Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Papel—Ang Maraming-Gamit na Produktong Iyon!
    Gumising!—1986
  • Ang Imposibleng Ideya na Opisinang Walang Papel
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Pamumuhay na May Sakit na “Down’s Syndrome”
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

“Greenhouse Effect” Ang format at ayos ng mga artikulo tungkol sa greenhouse effect (Setyembre 8, 1989) ay napakahusay ng pagkakagawa anupa’t nanaisin mong patuloy na magbasa. Ang paggamit ng mga larawan at mga kahon ay nagbibigay sa iyo ng pakiramdam na ikaw ay talagang may panahon upang basahin ito, kung ihahambing sa buong mga pahinang puro titik. Nasumpungan kong ayaw kong ilapag ang magasin hanggang sa matapos ko ito. Bunga nito, nais kong ibahagi ang mga nilalaman nito sa iba.

G. G., Estados Unidos

Ang pagkakasulat, sining, at potograpya ay sumulong​—na lubha. Partikular kaming humanga sa “Greenhouse” ng Gumising! Nakabasa na kami ng ilang hindi mahusay ang pagkakasulat na mga artikulo tungkol sa paksa ring iyon sa mga magasin at mga pahayagan na hindi ipinaliliwanag ang mga bagay sa mga terminong mauunawaan ng karamihan ng mga tao. Anong inam na gamit ang labas na ito upang ipakipag-usap sa mga tao rito sa mainit na timugang California!

G. at Gng. J. P. M., Estados Unidos

Kakila-kilabot na Pinagmumulan ng Sangkap Nakalulungkot sabihin na inulit ng Gumising! ang isang walang saligang balita, na lubhang mauunawaan yamang lumilitaw na wari bang ibinigay ng European Parliament ang imprimatur nito sa mga report na ito. Ang mga balitang ito ay nakapinsala sa makataong layunin ng pag-aampon.

T. L., U.S. Information Agency, Estados Unidos

Ang balita sa Marso 22, 1989, ng “Gumising!” na pinamagatang “Kakila-kilabot na Pinagmumulan ng Sangkap” ay salig sa isang resolusyon na inilathala ng European Parliament, isang kapani-paniwalang organisasyon. Gayunman, sinasabi ngayon ng organisasyong iyon na ito ay biktima ng maling impormasyon. Mula noon ay siniyasat ng “Gumising!” ang mga bagay-bagay at napag-alaman nito na bagaman may ilang lubhang nailathalang mga pag-aresto sa Guatemala dahil sa ilegal na pagbibili ng mga bata noong 1987, walang katibayan na ang mga bata ay ipinagbibili para sa “organ transplants.” Sa halip, binabanggit ng orihinal na mga report na ang mga sanggol ay kinukuha at ilegal na ipinagbibili sa layunin na ipaampon.​—ED.

Pananatiling Magkaibigan Ako po’y 11 anyos at nais ko po kayong pasalamatan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Napakahirap Manatiling Magkaibigan?” (Setyembre 22, 1989) Mayroon po akong matalik na kaibigan na binabale-wala ako. Sa tulong na nakuha ko mula sa inyong publikasyon, nagpasiya po akong humanap ng isang tunay na kaibigan.

B. S., Australia

“Down’s Syndrome” Lubhang naantig ang aking damdamin sa pagbasa ko ng karanasan tungkol kay Suzy (Agosto 8, 1989) anupa’t ako’y naiyak sa buong kuwento. Pinahahalagahan ko rin na tayo’y binigyan ni Jehova ng dakilang pag-asa ng pagkabuhay-muli, yamang naiwala ko rin ang aking ama sa kamatayan. Ang aking damdamin at mga panalangin ay pinararating ko sa pamilya ni Suzy.

B. E., Estados Unidos

Niresiklong Papel Ang inyong labas ng Setyembre 8, 1989, pahina 29, ay naglalaman ng isang kawili-wiling balita tungkol sa pagreresiklo ng papel, na sa pamamagitan nito ang dumaraming polusyon sa ating kapaligiran ay maaaring masawata. Gayunman, alinman sa Ang Bantayan o Gumising! ay hindi inililimbag sa niresiklong papel. Sinumang nagtataguyod ng ilang pamantayan subalit kasabay nito ay gumagawi naman ng salungat dito ay maaari lamang tawaging isang mapagpaimbabaw.

F. S., Pederal na Republika ng Alemanya

Ang niresiklong papel na angkop ang kalidad o sapat ang dami upang matugunan ang aming maramihang pag-iimprenta ay kasalukuyang hindi makuha. Yamang ang niresiklong papel ay 20 porsiyento ring mas mahal kaysa papel na yari sa basal na himaymay, walang alinlangan na mga ilang panahon pa bago ito karaniwang gagamitin sa pag-iimprenta. Gayumpaman, hangga’t maaari, ang tira-tirang papel mula sa aming mga palimbagan ay ipinagbibili para sa pagreresiklo ng papel. At marami-raming niresiklong mga materyales ang ginagamit din sa paggawa ng mga pabalat para sa aming pinabalatang mga publikasyon.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share