Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Enero
Linggo ng Enero 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
17 min: “Laging Maraming Ginagawa.” Tanong-sagot. Isaayos ang dalawa o tatlong maikling pakikipanayam sa mga abala, gaya ng isang matanda, isang maybahay, o isang payunir; tanungin sila kung papaano nila napananatili ang kanilang kagalakan.
18 min: “Pagtulong sa Iba sa Paghahanap sa Diyos.” Isaayos ang isa o dalawang maiikling demonstrasyon sa iminungkahing mga presentasyon.
Awit 188 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at “Bagong Programa sa Pantanging Araw ng Asamblea.”
15 min: Handa Mo Bang Harapin ang Hamon sa Pananampalataya Kapag Nagpapagamot? Pahayag ng matanda sa kahalagahan ng ating Advance Medical Directive/Release card at Identity Card. Ulitin ang programa noong nakaraang Enero upang mapunan ng lahat na kuwalipikado ang mga card. Tingnan ang Enero 1994 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 2, sa ilalim ng “Linggo ng Enero 10-16” ukol sa detalye.
20 min: Pahayag sa artikulong “Papaano Ninyo Nilulutas ang mga Di-Pagkakaunawaan?” sa Bantayan ng Hulyo 15, 1994, mga pahina 21-24.
Awit 198 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: “Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba—Bahagi 1.” Tanong-sagot.
17 min: “Ipakitang Kayo’y Nagmamalasakit sa Pamamagitan ng mga Pagdalaw Muli.” Pag-uusap ng tatlo o apat na mamamahayag. Idiin ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral. Repasuhin ang iminungkahing mga presentasyon at itanghal ang isa o dalawa nito.
Awit 196 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Pahayag sa “Kung Papaano Makagagawa ng Isang Teokratikong Aklatan,” salig sa Nobyembre 1, 1994, Bantayan, mga pahina 28-31.
15 min: “Personal na Pag-aaral—Bagay na Dapat Pag-isipan.” Tanong-sagot.
Awit 116 at pansarang panalangin.
Linggo ng Ene. 30–Peb. 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ialok ang Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa Pebrero. Maglahad ng mga karanasan na nagpapakita sa kahalagahan ng aklat na ito. (Tingnan ang Setyembre 1, 1989, Bantayan, pahina 32, at ang Disyembre 1, 1991, Bantayan, pahina 32.) Itanghal ng may kakayahang mamamahayag ang presentasyon na ginagamit ang uluhang “Buhay/Kaligayahan” sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 10 (p. 13 sa Ingles).
20 min: Pahayag sa “Bakit Dapat Kang Maging Mapagpatawad?” salig sa unang dalawang artikulo sa Bantayan ng Setyembre 15, 1994, mga pahina 3-7.
Awit 110 at pansarang panalangin.