Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/91 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 9-15
  • Linggo ng Disyembre 16-22
  • Linggo ng Disyembre 23-29
  • Linggo ng Dis. 30–Ene. 5
  • Linggo ng Enero 6-12
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 12/91 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

Pansinin: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay maglalagay ng eskedyul para sa Pulong Ukol sa Paglilingkod bawat linggo sa Disyembre at Enero. Dapat na gumawa ng mga pagbabago ang mga kongregasyon kung kinakailangan upang makadalo sa isang pandistritong kombensiyon. Isang 30-minutong repaso sa mga tampok na bahagi ng programa ang naka-eskedyul para sa linggo ng Disyembre 30–Enero 5. Yaong mga may kombensiyon sa linggong ito ay magdaraos ng repaso sa susunod na linggo. Ang repaso para sa bawat araw ay maaaring iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong mga kapatid na makapagbibigay ng mga pangunahing punto.

Linggo ng Disyembre 9-15

Awit 69

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: “Ugaliin ang Makadiyos na Debosyon Tulad ni Kristo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pagkatapos ng parapo 5, itanghal kung papaano iaalok ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya sa paggamit ng Paksang Mapag-uusapan. Pasiglahin ang lahat na magplanong mabuti upang maging aktibo sa paglilingkod sa Disyembre.

15 min: “Pagtangkilik sa Programa sa Pagtatayo ng mga Kingdom Hall.” Talakayin na may pakikibahagi ng tagapakinig ang mga parapo 1-7 ng insert. Idiin ang pangangailangan para sa lahat ng mga kongregasyon na suportahan ang Kingdom Hall Fund.

Awit 213 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 16-22

Awit 161

10 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta. Ipatalastas ang mga kaayusan para sa paglilingkod sa Disyembre 25.

17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Pista Opisyal.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ipatanghal sa isang may-karanasang mamamahayag kung papaano matutugon ang mga pagbati at magpapakita ng konsiderasyon sa mga taong abala kapag tayo’y dumadalaw.

18 min: “Pagtangkilik sa Programa sa Pagtatayo ng mga Kingdom Hall.” Pagtalakay kasama ang tagapakinig sa mga parapo 8-18 ng insert.

Awit 167 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 23-29

Awit 96

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang pag-aauxiliary payunir sa Enero.

20 min: “Kaayusan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Bahagi 5.” Tanong-sagot na pagtalakay na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod.

15 min: Lokal na pangangailangan o “Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian.” Pahayag. Gumamit ng mga karanasan mula sa bahaging ito ng Ang Bantayan na nagpapakita sa makapangyarihang epekto ng Bibliya sa buhay ng mga tao. Maaaring isama ang mga report sa mga labas ng Abril 1, 1991, at Agosto 1, 1991.

Awit 75 at pansarang panalangin.

Linggo ng Dis. 30–Ene. 5

Awit 142

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: Alok na literatura sa Enero. Sa maikli ay pag-usapan at itanghal ang alok ng matatandang publikasyon gaya ng itinatala sa Mga Patalastas. Ang isang bagong Paksang Mapag-uusapan ang gagamitin, “Pandaigdig na Kapayapaan, Malapit na ba?” Ang mga teksto ay Lucas 21:10, 11, 26 (Natupad ang hula ng Bibliya) at Lucas 21:28, 31 (Ang Kaharian ng Diyos ay malapit nang magdala ng kapayapaan).

30 min: Repaso ng Programa ng “Mga Umiibig sa Kalayaan” na Pandistritong Kombensiyon. Tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki ang maaaring gumamit ng sampung minuto bawat isa upang kubrehan ang mga tampok na bahagi sa bawat araw ng kombensiyon.

Awit 59 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 6-12

Awit 105

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

20 min: “Maging Buong Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan—Bahagi 5.” Tanong-sagot na pagtalakay sa huling artikulo sa seryeng ito. Habang ipinahihintulot ng panahon, kapanayamin ang isang masigasig na mamamahayag o payunir na makapagsasalaysay ng personal na mga pakinabang na natamasa niya dahil sa pagkakaroon ng lubusang bahagi sa ministeryo.

15 min: “Pagbalikat ng Ating Sariling Pananagutan.” Tinalakay ng matanda ang artikulo sa isang grupo ng pamilya. Tinanong sila kung paano sila natulungan ng programa noong 1991. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng kaayusan na dumalo at makinabang sa programang inihanda sa taóng ito.

Awit 205 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share