Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/8 p. 26
  • Ang Paghahangad ng Kapayapaan at Katiwasayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Paghahangad ng Kapayapaan at Katiwasayan
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Wakas ng Isang Panahon—Pag-asa ba Para sa Hinaharap?
    Gumising!—1996
  • Ang UN—Pinagkaisa Ba Nito ang mga Bansa?
    Gumising!—1986
  • Ang mga Pakana ng Tao Ukol sa Pandaigdig na Katiwasayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Ang UN—Paraan ng Diyos sa Kapayapaan?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/8 p. 26

Ang Paghahangad ng Kapayapaan at Katiwasayan

Karamihan sa mga indibiduwal ay may likas na paghahangad ng kapayapaan at katahimikan, subalit ang paghahangad iyan ay nabigo sa kalakhang bahagi ng kasaysayan ng tao. Gayumpaman, sa di pa natatagalang mga taon, ay nakasumpong ng ilang pambihirang pagsulong sa paghahangad ng tao ng kapayapaan, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na talaan.

1985: (Oktubre) Ipinagdiwang ng United Nations ang ika-40 kaarawan at itinalaga ang 1986 bilang ang Pandaigdig na Taon ng Kapayapaan.

(Nobyembre) Ang unang pagpupulong ng superpowers sa loob ng anim na taon habang si Gorbachev at si Reagan ay nagtagpo; binanggit ni Reagan ang isang “sariwang pasimula.”

1986: (Enero) Nanawagan si Gorbachev para sa pagbabawal ng lahat ng mga sandatang nukleyar sa taong 2000.

(Setyembre) Isang komperensiya sa Confidence- and Security-Building Measures and Disarmament sa Europa (35 mga bansa, kasama ang Estados Unidos, Canada, ang Unyong Sobyet, at buong Europa maliban sa Albania) ang lumagda ng kasunduan upang bawasan ang panganib ng di-sinasadyang digmaan.

(Oktubre) Ang pag-uusap ni Reagan at Gorbachev sa Iceland ay bigo, bagaman sinasabi ni Gorbachev na sila ay nasa bingit na ng paggawa ng “mga pangunahin, makasaysayang mga pagpapasiya.”

1987: (Enero) Ang patakaran ng glasnost (pagiging prangka) ay tila nagbubukas ng isang bagong yugto sa Unyong Sobyet.

(Marso) Unang pagdalaw ng isang Britanong punong ministro sa Moscow sa loob ng 12 taon.

(Disyembre) Sina Gorbachev at Reagan ay lumagda sa INF (Intermediate-range Nuclear Forces) treaty upang alisin ang mga intermediate-range nuclear missiles.

1988: (Marso) Ang Nicaragua at anti-Communist contras ay lumagda ng tigil-putukan, nagpasimula sa mga pag-uusap upang makaabot sa isang permanenteng kasunduan.

(Abril) Ipinahayag ng Unyong Sobyet ang paglisan ng mga tropa mula sa Afghanistan sa Pebrero 1989; sumang-ayon ang Ethiopia at Somalia na wakasan na ang sagupaan.

(Mayo) Ipinahayag ng Vietnam ang paglisan ng 50,000 tropa mula sa Kampuchea bago magwakas ang taon, ang iba ay sa 1990.

(Hunyo) Ang Australyanong Punong Ministro Bob Hawke ay nagsabi tungkol sa Gorbachev-Reagan summit sa Moscow: “Sa kauna-unahang panahon sa buong yugto pagkatapos ng digmaan, mayroon ng mga tunay na palatandaan ng paglitaw ng isang daigdig na maaawing mamuhay nang mabuti sa kapayapaan.”

(Hulyo) Ipinahayag ng Iran ang pagtanggap sa isang resolusyon ng UN na nananawagan ng tigil-putukan sa walong-taóng digmaang Iran-Iraq.

(Agosto) Ang Estados Unidos ay sumang-ayong magbayad ng nabinbing bayarin sa UN, isang pagkilos na ginawa na ng mga Sobyet, at sa gayon ay tumutulong na wakasan ang suliranin ng pananalapi ng UN at binigyan ito ng isang bagong katayuan.

(Setyembre) Ang mga puwersang gerilya ng Morocco at Polisario ay tinanggap ang plano ng UN na wakasan ang 13 taóng digmaan sa Kanlurang Sahara.

(Oktubre) Ang puwersa ng pagpapanatili-ng-kapayapaan ng UN ay pinagkalooban ng Nobel Prize para sa Kapayapaan; pormal na winakasan ng Libya at Chad ang matagal nang kalagayan ng digmaan.

(Disyembre) Sa UN, ipinahayag ni Gorbachev ang isang malaking unilateral na pagbabawas ng puwersang Sobyet sa loob ng dalawang taon at isang paglisan ng mga tropa at tangke mula sa Czechoslovakia, Hungary, at ang Demokratikong Republikang Aleman; ang Timog Aprika, Namibia, at Cuba ay sumang-ayong ipatupad ang resolusyon ng UN noong Abril 1, 1989, na nagbibigay ng pagsasarili sa Namibia at winawakasan ang 22 taon ng digmaan; kalahati ng 50,000 tropang Cubano sa Angola ang aalisin sa Nobyembre 1, ang natitira ay sa Hulyo 1, 1991; ang Estados Unidos ay sumasang-ayong makipag-usap sa Palestine Liberation Organization matapos tiyakin ni Yasser Arafat ang karapatan ng Israel “na mabuhay sa kapayapaan at katiwasayan.”

1989: (Enero) 149 mga bansang dumalo sa Paris Conference on Chemical Weapons ay nanawagan para sa mabilis na aksiyon upang ipagbawal ang pagbuo, paggawa, pagtatago, at paggamit ng mga sandatang kemikal.

(Pebrero) Lumagda ang Costa Rica, Honduras, El Salvador, Nicaragua, at Guatemala ng isang kasunduang tumitiyak ng kapayapaan sa Gitnang Amerika; ang pinakamalaking grupong rebelde ng Colombia, ang FARC (Colombian Revolutionary Armed Forces), ay nagpahayag ng tigil-putukan, nagbigay-pag-asa na ang 35 taon ng pakikidigmang gerilya ay malamang na magwakas.

(Marso) Ang mga ministrong panlabas mula sa 35 bansa ay nagpasimula sa mga pag-uusap sa Vienna tungkol sa CFE (Negotiations on Conventional Armed Forces in Europe), sa layuning bawasan ang mga puwersang militar sa Europa.

(Abril) Ipinahayag ng Vietnam ang lubos na paglisan ng mga tropa mula sa Kampuchea sa Setyembre 30.

(Mayo) Nagsimulang alisin ng Hungary ang 40 taong harang na barbed wire sa hangganan ng Austria; sa unang pagpupulong ng mga lider Sobyet at Intsik sa loob ng 30 taon, ipinahayag ng mga Sobyet ang mga pagbabawas sa mga hukbong Asyano; sisimulan ng mga Sobyet ang pag-alis ng unilateral ng mga tropa at baluti mula sa Silanganing Europa.

(Hunyo) Ang panawagan ni Bush para sa malaking pagbabawas ng mga tropa, tangke, artillery, at sasakyang panghimpapawid sa Europa sa taóng 1992 ay nag-udyok sa magasing pambalita na magsabing: “Maaaring buksan nito ang pinto sa pinakamahalagang pagbabawas ng mga armas sapol noong katapusan ng Digmaang Pandaigdig II.

(Agosto) Limang mga bansa sa Gitnang Amerika ang sumang-ayon sa isang plano na wakasan ang mga labanan sa Nicaragua.

Gayumpaman, sa kabila ng ganitong kahanga-hangang mga pagsulong, maraming mga lupain ang malayo sa pagtatamasa ng kapayapaan. Namamatay pa rin ang mga tao sa Hilagang Irlandya, Lebanon, Sudan, Sri Lanka, Afghanistan, at sa Pilipinas​—bilang ilan lamang sa mga ito​—dahil sa pagkilos ng militar. Kaya, bagaman marami ang palaasa kaysa dati tungkol sa mga posibilidad ng kapayapaan, hindi natin dapat kaligtaan na ang ikalawang mangangabayo ng Apocalipsis, ang “matingkad-pulang kabayo” ng digmaan, ay patuloy pa ring kumakaskas sa buong lupa.​—Apocalipsis 6:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share