Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwbr19 Setyembre p. 1-15
  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo
  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo (2019)
  • Subtitulo
  • SETYEMBRE 2-8
  • SETYEMBRE 9-15
  • SETYEMBRE 16-22
  • SETYEMBRE 23-29
  • SETYEMBRE 30–OKTUBRE 6
  • ANG SABI NG BIBLIYA
Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo (2019)
mwbr19 Setyembre p. 1-15

Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo

SETYEMBRE 2-8

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HEBREO 7-8

“Isang Saserdote Magpakailanman Gaya ng Pagkasaserdote ni Melquisedec”

(Hebreo 7:1, 2) Dahil si Melquisedec, na hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos, ay sumalubong kay Abraham nang bumalik ito mula sa pagpatay sa mga hari, at pinagpala niya ito, 2 at binigyan siya ni Abraham ng ikasampu ng lahat ng bagay. Una, ang pangalan niya ay isinasaling “Hari ng Katuwiran,” at siya rin ay hari ng Salem, ibig sabihin, “Hari ng Kapayapaan.”

it-2 369

Melquisedec

Hari ng sinaunang Salem at “saserdote ng Kataas-taasang Diyos,” na si Jehova. (Gen 14:18, 22) Siya ang unang saserdote na binanggit sa Kasulatan; hinawakan niya ang katungkulang iyon bago ang 1933 B.C.E. Palibhasa’y hari ng Salem, nangangahulugang “Kapayapaan,” si Melquisedec ay tinukoy ng apostol na si Pablo bilang “Hari ng Kapayapaan” at, batay naman sa kaniyang pangalan, bilang “Hari ng Katuwiran.” (Heb 7:1, 2) Ipinapalagay na ang sinaunang Salem ang pinagmulan ng lunsod ng Jerusalem, at ang pangalan nito ay inilakip sa pangalan ng Jerusalem, na kung minsan ay tinatawag na “Salem.”—Aw 76:2.

Matapos talunin ni Abram (Abraham) si Kedorlaomer at ang kaniyang mga kakamping hari, pumaroon ang patriyarka sa Mababang Kapatagan ng Save o “Mababang Kapatagan ng hari.” Doon ay “naglabas ng tinapay at alak” si Melquisedec at pinagpala si Abraham, na sinasabi: “Pagpalain si Abram ng Kataas-taasang Diyos, ang Maygawa ng langit at lupa; at pagpalain ang Kataas-taasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga maniniil sa iyong kamay!” Sa gayon ay binigyan ni Abraham ang haring-saserdote ng “ikasampu ng lahat ng bagay,” samakatuwid nga, ng “mga pangunahing samsam” na nakuha niya sa kaniyang matagumpay na pakikipagdigma laban sa magkakaalyadong hari.—Gen 14:17-20; Heb 7:4.

(Hebreo 7:3) Dahil siya ay walang ama, walang ina, walang talaangkanan, walang pasimula ng mga araw at walang wakas ng buhay, kundi ginawang tulad ng Anak ng Diyos, nananatili siyang saserdote sa lahat ng panahon.

it-2 370 ¶4

Melquisedec

Paanong si Melquisedec ay “walang pasimula ng mga araw ni wakas ng buhay”?

Itinampok ni Pablo ang isang namumukod-tanging katotohanan tungkol kay Melquisedec nang sabihin niya: “Sa pagiging walang ama, walang ina, walang talaangkanan, walang pasimula ng mga araw ni wakas ng buhay, kundi ginawang tulad ng Anak ng Diyos, siya ay nananatiling isang saserdote nang walang hanggan.” (Heb 7:3) Tulad ng ibang mga tao, si Melquisedec ay ipinanganak at siya ay namatay. Gayunman, hindi binanggit ang mga pangalan ng kaniyang ama at ina, hindi sinabi kung saang angkan siya nagmula at kung sino ang naging mga supling niya, at walang impormasyon sa Kasulatan tungkol sa pasimula ng kaniyang mga araw o sa wakas ng buhay niya. Kaya si Melquisedec ay angkop na lumarawan kay Jesu-Kristo, na ang pagkasaserdote ay walang wakas. Kung paanong walang binabanggit sa ulat na may hinalinhan si Melquisedec sa pagkasaserdote o na may naging kahalili niya, si Kristo rin ay walang hinalinhang mataas na saserdoteng katulad niya, at ipinakikita ng Bibliya na walang sinumang hahalili sa kaniya. Bukod diyan, bagaman ipinanganak si Jesus sa tribo ni Juda at sa makaharing linya ni David, ang kaniyang pinagmulang angkan sa laman ay walang kinalaman sa kaniyang pagkasaserdote, ni dahil man sa angkang pinagmulan niya bilang tao kung kaya iniatas sa kaniya kapuwa ang katungkulan ng saserdote at ng hari. Ang mga bagay na ito ay resulta ng sumpa ni Jehova sa kaniya.

(Hebreo 7:17) Dahil sinabi bilang patotoo sa kaniya: “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec.”

it-2 369-370

Melquisedec

Lumarawan sa Pagkasaserdote ni Kristo. Sa isang mahalagang Mesiyanikong hula, sinabi ni Jehova sa “Panginoon” ni David bilang Kaniyang ipinanatang sumpa: “Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec!” (Aw 110:1, 4) Dahil sa kinasihang awit na ito, kinilala ng mga Hebreo na hahawakan ng ipinangakong Mesiyas ang katungkulan kapuwa ng saserdote at ng hari. Sa liham ng apostol na si Pablo sa mga Hebreo, tiniyak niya ang pagkakakilanlan ng isa na inihula, anupat tinukoy “si Jesus, na naging isang mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec magpakailanman.”—Heb 6:20; 5:10; tingnan ang TIPAN.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Hebreo 8:3) Dahil ang bawat mataas na saserdote ay inatasang maghandog ng mga kaloob at mga hain; kaya kailangang may maihandog din ang isang ito.

w00 8/15 14 ¶11

Mga Hain na Nakalugod sa Diyos

11 “Bawat mataas na saserdote ay inaatasang maghandog kapuwa ng mga kaloob at ng mga hain,” sabi ni apostol Pablo. (Hebreo 8:3) Pansinin na hinati ni Pablo ang mga handog na ginawa ng mataas na saserdote ng sinaunang Israel sa dalawang kategorya, samakatuwid nga’y, “mga kaloob” at “mga hain,” o “mga hain para sa mga kasalanan.” (Hebreo 5:1) Ang mga tao ay karaniwan nang nagbibigay ng mga kaloob upang ipahayag ang pagmamahal at pasasalamat, at upang linangin ang pagkakaibigan, pabor, o pagsang-ayon. (Genesis 32:20; Kawikaan 18:16) Sa katulad na paraan, marami sa mga handog na itinakda ng Batas ang maaaring ituring bilang “mga kaloob” sa Diyos upang hingin ang kaniyang pagsang-ayon at pabor. Ang paglabag sa Batas ay nangangailangan ng pagbabayad-pinsala, at upang makipag-ayos, ang “mga hain para sa mga kasalanan” ay inihahandog. Ang Pentateuch, lalo na ang mga aklat ng Exodo, Levitico, at Mga Bilang, ay naglalaan ng napakaraming materyal hinggil sa iba’t ibang uri ng mga hain at mga handog. Bagaman napakahirap para sa atin na maunawaan at matandaan ang lahat ng detalye, ang ilang mahahalagang punto hinggil sa iba’t ibang uri ng mga hain ay nararapat pa rin nating pagtuunan ng pansin.

(Hebreo 8:13) Nang sabihin niya ang tungkol sa “isang bagong tipan,” nawalan na ng bisa ang nauna. Ngayon, ang nawalan na ng bisa at naluluma ay malapit nang maglaho.

it-2 1325 ¶4

Tipan

Paano naging “lipas na” ang tipang Kautusan?

Gayunman, masasabing naging “lipas na” ang tipang Kautusan nang ipatalastas ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Jeremias na magkakaroon ng isang bagong tipan. (Jer 31:31-34; Heb 8:13) Noong 33 C.E., ang tipang Kautusan ay kinansela salig sa kamatayan ni Kristo sa pahirapang tulos (Col 2:14) at hinalinhan iyon ng bagong tipan.—Heb 7:12; 9:15; Gaw 2:1-4.

Pagbabasa ng Bibliya

(Hebreo 7:1-17) Dahil si Melquisedec, na hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos, ay sumalubong kay Abraham nang bumalik ito mula sa pagpatay sa mga hari, at pinagpala niya ito, 2 at binigyan siya ni Abraham ng ikasampu ng lahat ng bagay. Una, ang pangalan niya ay isinasaling “Hari ng Katuwiran,” at siya rin ay hari ng Salem, ibig sabihin, “Hari ng Kapayapaan.” 3 Dahil siya ay walang ama, walang ina, walang talaangkanan, walang pasimula ng mga araw at walang wakas ng buhay, kundi ginawang tulad ng Anak ng Diyos, nananatili siyang saserdote sa lahat ng panahon. 4 Kaya isipin ninyo kung gaano kadakila ang taong ito na binigyan ni Abraham, ang ulo ng angkan, ng ikasampu ng pinakamabubuting samsam. 5 Totoo, ayon sa Kautusan, ang mga anak na lalaki ni Levi na inatasang maging mga saserdote ay dapat mangolekta ng ikapu mula sa bayan, mula sa mga kapatid nila, kahit na ang mga ito ay mga inapo ni Abraham. 6 Pero ang taong ito, na hindi mula sa sambahayan ni Levi, ay tumanggap ng ikapu mula kay Abraham at pinagpala niya ang pinangakuan. 7 Hindi nga matututulan na ang nagbibigay ng pagpapala ay mas dakila sa tumatanggap nito. 8 Sa kaso ng isa, ang tumatanggap ng ikapu ay mga taong namamatay, pero sa isa pang kaso, ang tumatanggap ng ikapu ay pinapatotohanan na nabubuhay. 9 At masasabing kahit si Levi, na tumatanggap ng ikapu, ay nagbayad ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham, 10 dahil siya ay magiging inapo pa lang ng ninuno niya nang salubungin ito ni Melquisedec. 11 Kaya kung posibleng maging perpekto ang tao sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (dahil bahagi iyon ng Kautusan na ibinigay sa bayan), bakit pa kailangan ng ibang saserdote na ang pagkasaserdote ay gaya ng kay Melquisedec at hindi gaya ng kay Aaron? 12 Kung may pagbabago sa pagkasaserdote, kailangan ding baguhin ang Kautusan. 13 Dahil ang taong tinutukoy ng mga bagay na ito ay nagmula sa ibang tribo, na hindi pinagmulan ng sinumang naglingkod sa altar. 14 Dahil malinaw na ang Panginoon natin ay nagmula sa Juda, pero walang sinabi si Moises na may mga saserdote mula sa tribong iyon. 15 At lalo pa nga itong naging malinaw nang magkaroon ng ibang saserdote na gaya ni Melquisedec, 16 na naging gayon, hindi dahil sa pinagmulang sambahayan, gaya ng nakasaad sa Kautusan, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihang nagbigay sa kaniya ng buhay na di-magwawakas. 17 Dahil sinabi bilang patotoo sa kaniya: “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec.”

SETYEMBRE 9-15

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HEBREO 9-10

“Anino ng Mabubuting Bagay na Darating”

(Hebreo 9:12-14) Pumasok siya sa banal na lugar para iharap, hindi ang dugo ng mga kambing at ng mga batang toro, kundi ang sarili niyang dugo, at ginawa niya ito nang minsanan; at dahil sa kaniya, nagkaroon tayo ng walang-hanggang kaligtasan. 13 Dahil kung ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka na iwinisik sa mga nadungisan ay nakapagpapabanal para sa ikalilinis ng laman, 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo, na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay na mga gawa para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?

it-1 1422 ¶9

Kapatawaran, Pagpapatawad

Ayon sa kautusan ng Diyos na ibinigay sa bansang Israel, upang mapatawad ang isang taong nagkasala sa Diyos o sa kaniyang kapuwa, kailangan muna niyang ituwid ang kaniyang pagkakamali ayon sa itinakda ng Kautusan at pagkatapos, karaniwan na, maghahandog siya ng isang handog na may dugo kay Jehova. (Lev 5:5–6:7) Kaya nga, binanggit ni Pablo ang simulaing ito: “Oo, halos lahat ng bagay ay nililinis ng dugo ayon sa Kautusan, at malibang magbuhos ng dugo ay walang kapatawarang magaganap.” (Heb 9:22) Gayunman, ang totoo, ang dugo ng mga haing hayop ay hindi nakapag-aalis ng mga kasalanan at hindi nakapagbibigay sa indibiduwal ng isang ganap na malinis na budhi. (Heb 10:1-4; 9:9, 13, 14) Sa kabaligtaran naman, ginawang posible ng inihulang bagong tipan ang tunay na kapatawaran, salig sa haing pantubos ni Jesu-Kristo. (Jer 31:33, 34; Mat 26:28; 1Co 11:25; Efe 1:7) Maging noong narito sa lupa si Jesus, ipinakita niya, sa pamamagitan ng pagpapagaling sa isang paralitiko, na may awtoridad siyang magpatawad ng mga kasalanan.—Mat 9:2-7.

(Hebreo 9:24-26) Dahil si Kristo ay pumasok, hindi sa isang banal na lugar na gawa ng mga kamay, na isang kopya ng tunay na banal na lugar, kundi sa langit mismo, kaya nasa harap siya ngayon ng Diyos para sa atin. 25 Hindi ito para ihandog ang sarili niya nang madalas, gaya ng pagpasok ng mataas na saserdote sa banal na lugar taon-taon na may dugong hindi sa kaniya. 26 Kung hindi gayon, kailangan niyang magdusa nang madalas mula nang itatag ang sanlibutan. Pero ngayon ay naihayag na niya ang sarili niya nang minsanan sa katapusan ng mga sistemang ito para alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili niya.

cf 183 ¶4

“Patuloy Kang Sumunod sa Akin”

4 Walang sinasabi ang Kasulatan hinggil sa pagdating ni Jesus sa langit, malugod na pagtanggap sa kaniya, at masayang muling pagkikita nila ng kaniyang Ama. Gayunman, patiunang isiniwalat ng Bibliya kung ano ang mangyayari sa langit di-magtatagal pagbalik ni Jesus doon. Alam mo, sa loob ng mahigit na 15 siglo, isang sagradong seremonya ang regular na nasasaksihan ng mga Judio. Minsan sa isang taon, pumapasok ang mataas na saserdote sa Kabanal-banalan ng templo upang iwisik ang dugo ng mga inihain sa Araw ng Pagbabayad-Sala sa harap ng kaban ng tipan. Ang mataas na saserdote sa araw na iyan ay lumalarawan sa Mesiyas. Tinupad ni Jesus ang kahulugan ng hulang iyan nang minsan at magpakailanman noong bumalik siya sa langit. Humarap siya sa maringal na presensiya ni Jehova sa langit—ang pinakabanal na dako sa uniberso—at iniharap sa kaniyang Ama ang halaga ng kaniyang haing pantubos. (Hebreo 9:11, 12, 24) Tinanggap ba ito ni Jehova?

(Hebreo 10:1-4) Ang Kautusan ay may anino ng mabubuting bagay na darating, pero hindi ang mismong mga bagay na iyon, kaya hindi nito kailanman kayang gawing perpekto ang mga lumalapit sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga handog na patuloy na iniaalay taon-taon. 2 Kung kaya nito, hindi ba itinigil na sana ang paghahandog? Dahil kapag nalinis na ang mga gumagawa ng sagradong paglilingkod, hindi na sila uusigin ng konsensiya nila dahil sa kasalanan. 3 Sa kabaligtaran, ipinapaalaala ng mga handog na ito taon-taon ang mga kasalanan, 4 dahil hindi maaalis ng dugo ng mga toro at mga kambing ang mga kasalanan.

it-2 5-6

Kasakdalan

Kasakdalan ng Kautusang Mosaiko. Kabilang sa mga probisyon ng Kautusang ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises ang pagtatatag ng isang pagkasaserdote at ang paghahandog ng iba’t ibang haing hayop. Bagaman nagmula ito sa Diyos, at sa gayo’y sakdal, hindi napasakdal ng Kautusan, ng pagkasaserdote nito, ni ng mga hain, yaong mga nasa ilalim ng Kautusan, gaya ng ipinakikita ng kinasihang apostol. (Heb 7:11, 19; 10:1) Sa halip na magdulot ng kalayaan mula sa kasalanan at kamatayan, lalo nitong ginawang hayag ang kasalanan. (Ro 3:20; 7:7-13) Gayunpaman, tinupad ng lahat ng mga paglalaang ito mula sa Diyos ang layuning itinalaga niya para sa mga ito; ang Kautusan ay nagsilbing isang “tagapagturo” upang akayin ang mga tao tungo kay Kristo, anupat naging isang sakdal na “anino ng mabubuting bagay na darating.” (Gal 3:19-25; Heb 10:1) Ang Judiong mataas na saserdote ang siyang inatasan ng Kautusan upang mangasiwa sa mga kaayusan sa paghahain at siyang pumapasok sa Kabanal-banalan sa Araw ng Pagbabayad-Sala taglay ang haing dugo. Kaya naman, nang banggitin ni Pablo ang tungkol sa “kawalang-kakayahan sa Kautusan, palibhasa’y mahina ito dahil sa laman” (Ro 8:3), maliwanag na ang tinutukoy niya ay ang kawalang-kakayahan ng makalamang Judiong mataas na saserdote na “iligtas nang lubusan” yaong mga pinaglilingkuran niya, gaya ng ipinaliliwanag ng Hebreo 7:11, 18-28. Bagaman napanatili ng bayan ang isang tamang katayuan sa harap ng Diyos dahil sa paghahandog ng mga hain sa pamamagitan ng Aaronikong pagkasaserdote, hindi nito lubusan o ganap na inalis sa kanila ang kamalayan sa pagiging makasalanan. Tinukoy ito ng apostol na si Pablo sa pagsasabing hindi “kayang pasakdalin [ng mga haing pambayad-sala] yaong mga lumalapit,” samakatuwid nga, kung tungkol sa kanilang budhi. (Heb 10:1-4; ihambing ang Heb 9:9.) Hindi kayang ilaan ng mataas na saserdote ang pantubos na halagang kailangan para sa isang tunay na katubusan mula sa kasalanan. Tanging ang namamalaging makasaserdoteng paglilingkod at mabisang hain ni Kristo ang makagagawa nito.—Heb 9:14; 10:12-22.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Hebreo 9:16, 17) Dahil kapag nakikipagtipan ang tao sa Diyos, kailangang mamatay ang taong nakikipagtipan, 17 dahil magkakabisa lang ang tipan kapag namatay ang isa; wala itong bisa kung buháy pa ang taong nakikipagtipan.

w92 3/1 31 ¶4-6

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Binanggit ni Pablo na kailangan ang isang mamámatay upang magkabisa ang mga tipan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Ang tipang Kautusan ay isang halimbawa. Si Moises ang tagapamagitan niyaon, ang isa na namamagitan upang matupad ang pinagkasunduan ng Diyos at ng Israel sa laman. Si Moises kung gayon ay gumanap ng isang mahalagang bahagi at siya ang tao na nakitungo sa mga Israelita upang makasali sa tipan. Sa gayon si Moises ay maituturing na ang taong nakipagtipan may kaugnayan sa tipang Kautusan na si Jehova ang maygawa. Subalit kinailangan bang magtigis ng dugo si Moises upang magkabisa ang tipang Kautusan? Hindi. Sa halip mga hayop ang inihandog, ang kanilang dugo ang kahalili ng dugo ni Moises.—Hebreo 9:18-22.

Kumusta naman ang bagong tipan sa pagitan ni Jehova at ng bansa ng espirituwal na Israel? Si Jesu-Kristo ang may maluwalhating bahaging ginampanan bilang tagapamagitan, ang Tagapamagitan sa pagitan ni Jehova at ng espirituwal na Israel. Bagaman si Jehova ang pinagmulan ng tipang ito, ito’y nakasentro kay Jesu-Kristo. Bukod sa siya ang Tagapamagitan nito, si Jesus ay nagkaroon ng tuwirang mga pakikitungo sa laman sa mga taong unang mapapasali sa tipan na ito. (Lucas 22:20, 28, 29) Bukod diyan, siya’y kuwalipikado na magbigay ng haing kailangan upang magkabisa ang tipan. Ang haing ito ay hindi hamak na mga hayop kundi isang sakdal na buhay ng tao. Kaya maaaring tukuyin ni Pablo si Kristo bilang ang taong nakipagtipan ng bagong tipan. Pagkatapos na “si Kristo’y pumasok . . . sa langit mismo, ngayon upang humarap sa persona ng Diyos para sa atin,” ang bagong tipan ay nagkabisa.—Hebreo 9:12-14, 24.

Sa pagtukoy kay Moises at kay Jesus bilang mga taong nakipagtipan, hindi ibig sabihin ni Pablo na alinman sa kanilang dalawa ang maygawa ng kaukulang mga tipan, na ang aktuwal na gumawa ay ang Diyos. Ngunit ang dalawang taong iyon bilang mga tagapamagitan ay lubhang kasangkot sa pagpapangyari ng kaukulang mga tipan. At sa bawat isa niyaon, kailangan ang isang kamatayan—ng mga hayop na kahalili ni Moises, at ni Jesus na naghahandog ng kaniyang dugo para sa mga nasa bagong tipan.

(Hebreo 10:5-7) Kaya nang dumating siya sa sanlibutan, sinabi niya: “‘Ang hain at handog ay hindi mo ginusto, pero naghanda ka ng katawan para sa akin. 6 Hindi mo kinalugdan ang mga buong handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan.’ 7 Pagkatapos ay sinabi ko: ‘Narito ako (iyon ang nakasulat sa balumbon tungkol sa akin) para gawin ang kalooban mo, O Diyos.’”

it-1 357

Bautismo

Iniulat ni Lucas na si Jesus ay nananalangin noong binabautismuhan siya. (Luc 3:21) Karagdagan pa, sinabi ng manunulat ng liham sa mga Hebreo na noong pumarito si Jesu-Kristo “sa sanlibutan” (samakatuwid nga, hindi noong panahong isilang siya at hindi pa niya kayang basahin at sabihin ang mga salitang ito, kundi noong iharap niya ang kaniyang sarili para sa bautismo at simulan ang kaniyang ministeryo), sinabi niya, alinsunod sa Awit 40:6-8 (LXX): “Ang hain at handog ay hindi mo ninais, ngunit naghanda ka ng katawan para sa akin. . . . Narito! Ako ay dumating (sa balumbon ng aklat ay nakasulat iyon tungkol sa akin) upang gawin ang iyong kalooban, O Diyos.” (Heb 10:5-9) Si Jesus ay ipinanganak na miyembro ng bansang Judio, isang bansang may pakikipagtipan sa Diyos, samakatuwid nga, ang tipang Kautusan. (Exo 19:5-8; Gal 4:4) Dahil dito, si Jesus ay mayroon nang pakikipagtipan sa Diyos na Jehova noong iharap niya ang kaniyang sarili kay Juan para magpabautismo. Pumaroon si Jesus upang gawin ang higit pa kaysa sa hinihiling sa kaniya sa ilalim ng Kautusan. Inihaharap niya noon ang kaniyang sarili sa kaniyang Ama na si Jehova upang gawin ang “kalooban” ng kaniyang Ama may kaugnayan sa paghahandog ng kaniyang sariling ‘inihandang’ katawan at may kinalaman sa pag-aalis ng mga haing hayop na inihahandog alinsunod sa Kautusan. Sinabi ng apostol na si Pablo: “Dahil sa nasabing ‘kalooban’ ay pinabanal na tayo sa pamamagitan ng paghahandog ng katawan ni Jesu-Kristo nang minsanan.” (Heb 10:10) Kasama rin sa kalooban ng Ama para kay Jesus ang gawain na may kaugnayan sa Kaharian, at para rin sa paglilingkod na iyon ay iniharap ni Jesus ang kaniyang sarili. (Luc 4:43; 17:20, 21) Tinanggap at kinilala ni Jehova ang paghaharap na ito ng Kaniyang Anak, anupat pinahiran Niya siya ng banal na espiritu at sinabi: “Ikaw ang aking Anak, ang minamahal; ikaw ay aking sinang-ayunan.”—Mar 1:9-11; Luc 3:21-23; Mat 3:13-17.

Pagbabasa ng Bibliya

(Hebreo 9:1-14) Noon, ang naunang tipan ay may mga batas para sa sagradong paglilingkod at may banal na lugar sa lupa. 2 Ang toldang ito ay itinayo na may dalawang silid. Nasa unang silid ang kandelero at ang mesa at ang tinapay na panghandog; at tinatawag itong Banal na Lugar. 3 Nasa likod naman ng ikalawang kurtina ang silid na tinatawag na Kabanal-banalan. 4 Naroon ang isang gintong insensaryo at ang kaban ng tipan na nababalutan ng ginto, kung saan nakalagay ang gintong lalagyan na may manna at ang tungkod ni Aaron na nagkaroon ng mga usbong at ang mga tapyas ng tipan; 5 at sa ibabaw nito ay may maluwalhating mga kerubin na nakalukob sa panakip na pampalubag-loob. Pero hindi ngayon ang panahon para pag-usapan nang detalyado ang mga bagay na ito. 6 Pagkatapos itayo ang mga ito sa ganitong paraan, ang mga saserdote ay regular na pumapasok sa unang silid ng tolda para gampanan ang mga tungkulin sa sagradong paglilingkod; 7 pero ang mataas na saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan sa isang taon, na laging may dalang dugo, na inihahandog niya para sa sarili niya at para sa mga kasalanang nagawa ng bayan nang di-sinasadya. 8 Sa gayon ay nililinaw ng banal na espiritu na ang daan papunta sa banal na lugar ay hindi pa naihahayag habang nakatayo pa ang unang tolda. 9 Ang toldang ito ay isang ilustrasyon para sa kasalukuyan, at kaayon ng kaayusang ito, parehong inihahandog ang mga kaloob at mga hain. Pero hindi kaya ng mga ito na gawing lubos na malinis ang konsensiya ng taong gumagawa ng sagradong paglilingkod. 10 Ang mga ito ay may kaugnayan lang sa mga pagkain at mga inumin at sa iba’t ibang seremonyal na paghuhugas. Ang mga ito ay mga kahilingan ng batas may kinalaman sa katawan at ipinatupad hanggang sa dumating ang takdang panahon para ituwid ang mga bagay-bagay. 11 Pero nang dumating si Kristo bilang mataas na saserdote ng mabubuting bagay na naganap na, pumasok siya sa mas dakila at mas perpektong tolda na hindi gawa ng mga kamay, hindi makikita sa lupa. 12 Pumasok siya sa banal na lugar para iharap, hindi ang dugo ng mga kambing at ng mga batang toro, kundi ang sarili niyang dugo, at ginawa niya ito nang minsanan; at dahil sa kaniya, nagkaroon tayo ng walang-hanggang kaligtasan. 13 Dahil kung ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka na iwinisik sa mga nadungisan ay nakapagpapabanal para sa ikalilinis ng laman, 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo, na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay na mga gawa para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?

SETYEMBRE 16-22

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HEBREO 11

“Ang Kahalagahan ng Pananampalataya”

(Hebreo 11:1) Ang pananampalataya ay ang paghihintay sa mga bagay na may garantiya, ang malinaw na katibayan na ang hindi nakikita ay totoo.

w16.10 27 ¶6

Ipakita ang Iyong Pananampalataya sa mga Pangako ni Jehova

6 Sa Hebreo 11:1 (basahin), inilalarawan ng Bibliya kung ano ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay nakapokus sa dalawang bagay na hindi natin nakikita: (1) “Mga bagay na inaasahan”—kasama rito ang mga bagay na ipinangakong mangyayari sa hinaharap, tulad ng wakas ng kasamaan at ang dumarating na bagong sanlibutan. (2) “Mga katunayan bagaman hindi nakikita.” Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na isinaling “malinaw na pagtatanghal” ay tumutukoy sa “nakakukumbinsing ebidensiya” ng mga bagay na totoo pero di-nakikita, tulad ng pag-iral ng Diyos na Jehova, ni Jesu-Kristo, ng mga anghel, at ang mga isinasagawa ng makalangit na Kaharian. (Heb. 11:3) Paano natin maipakikita na buháy ang ating pag-asa at na naniniwala tayo sa di-nakikitang mga bagay na nasa Salita ng Diyos? Sa pamamagitan ng ating salita at gawa—dahil kung wala ang mga ito, may kulang sa ating pananampalataya.

(Hebreo 11:6) Bukod diyan, kung walang pananampalataya, imposibleng mapalugdan nang lubos ang Diyos, dahil ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya ay umiiral at nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kaniya nang buong puso.

w13 11/1 11 ¶2-5

‘Ang Tagapagbigay-Gantimpala sa mga May-Pananabik na Humahanap sa Kaniya’

Paano natin mapalulugdan si Jehova? “Kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan [ang Diyos] nang lubos,” ang isinulat ni Pablo. Pansinin na hindi sinasabi ni Pablo na mahirap palugdan ang Diyos kung walang pananampalataya. Sa halip, sinasabi ng apostol na imposibleng gawin iyon. Napakahalaga ng pananampalataya para mapalugdan ang Diyos.

Anong uri ng pananampalataya ang nakalulugod kay Jehova? Ang pananampalataya sa Diyos ay nagsasangkot ng dalawang bagay. Una, “dapat [tayong] maniwala na siya nga ay umiiral.” Ganito ang sabi ng ibang salin, “maniwala na siya ay totoo.” Paano nga natin mapalulugdan ang Diyos kung pinag-aalinlanganan natin ang kaniyang pag-iral? Pero higit pa ang nasasangkot sa tunay na pananampalataya dahil kahit ang mga demonyo ay naniniwalang umiiral si Jehova. (Santiago 2:19) Kung tunay ang ating pananampalatayang umiiral ang Diyos, dapat itong magpakilos sa atin na mamuhay sa paraang nakalulugod sa kaniya.—Santiago 2:20, 26.

Ikalawa, “dapat [tayong] maniwala” na ang Diyos ang “tagapagbigay-gantimpala.” Ang isang tao na may tunay na pananampalataya ay lubusang kumbinsido na hindi sa walang-kabuluhan ang mga pagsisikap niya na mamuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos. (1 Corinto 15:58) Paano nga natin mapalulugdan si Jehova kung pinag-aalinlanganan natin ang kaniyang kakayahan at pagnanais na gantimpalaan tayo? (Santiago 1:17; 1 Pedro 5:7) Ang isang tao na nagsasabing walang malasakit, hindi nagpapahalaga, at maramot ang Diyos ay hindi talaga nakakikilala sa Diyos ng Bibliya.

Sino ang ginagantimpalaan ni Jehova? Ang “may-pananabik na humahanap sa kaniya,” ang sabi ni Pablo. Ang isang reperensiyang akda para sa mga tagapagsalin ng Bibliya ay nagsabi na ang salitang Griego na isinaling “may-pananabik na humahanap” ay hindi nangangahulugang “lumabas para maghanap,” kundi ng paglapit sa Diyos ‘sa pagsamba.’ Ipinaliliwanag ng isa pang reperensiya na ang pandiwang Griego na ito ay nasa anyong nagpapahiwatig ng marubdob at puspusang pagsisikap. Oo, ginagantimpalaan ni Jehova yaong ang pananampalataya ay nagpapakilos sa kanila na sambahin siya nang buong puso at may sigasig.—Mateo 22:37.

(Hebreo 11:33-38) Sa pamamagitan ng pananampalataya, tinalo nila ang mga kaharian, nagtaguyod sila ng katuwiran, tumanggap ng mga pangako, nagtikom ng bibig ng mga leon, 34 dumaig sa naglalagablab na apoy, tumakas sa talim ng espada, mula sa mahinang kalagayan ay napalakas, naging magiting sa digmaan, nagpaurong sa sumasalakay na mga hukbo. 35 Binuhay-muli ang namatay na mga mahal sa buhay ng mga babae, pero ang ibang tao ay pinahirapan dahil tumanggi silang mapalaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, para magkaroon sila ng mas mabuting pagkabuhay-muli. 36 Oo, nasubok ang iba sa pamamagitan ng mga panghahamak at mga hagupit, at higit pa riyan, sa pamamagitan ng mga gapos at mga bilangguan. 37 Sila ay binato, sila ay sinubok, sila ay hinati ng lagari, sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada, sila ay nagpagala-gala na nakasuot ng balat ng tupa, ng balat ng kambing, samantalang sila ay kapos, nahihirapan, pinagmamalupitan; 38 at ang sanlibutan ay hindi naging karapat-dapat sa kanila. Sila ay nagpagala-gala sa mga disyerto at mga bundok at tumira sa mga kuweba at mga lungga sa lupa.

w16.10 23 ¶10-11

Patibayin ang Iyong Pananampalataya sa mga Bagay na Inaasahan Mo

10 Sa Hebreo kabanata 11, inilarawan ni apostol Pablo ang mga pagsubok na binatá ng maraming lingkod ng Diyos na di-binanggit ang pangalan. Halimbawa, binanggit ng apostol ang mga babae na namatayan ng mga anak pero tinanggap ang mga ito sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Binanggit din niya ang iba na “ayaw . . . tumanggap ng paglaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, upang sila ay makapagkamit ng mas mabuting pagkabuhay-muli.” (Heb. 11:35) Hindi natin tiyak kung sino ang tinutukoy ni Pablo, pero may ilan, gaya nina Nabot at Zacarias, na binato hanggang sa mamatay dahil sa pagsunod sa Diyos at paggawa ng Kaniyang kalooban. (1 Hari 21:3, 15; 2 Cro. 24:20, 21) Maaari sanang “tumanggap ng paglaya” si Daniel at ang kaniyang mga kasama kung ikinompromiso nila ang kanilang katapatan. Sa halip, dahil sa kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, nagawa nilang ‘itikom ang mga bibig ng mga leon,’ at ‘patigilin ang puwersa ng apoy.’—Heb. 11:33, 34; Dan. 3:16-18, 20, 28; 6:13, 16, 21-23.

11 Dahil sa pananampalataya, tinanggap ng mga propetang gaya nina Micaias at Jeremias ang “kanilang pagsubok sa pamamagitan ng mga panlilibak . . . at mga bilangguan.” Ang iba, gaya ni Elias, ay “nagpagala-gala sa mga disyerto at mga bundok at mga yungib at mga lungga sa lupa.” Lahat sila ay nakapagbata dahil mayroon silang “mapananaligang paghihintay sa mga bagay na inaasahan.”—Heb. 11:1, 36-38; 1 Hari 18:13; 22:24-27; Jer. 20:1, 2; 28:10, 11; 32:2.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Hebreo 11:4) Dahil sa pananampalataya, nagbigay si Abel sa Diyos ng isang handog na nakahihigit sa handog ni Cain, at dahil sa pananampalatayang iyan, ipinakita ng Diyos na itinuturing Niya siyang matuwid, dahil kinalugdan ng Diyos ang mga regalo niya, at kahit namatay na siya, nagsasalita pa rin siya sa pamamagitan ng pananampalataya niya.

it-2 803 ¶5

Pananampalataya

Mga Sinaunang Halimbawa ng Pananampalataya. Bawat isa sa ‘napakalaking ulap ng mga saksi’ na binanggit ni Pablo (Heb 12:1) ay nagkaroon ng makatuwirang saligan para sa pananampalataya. Halimbawa, tiyak na alam ni Abel ang pangako ng Diyos hinggil sa isang “binhi” na susugat sa ulo ng “serpiyente.” At nakakita siya ng aktuwal na mga ebidensiya na natupad ang sentensiyang ipinataw ni Jehova sa kaniyang mga magulang sa Eden. Sa labas ng Eden, si Adan at ang kaniyang pamilya ay kumain ng tinapay sa pawis ng kanilang mukha dahil isinumpa ang lupa at, samakatuwid, namunga ng mga tinik at mga dawag. Malamang ay napagmasdan ni Abel na ang paghahangad ni Eva ay ukol sa kaniyang asawa at na pinamunuan ni Adan ang kaniyang asawa. Walang alinlangan na nagkomento ang kaniyang ina tungkol sa kirot ng pagdadalang-tao nito. Gayundin, ang pasukan sa hardin ng Eden ay binabantayan ng mga kerubin at ng nagliliyab na talim ng tabak. (Gen 3:14-19, 24) Ang lahat ng ito’y nagsilbing isang “malinaw na pagtatanghal,” anupat nagbigay-katiyakan kay Abel na darating ang katubusan sa pamamagitan ng ‘binhing ipinangako.’ Kaya naman udyok ng pananampalataya, siya’y “naghandog sa Diyos ng hain,” isang hain na napatunayang lalong higit ang halaga kaysa sa hain ni Cain.—Heb 11:1, 4.

(Hebreo 11:5) Dahil sa pananampalataya, si Enoc ay inilipat para hindi makatikim ng kamatayan, at hindi siya makita saanman dahil inilipat siya ng Diyos; dahil bago siya inilipat, tumanggap siya ng patotoo na lubusan niyang napalugdan ang Diyos.

wp17.1 12-13

“Lubos Niyang Napalugdan ang Diyos”

Kung gayon, sa anong diwa “inilipat” si Enoc para “hindi makakita ng kamatayan”? Malamang na unti-unting inilipat ni Jehova si Enoc mula sa buhay tungo sa kamatayan, para hindi niya maranasan ang anumang kirot ng kamatayan. Pero bago iyon, napatunayan ni Enoc na “lubos niyang napalugdan ang Diyos.” Paano? Bago siya mamatay, nakakita si Enoc ng pangitain mula sa Diyos, malamang na ang paraisong lupa. Sa napakalinaw na katibayang iyon ng pagsang-ayon ni Jehova, si Enoc ay natulog sa kamatayan. Tungkol kay Enoc at sa iba pang tapat na mga lalaki’t babae, sumulat si apostol Pablo: “Sa pananampalataya ang lahat ng mga ito ay namatay.” (Hebreo 11:13) Malamang na hinanap ng mga kaaway ni Enoc ang kaniyang katawan, pero “hindi siya masumpungan saanman,” marahil dahil pinaglaho ito ni Jehova para hindi nila ito lapastanganin o gamitin sa maling pagsamba.

Pagbabasa ng Bibliya

(Hebreo 11:1-16) Ang pananampalataya ay ang paghihintay sa mga bagay na may garantiya, ang malinaw na katibayan na ang hindi nakikita ay totoo. 2 Dahil may pananampalataya ang mga tao noon, tumanggap sila ng patotoo na nalugod sa kanila ang Diyos. 3 Dahil sa pananampalataya, naiintindihan natin na ang mga sistema ng mga bagay ay inayos sa pamamagitan ng salita ng Diyos, kaya ang mga bagay na nakikita ay umiral mula sa mga bagay na hindi nakikita. 4 Dahil sa pananampalataya, nagbigay si Abel sa Diyos ng isang handog na nakahihigit sa handog ni Cain, at dahil sa pananampalatayang iyan, ipinakita ng Diyos na itinuturing Niya siyang matuwid, dahil kinalugdan ng Diyos ang mga regalo niya, at kahit namatay na siya, nagsasalita pa rin siya sa pamamagitan ng pananampalataya niya. 5 Dahil sa pananampalataya, si Enoc ay inilipat para hindi makatikim ng kamatayan, at hindi siya makita saanman dahil inilipat siya ng Diyos; dahil bago siya inilipat, tumanggap siya ng patotoo na lubusan niyang napalugdan ang Diyos. 6 Bukod diyan, kung walang pananampalataya, imposibleng mapalugdan nang lubos ang Diyos, dahil ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya ay umiiral at nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kaniya nang buong puso. 7 Dahil sa pananampalataya, si Noe, pagkatapos tumanggap ng babala mula sa Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, ay nagpakita ng makadiyos na takot at nagtayo ng arka para maligtas ang sambahayan niya; at dahil sa pananampalatayang ito, hinatulan niya ang sanlibutan, at siya ay naging tagapagmana ng katuwiran na bunga ng pananampalataya. 8 Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang utusan siyang pumunta sa lugar na tatanggapin niya bilang mana; umalis siya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 9 Dahil sa pananampalataya, tumira siya bilang dayuhan sa lupaing ipinangako, at tumira siya sa mga tolda kasama sina Isaac at Jacob, ang mga kasama niyang tagapagmana ng pangako ring iyon. 10 Dahil hinihintay niya ang lunsod na may tunay na mga pundasyon, na ang nagdisenyo at gumawa ay ang Diyos. 11 Dahil din sa pananampalataya, nagdalang-tao si Sara kahit lampas na siya sa edad, dahil naniniwala siyang tapat ang nangako nito. 12 Dahil dito, nagmula sa isang lalaki, na para na ring patay, ang mga anak na kasindami ng mga bituin sa langit at hindi mabilang na gaya ng buhangin sa tabing-dagat. 13 Lahat sila ay namatay nang may pananampalataya, kahit hindi nila naranasan ang katuparan ng mga pangako; pero nakita nila ang mga iyon mula sa malayo at nagsaya sila dahil sa mga iyon at hayagang sinabi na sila ay mga tagaibang bayan at pansamantalang naninirahan sa lupain. 14 Dahil ipinapakita ng mga nagsasalita nang ganito na marubdob silang naghahanap ng sarili nilang lugar. 15 Pero kung patuloy nilang inisip ang lugar na pinanggalingan nila, may pagkakataon sana silang bumalik. 16 Pero ngayon ay inaabot nila ang isang mas mabuting lugar, isang lugar na may kaugnayan sa langit. Kaya hindi ikinahihiya ng Diyos na tinatawag nila siyang Diyos nila, dahil naghanda siya ng isang lunsod para sa kanila.

SETYEMBRE 23-29

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HEBREO 12-13

“Disiplina—Katunayan ng Pag-ibig ni Jehova”

(Hebreo 12:5) At lubusan ninyong nakalimutan ang payo sa inyo bilang mga anak: “Anak ko, huwag mong maliitin ang disiplina mula kay Jehova, at huwag kang masiraan ng loob kapag itinutuwid ka niya;

w12 3/15 29 ¶18

Huwag Tumingin sa “mga Bagay na Nasa Likuran”

18 Matinding payo. Paano kung binabalik-balikan natin nang may paghihinanakit ang payong ibinigay sa atin? Baka malungkot tayo, magalit, at “manghina.” (Heb. 12:5) ‘Minaliit’ man natin ang payo dahil tinanggihan natin ito, o ‘nanghina’ tayo dahil tinanggap natin ang payo pero sumuko tayo nang maglaon, pareho lang ang resulta—hindi tayo nakinabang sa payo. Mas mabuting sundin ang sinabi ni Solomon: “Humawak ka sa disiplina; huwag mong bibitiwan. Ingatan mo ito, sapagkat ito mismo ang iyong buhay.” (Kaw. 4:13) Gaya ng isang drayber na sumusunod sa mga karatula sa daan, tanggapin natin ang payo, sundin ito, at magpatuloy sa paglilingkod sa Diyos.—Kaw. 4:26, 27; basahin ang Hebreo 12:12, 13.

(Hebreo 12:6, 7) dahil dinidisiplina ni Jehova ang mga mahal niya, sa katunayan, hinahagupit niya ang bawat isa na tinatanggap niya bilang anak.” 7 Kailangan ninyong magtiis bilang bahagi ng disiplina sa inyo. Itinuturing kayo ng Diyos na mga anak niya. May anak ba na hindi dinidisiplina ng kaniyang ama?

w12 7/1 21-22 ¶3

“Kailanma’t Mananalangin Kayo, Sabihin Ninyo, ‘Ama’”

Dinidisiplina ng isang maibiging ama ang kaniyang mga anak dahil gusto niyang lumaki silang maayos. (Efeso 6:4) Ang gayong ama ay maaaring matatag sa pagtutuwid sa kaniyang mga anak, pero hindi naman malupit. Sa katulad na paraan, dinidisiplina rin tayo ng ating Ama sa langit kung kailangan. Pero ang disiplina ng Diyos ay laging maibigin at hindi kailanman malupit. Gaya ng kaniyang Ama, si Jesus ay hindi rin malupit sa pagdidisiplina sa kaniyang mga alagad kahit pa nga hindi sila agad tumutugon.—Mateo 20:20-28; Lucas 22:24-30.

(Hebreo 12:11) Totoo, hindi tayo masaya kapag dinidisiplina tayo, kundi nasasaktan tayo; pero pagkatapos nito, nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran sa mga sinanay rito.

w18.03 32 ¶18

“Makinig Kayo sa Disiplina at Magpakarunong”

18 Masakit ang madisiplina, pero mayroon pang mas masakit dito—ang pinsalang dulot ng pagtanggi sa disiplina. (Heb. 12:11) Tingnan ang dalawang halimbawa—si Cain at si Haring Zedekias. Gustong patayin ni Cain si Abel dahil sa galit. Kaya naman binabalaan ng Diyos si Cain: “Bakit ka nag-iinit sa galit at bakit namamanglaw ang iyong mukha? Kung gagawa ka ng mabuti, hindi ba magkakaroon ng pagkakataas? Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, ang kasalanan ay nakaabang sa pasukan, at ikaw ang hinahangad niyaon; at mapananaigan mo ba naman iyon?” (Gen. 4:6, 7) Pero hindi nakinig si Cain. Dinaig siya ng kasalanan. Dahil dito, buong-buhay na pinagdusahan ni Cain ang ginawa niya! (Gen. 4:11, 12) Hindi sana ganoon ang sakit na naranasan niya kung tinanggap niya ang pagsaway ni Jehova.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Hebreo 12:1) Kung gayon, dahil napapalibutan tayo ng ganito kalaking ulap ng mga saksi, alisin din natin ang bawat pabigat at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin, at takbuhin natin nang may pagtitiis ang takbuhan na nasa harap natin,

w11 9/15 17-18 ¶11

Takbuhin Nang May Pagbabata ang Takbuhan

11 Ayon kay Pablo, ang mga lingkod ni Jehova na nabuhay bago ang panahong Kristiyano ay isang malaking “ulap ng mga saksi” na nakapalibot sa atin. Katulad sila ng mga mananakbong nakaabot na sa dulo ng takbuhan. Nanatili silang tapat kay Jehova hanggang kamatayan, at ipinakikita ng kanilang halimbawa na posibleng makapanatiling tapat kay Jehova ang mga Kristiyano kahit sa mahihirap na sitwasyon. Ang pagsasaisip sa kanilang halimbawa ay makapagpapatibay sa mga Kristiyanong Hebreo para ‘matakbo nila nang may pagbabata ang takbuhan.’ Magagawa rin natin iyan.

(Hebreo 13:9) Huwag kayong magpapaligáw sa sari-sari at kakaibang turo, dahil mas mabuti sa puso ang mapatatag ng walang-kapantay na kabaitan kaysa ng pagkain, na hindi nakatutulong sa mga masyadong nagpapahalaga rito.

w89 12/15 22 ¶10

Maghandog ng mga Hain na Nakalulugod kay Jehova

10 Samakatuwid ang mga Hebreo ay kailangang umiwas at huwag padala sa “sarisari at naiibang mga turo” ng mga nasa Judaismo. (Galacia 5:1-6) Hindi sa pamamagitan ng gayong mga turo kundi ‘sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na awa mapatitibay ang puso’ upang manatiling matatag sa katotohanan. Ang iba marahil ay nangangatuwiran tungkol sa mga pagkain at mga hain, sapagkat sinabi ni Pablo na ang puso ay hindi napatibay “sa pamamagitan ng mga pagkain, na di-pinakikinabangan ng mga nag-aabala rito.” Ang espirituwal na mga pakinabang ay bunga ng maka-Diyos na debosyon at pagpapahalaga sa pantubos, hindi sa walang-katuwirang pagkabahala tungkol sa pagkain ng mga ilang pagkain at pangingilin sa pantanging mga araw. (Roma 14:5-9) Isa pa, dahil sa inihandog na hain ni Kristo, ang mga paghahain na ginagawa ng mga Levita ay nawalang-bisa.—Hebreo 9:9-14; 10:5-10.

Pagbabasa ng Bibliya

(Hebreo 12:1-17) Kung gayon, dahil napapalibutan tayo ng ganito kalaking ulap ng mga saksi, alisin din natin ang bawat pabigat at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin, at takbuhin natin nang may pagtitiis ang takbuhan na nasa harap natin, 2 habang nakatingin tayong mabuti sa Punong Kinatawan at Tagapagpasakdal ng pananampalataya natin, si Jesus. Dahil sa kagalakang inilagay sa harap niya ay tiniis niya ang pahirapang tulos at binale-wala ang kahihiyan, at umupo siya sa kanan ng trono ng Diyos. 3 Isipin ninyong mabuti ang isa na nagtiis ng gayong malupit na pananalita mula sa mga makasalanan laban sa sarili nilang kapakanan, para hindi kayo mapagod at sumuko. 4 Sa pakikipaglaban ninyo sa kasalanang iyon, hindi pa kayo kailanman nakipaglaban hanggang sa punto na mamamatay na kayo. 5 At lubusan ninyong nakalimutan ang payo sa inyo bilang mga anak: “Anak ko, huwag mong maliitin ang disiplina mula kay Jehova, at huwag kang masiraan ng loob kapag itinutuwid ka niya; 6 dahil dinidisiplina ni Jehova ang mga mahal niya, sa katunayan, hinahagupit niya ang bawat isa na tinatanggap niya bilang anak.” 7 Kailangan ninyong magtiis bilang bahagi ng disiplina sa inyo. Itinuturing kayo ng Diyos na mga anak niya. May anak ba na hindi dinidisiplina ng kaniyang ama? 8 Pero kung lahat kayo ay hindi pa tumatanggap ng disiplinang ito, mga anak kayo sa labas, at hindi tunay na mga anak. 9 Isa pa, dinisiplina tayo ng mga ama natin, at iginalang natin sila. Hindi ba dapat na lalo tayong magpasakop sa Ama ng ating espirituwal na buhay para mabuhay tayo? 10 Dahil dinisiplina nila tayo sa maikling panahon ayon sa kung ano ang iniisip nilang mabuti, pero siya, ginagawa niya iyon para sa kabutihan natin para maging banal din tayo na gaya niya. 11 Totoo, hindi tayo masaya kapag dinidisiplina tayo, kundi nasasaktan tayo; pero pagkatapos nito, nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran sa mga sinanay rito. 12 Kaya palakasin ninyo ang mga kamay na nakalaylay at ang mga tuhod na nanghihina, 13 at patuloy ninyong gawing tuwid ang landas ng mga paa ninyo, para ang pílay ay hindi lumala, kundi gumaling. 14 Makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao at magpakabanal, dahil kung hindi banal ang isang tao, hindi niya makikita ang Panginoon. 15 Mag-ingat kayo para walang sinuman sa inyo ang hindi makatanggap ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, nang sa gayon ay walang nakalalasong ugat ang sumibol at magsimula ng gulo at makaapekto sa marami; 16 at mag-ingat kayo para matiyak na walang sinuman sa inyo ang nagkakasala ng seksuwal na imoralidad o hindi nagpapahalaga sa sagradong mga bagay, gaya ni Esau, na ipinagpalit sa pagkain ang karapatan niya bilang panganay. 17 Dahil alam ninyo na pagkatapos nito, nang gusto na niyang makuha ang pagpapala, hindi iyon ibinigay sa kaniya; dahil kahit na sinikap niyang baguhin ang isip ng kaniyang ama nang may pagluha, hindi pa rin niya nakuha iyon.

SETYEMBRE 30–OKTUBRE 6

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | SANTIAGO 1-2

“Ang Daang Nauuwi sa Kasalanan at Kamatayan”

(Santiago 1:14) Kundi ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa.

g17.4 14

Tukso

Natutukso ka kapag naaakit ka sa isang bagay—lalo na sa isang bagay na mali. Bilang paglalarawan: Habang namimili ka, may nakita kang magandang produkto. Bigla mong naisip na kayang-kaya mong nakawin iyon nang hindi ka mahuhuli. Pero pinigilan ka ng iyong konsensiya! Kaya inalis mo na iyon sa isip mo at naglakad na lang palayo. Sa puntong iyon, napaglabanan mo ang tukso at nanalo ka.

ANG SABI NG BIBLIYA

Kapag natutukso ka, hindi naman nangangahulugang masama ka. Sinasabi ng Bibliya na lahat tayo ay natutukso. (1 Corinto 10:13) Ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa natin kapag natutukso tayo. Hinahayaan ng ilan na maglaro sa isip nila ang tukso kaya nadadala sila nito. Inaalis naman ito agad ng iba kapag pumasok ito sa isip nila.

“Ang bawat isa ay nasusubok kapag nahihila at naaakit ng sarili niyang pagnanasa.”—Santiago 1:14.

(Santiago 1:15) At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan.

g17.4 14

Tukso

Ipinakikita sa Bibliya ang mga hakbang na umaakay sa pagkakasala. Sinasabi ng Santiago 1:15: “Ang [maling] pagnanasa, kapag naglihi na ito, ay nagsisilang ng kasalanan.” Sa ibang salita, kapag patuloy nating pinag-iisipan ang maling pagnanasa, hindi na natin mapipigilang gumawa ng mali, gaya ng panganganak ng isang buntis. Pero maiiwasan nating maging alipin ng maling mga pagnanasa, at malalabanan natin ito.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Santiago 1:17) Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat perpektong regalo ay mula sa itaas, bumababa mula sa Ama ng mga liwanag sa langit; hindi siya nag-iiba o nagbabago gaya ng anino.

it-2 217-218

Liwanag, Tanglaw

Si Jehova ang “Ama ng makalangit na mga liwanag.” (San 1:17) Hindi lamang siya “Tagapagbigay ng araw bilang liwanag kung araw, ng mga batas ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag kung gabi” (Jer 31:35) kundi siya rin ang Bukal ng lahat ng espirituwal na kaliwanagan. (2Co 4:6) Ang kaniyang kautusan, mga hudisyal na pasiya, at salita ay liwanag para roon sa mga nagpapaakay sa mga iyon. (Aw 43:3; 119:105; Kaw 6:23; Isa 51:4) Ipinahayag ng salmista: “Sa pamamagitan ng iyong liwanag ay nakakakita kami ng liwanag.” (Aw 36:9; ihambing ang Aw 27:1; 43:3.) Kung paanong ang liwanag ng araw ay patuloy na tumitindi mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa “ang araw ay malubos,” gayundin na ang landas ng mga matuwid, palibhasa’y tinatanglawan ng makadiyos na karunungan, ay lumiliwanag nang lumiliwanag. (Kaw 4:18) Ang pagsunod sa landasing itinatakda ni Jehova ay nangangahulugan ng paglakad sa kaniyang liwanag. (Isa 2:3-5) Sa kabilang dako, kapag minamalas ng isang tao ang mga bagay-bagay nang may maruming kaisipan o masamang balak, siya ay nasa matinding espirituwal na kadiliman. Gaya ng sinabi ni Jesus: “Kung ang iyong mata ay balakyot, ang buong katawan mo ay magiging madilim. Kung sa katunayan ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, kay tindi nga ng kadilimang iyon!”—Mat 6:23; ihambing ang Deu 15:9; 28:54-57; Kaw 28:22; 2Pe 2:14.

(Santiago 2:8) Ngayon, kung patuloy ninyong tinutupad ang dakilang kautusan ng Hari ayon sa kasulatan, “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,” mabuti naman ang ginagawa ninyo.

it-2 61 ¶1

Kautusan

“Makaharing Kautusan.” Wasto lamang na ang “makaharing kautusan” ay maging prominente at mahalaga sa gitna ng iba pang mga kautusan na umuugit sa mga kaugnayan ng isang hari sa mga tao. (San 2:8) Pag-ibig ang buod ng tipang Kautusan; at ang kautusang “iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili” (ang makaharing kautusan) ang ikalawa sa mga utos kung saan nakasalalay ang buong Kautusan at ang mga Propeta. (Mat 22:37-40) Bagaman wala sa ilalim ng tipang Kautusan, ang mga Kristiyano ay sakop ng kautusan ng Haring si Jehova at ng kaniyang Anak, ang Haring si Jesu-Kristo, may kaugnayan sa bagong tipan.

Pagbabasa ng Bibliya

(Santiago 2:10-26) Dahil kung sinusunod ng sinuman ang buong Kautusan pero gumawa siya ng maling hakbang sa isang bagay, nilalabag niya ang buong Kautusan. 11 Dahil ang nagsabi, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi rin, “Huwag kang papatay.” Ngayon, kung hindi ka nga nangalunya pero pumatay ka naman, lumabag ka pa rin sa kautusan. 12 Patuloy kayong magsalita at gumawi gaya ng mga hahatulan ng kautusan ng isang malayang bayan. 13 Dahil ang hindi nagpapakita ng awa ay hahatulan nang walang awa. Mas dakila ang awa kaysa sa paghatol. 14 Mga kapatid ko, ano ang saysay kung sasabihin ng isa na may pananampalataya siya pero hindi naman ito nakikita sa mga ginagawa niya? Hindi siya maililigtas ng gayong pananampalataya, hindi ba? 15 Kung may mga kapatid na walang maisuot at walang makain sa araw-araw, 16 at sabihin sa kanila ng isa sa inyo, “Huwag kayong mag-alala; magbihis kayo at magpakabusog,” pero hindi naman ninyo ibinibigay ang kailangan nila, ano ang silbi nito? 17 Ganoon din ang pananampalataya; kung wala itong kasamang gawa, ito ay patay. 18 Gayunman, may magsasabi: “May pananampalataya ka, at may mga gawa naman ako. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mo na walang kasamang gawa, at ipapakita ko sa iyo ang pananampalataya ko sa pamamagitan ng mga gawa ko.” 19 Naniniwala kang may isang Diyos, hindi ba? Mabuti naman iyan. Pero kahit ang mga demonyo ay naniniwala at nangangatog. 20 Hindi mo ba alam, ikaw na mangmang, na ang pananampalataya na walang gawa ay walang silbi? 21 Hindi ba si Abraham na ama natin ay ipinahayag na matuwid dahil sa ginawa niya nang ihandog niya ang anak niyang si Isaac sa altar? 22 Ipinapakita nito na ang pananampalataya niya ay may kasamang gawa at ang pananampalataya niya ay naging ganap dahil sa mga ginawa niya, 23 at natupad ang kasulatan na nagsasabi: “Si Abraham ay nanampalataya kay Jehova, at dahil dito, itinuring siyang matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ni Jehova. 24 Kaya ipinapakita nito na ang isang tao ay ipinahahayag na matuwid dahil sa mga ginagawa niya at hindi dahil sa pananampalataya lang. 25 Sa gayon ding paraan, hindi ba ang babaeng bayaran na si Rahab ay ipinahayag ding matuwid dahil sa mga gawa niya pagkatapos niyang patuluyin nang may kabaitan ang mga mensahero at palabasin sila sa ibang daan? 26 Kaya nga, kung paanong ang katawan na walang hininga ay patay, ang pananampalataya na walang gawa ay patay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share