisan, kahit na kung kailangang saktan ang iba o patayin siya upang makuha ang salapi. Sa ‘mahirap-pakitunguhang mapanganib na mga panahong’ ito, totoo naman na kung para sa dumaraming mga tao “sila’y nagmamadali ang kanilang paa sa paggawa ng krimen, mabilis sa pagbububo ng dugo.”​—2 Timoteo 3:1, 3, 4; Kawikaan 1:16, The New English Bible.

Ang krimen ay “isang malubhang kasalanan [lalung-lalo] na laban sa moralidad,” ang sabi ng Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary. Tayo’y nabubuhay sa panahon na gumuguho ang asal. Si apostol Pablo ay nagbabala sa mga Kristiyano sa Efeso tungkol sa mga taong “lumalakad sa kawalang-kawawaan ng kanilang mga isip, samantalang nasa kadiliman sila ng pag-iisip, at hiwalay sa buhay na nauukol sa Diyos, dahil sa kanilang kawalang-alam, dahil sa kawalan ng pakiramdam ng kanilang mga puso. [Ang mga ito ay] walang bahagya mang wagas na asal.” Nahahawig dito, tayo’y kailangang magbigay-pansin sa ngayon.​—Efeso 4:17-19.

Hindi baga ang pagdami ng nakalalagim na mga video tape recording, ang pagdakila sa mga digmaan, at ang mapag-imbot na paghahangad ng bawal na mga kalayawan ay pawang nagsasama-sama upang mag-udyok sa iba na maging mga kriminal samantalang mga taong walang malay ang nagiging biktima ng krimen? Subalit may isa pang elemento ang lambat-lambat na mga pakana ng mga kriminal. Ano ba ito?

Ito ay si Satanas na Diyablo. Ang kaniyang galit ang nagsisindi ng apoy ng walang patumanggang karahasan at krimen na palasak sa kasalukuyang sanlibutang ito. (1 Juan 5:19; Apocalipsis 12:12) Ang kaniyang pakay ay italikod ang lahat ng tao sa tunay na Diyos, si Jehova. Bagaman siya’y makahila nang marami, isinisiwalat ng mga hula sa Bibliya na mabibigo siya na sirain ang katapatan ng mga tunay na lingkod ng Diyos. Sa katapus-tapusan, si Satanas ay ililigpit. Gayunman, kahit na nailigpit na si Satanas, iyan kaya ay mangangahulugan ng katapusan ng krimen? At ang katapusan baga ng krimen ay malapit na ngayon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share