Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Pagtulong sa mga Kabataan na Maiwasan ang Kapahamakan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag sinasaklaw ang parapo 8, ihaharap ng isang kuwalipikadong mamamahayag ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan at iaalok sa maikli ang publikasyon.
15 min: Kakapanayamin ng matanda ang mga magulang na nagtagumpay sa pagpapalaki sa kanilang mga anak sa katotohanan. Idiin ang natamong kagalakan at kung ano ang nasumpungan nilang nakatutulong sa pagkakaroon ng regular na pampamilyang pag-aaral at pag-uusap. Gumawa ng nakapagpapasiglang panawagan na ang mga magulang ay magdaos ng regular na pampamilyang pag-aaral at ang mga kabataan ay makipagtulungan. Ipakita kung papaanong ang aklat na Tanong ng mga Kabataan ay maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa mga anak. Ang lahat sa pamilya ay kailangang gumawang samasama upang tulungan ang bawa’t isa na makapanatili sa daan ng buhay.—1 Tim. 4:16.
Awit 19 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas, Teokratikong mga Balita, at ulat ng kuwenta.
15 min: “Ano ang Inyong Kaugalian?” Tanong-sagot na pagtalakay.
20 min: “Makikinabang Ka ba sa Di-sana-nararapat na Awa?” Pahayag salig sa artikulo ng Pebrero 15, 1990 Bantayan, pahina 21-23.
Awit 65 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 18-24
10 min: Lokal na mga patalastas. Itampok sa maikli ang isa o dalawang litaw na punto mula sa kasalukuyang mga isyu ng magasin na maaaring gamitin sa susunod na Sabado.
17 min: Mga karanasang tinamasa ng kongregasyon sa paglalagay ng aklat na Tanong ng mga Kabataan sa buwang ito. Kapanayamin ang mga kabataan kung papaano sila nakinabang mula sa aklat na ito at kung papaano sila nakatulong sa iba pang mga kabataan sa pamamagitan ng pagdadala nito sa paaralan at pagpapakita nito sa kanila. Palitawin ang mga punto na nakatatawag-pansin sa maraming kabataan at sa kanilang mga magulang.
18 min: Pahayag sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Handa Na ba Akong Pabautismo?” mula sa Abril 8, 1990 Gumising!, pahina 18-20.
Awit 202 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 25–HULYO 1
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Brochure.” Magkaroon ng maikling pagtalakay sa mga parapo 1 at 2, at pagkatapos ay iharap ang apat na maiikling pagtatanghal, isa para sa bawa’t brochure na iaalok.
20 min: “‘Manindigang Matibay’—Huwag Patisod.” Pahayag salig sa artikulo ng Bantayan ng Abril 15, 1990, mga pahina 26-28.
Awit 125 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 2-8
13 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay ng “Tanong.”
17 mln: “Magpatotoo sa Katotohanan.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang. Kapanayamin ang mga mamamahayag na nagsaayos ng kanilang eskedyul na makibahagi sa gawaing auxiliary payunir.
15 min: “Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo.” Pahayag salig sa artikulo ng Marso 1, 1990 Bantayan, mga pahina 5-9.
Awit 30 at pansarang panalangin.