Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 11
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magtatapos sa Abril 17 ang pantanging kampanya sa pamamahagi ng Patuloy na Magbantay! Sa natitirang mga linggo ng Abril, iaalok natin ang mga magasin. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Abril 15 ng Bantayan at Abril 22 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita ang isang mamamahayag na nagpapatotoo sa lansangan.
15 min: “Magpatuloy sa Pangangaral.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga kasulatan.
20 min: “Maging ‘Lubhang Abala’ sa Iyong Ministeryo.”b Pasiglahin ang 100% pakikibahagi sa pantanging kampanya sa Abril. Anyayahan ang dalawa o tatlong mamamahayag na maglahad ng mga karanasang natamasa nila sa pagtulong sa iba gaya ng inirekomenda sa parapo 3-5.
Awit 47 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 18
5 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang mga punto sa “Tanong.”
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 7.”c Kapag inihahanda ang bahaging ito, tingnan ang Bantayan ng Hulyo 15, 2002, pahina 27, parapo 5-6.
20 min: Linangin ang Interes Gamit ang Bagong Brosyur. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Dapat tayong dumalaw-muli upang linangin ang interes ng bawat taong tumanggap ng kopya ng Patuloy na Magbantay! Gamit ang talaan ng mga nilalaman sa pahina 2, magbigay ng maikling sumaryo ng mga nilalaman ng brosyur, na itinatawag-pansin ang maikli at may-kulay na mga seksiyon (nakaimprenta sa regular na tipo sa ilalim ng mga uluhang may makakapal na letra). Ang materyal na ito ay magagamit para sa maikli at makabuluhang mga talakayan kapag dumadalaw-muli. Halimbawa, kung ang pahina 3-4 ang itinampok sa unang pagdalaw, maaaring gamitin sa pagdalaw-muli ang may-kulay na seksiyong “Talaga Bang Nagmamalasakit ang Diyos?” sa pahina 5. Talakayin kung paano ito maaaring gawin. Repasuhin ang iba pang may-kulay na mga seksiyon, gaya niyaong sa pahina 6-8 at 17-18 o ang iba pa na angkop sa inyong teritoryo. Ipatanghal ang isang pagdalaw-muli, na ginagamit ang isa sa may-kulay na mga seksiyon. Dapat basahin at talakayin ang isa o higit pa sa binanggit na mga kasulatan. Magtatapos ang mamamahayag sa pamamagitan ng pagtawag-pansin sa isa pang may-kulay na seksiyon na maaaring talakayin sa susunod na pagdalaw.
Awit 169 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 25
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at mga pagpapasalamat sa donasyong natanggap. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan sa Abril. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Mayo 1 ng Bantayan at Mayo 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa isa sa mga presentasyon, itanghal kung paano haharapin ang pagtutol na “Hindi ako interesado.” (Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16.) Banggitin ang mga artikulo na maaaring mas madaling pumukaw sa interes ng mga tao sa teritoryo.
20 min: Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa mga Tumanggap ng Bagong Brosyur. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin sa maikli ang pagdalaw-muli na itinanghal sa Pulong sa Paglilingkod noong nakaraang linggo, na itinatawag-pansin lalo na ang may-kulay na seksiyong binanggit sa katapusan ng pagdalaw na iyon. Gamit ang materyal na iyon, ang mga mamamahayag na nagtanghal noong nakaraang linggo (hangga’t maaari) ang magtatanghal sa susunod na pagdalaw-muli. Pagkatapos, gagamitin ng mamamahayag ang pabalat sa likod ng brosyur upang mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya, at gagawa ng mga kaayusan upang talakayin ang aralin 1 ng brosyur na Hinihiling sa susunod na pagdalaw. Pasiglahin ang lahat na magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga tumanggap ng kopya ng Patuloy na Magbantay!
15 min: “Gumawa ng Mabuti at Magbahagi sa Iba.”d Ikapit sa inyong kongregasyon ang materyal, anupat binabanggit ang praktikal na mga paraan upang makatulong sa iba.
Awit 8 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli ang artikulong “Pag-aaral sa Brosyur na Patuloy na Magbantay!,” sa pahina 6. Banggitin na binabalangkas ng materyal na ito ang iskedyul ng pagtalakay sa brosyur. Pasiglahin ang lahat na maghandang mabuti at makibahagi sa pag-aaral bawat linggo, pasimula sa linggo ng Mayo 23.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. Maaaring banggitin ang mga karanasang natamasa sa mga pagdalaw-muli sa mga tumanggap ng Patuloy na Magbantay! Patiunang isaayos na isadula ang natatanging mga karanasan.
20 min: “Maliligtas ang Lahat ng Uri ng mga Tao.”e Ikapit ang materyal sa praktikal na paraan sa inyong teritoryo.
Awit 112 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.