Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Enero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Enero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 13-19
  • Linggo ng Enero 20-26
  • Linggo ng Ene. 27–Peb. 2
  • Linggo ng Pebrero 3-9
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 1/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Enero

Linggo ng Enero 13-19

Awit 168

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Isaalang-alang din ang “Pagpapagal sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos.” Pasiglahin ang pagtangkilik sa gawain sa magasin sa Sabado.

20 min: “Magplano na Ngayon Para sa Pantanging Gawain sa Tag-araw.” Tanong-sagot na pagtalakay. Magpasigla para sa pag-aauxiliary payunir sa mga buwan ng tag-araw. Habang ipinahihintulot ng panahon, kapanayamin ang ilang pamilya at mga indibiduwal, lakip na ang mga kabataan, hinggil sa kanilang plano para sa mga buwan ng tag-araw. Iulat kung ilan ang mga nag-auxiliary payunir nang nakaraang tag-araw at himukin ang lahat na sikaping maabot o malampasan iyon sa taóng ito.

15 min: Lokal na pangangailangan o “Itinatatuwa Mo ba ang Makasalanang mga Hilig?” Pahayag salig sa Ang Bantayan, Agosto 15, 1991, mga pahina 29-31.

Awit 31 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 20-26

Awit 166

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta at ang tugon ng Samahan sa mga kontribusyon ng kongregasyon.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pag-aalok ng mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagkubre. Itanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano maaaring pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa isa sa mga iniaalok na publikasyon sa buwang ito. Pasiglahin ang mga kapatid na subaybayan ang ipinakitang interes may nailagay mang publikasyon o wala.

15 min: “Tanong.” Gagampanan ng isang matanda. Idiin kung bakit dapat bigyan ng pansin ang ating paggawi sa bautismo at kung papaano ito makakaapekto kay Jehova at sa pabalita ng Kaharian.

Awit 196 at pansarang panalangin.

Linggo ng Ene. 27–Peb. 2

Awit 169

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Talakayin ang mga tampok na bahagi sa pinakabagong isyu ng mga magasin na maaaring gamitin sa paglilingkod sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Pananatiling Abala sa Paglilingkod kay Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal kung papaanong ginagamit ng isang ama sa kaniyang pamilya ang kalendaryo ng 1992 sa pag-eeskedyul ng kanilang panahon sa Pebrero. Kaniyang isinasaalang-alang kung anong mga araw ang maaaring ilaan para sa paglilingkod sa larangan at kung papaano siya gagawang kasama ng bawat miyembro ng pamilya.

15 min: “Mga Kabataang Kristiyano—Magpakatibay sa Pananampalataya.” Pahayag ng isang ulo ng pamilya salig sa artikulo ng Hulyo 15, 1991 Bantayan, mga pahina 23-6. Itampok ang mga paraan kung papaanong ang mga kabataan ay matagumpay na makahaharap sa iba’t ibang pagsubok sa pananampalataya sa paaralan.

Awit 40 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 3-9

Awit 197

10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang mga presentasyon ng mga bagong magasin. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Pagpapayunir—Isang Paglilingkod na Nagdudulot ng Mayamang Gantimpala.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapanayamin ang dalawang payunir. Anong mga sagabal ang napagtagumpayan nila upang makapasok sa paglilingkod bilang payunir? Ano ang nagpasigla sa kanila upang magpayunir? Ano ang nakatulong sa kanila na maging matagumpay sa kanilang pagpapayunir? Pasiglahin ang lahat na may pananalanging isaalang-alang ang sariling mga kalagayan.

15 min: “Magbasa Upang Palawakin ang Iyong Kaalaman.” Gagampanan ng tagapangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Pahayag salig sa Gumising!, Hulyo 22, 1991, mga pahina 25-7, na idiniriin ang pangangailangang maging mahusay na mambabasa. Tulungan ang tagapakinig na maunawaang hindi sapat ang basta matatas bumasa; dapat na mapasulong natin ang kakayahang umunawa.

Awit 201 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share