Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 4/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ingatan ang Inyong mga Anak Mula sa Maling Paggamit ng Dugo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Karapatan Ninyo na Pumili
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Pagsasagawa ng Kinakailangang mga Bagay Upang Paluguran ang Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 4/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Karapatan ng mga Magulang Bilang isang doktor, nais kong ipahayag ang aking palagay tungkol sa artikulong “Sinikap ng mga Doktor na Kunin ang Aming Anak na Babae.” (Oktubre 22, 1989) Palalalain lamang ng artikulong ito ang hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa at maaaring pagmulan ng komprontasyon.

Sa ilang kaso ang dugo ang tanging makatuwiran at angkop na paggamot, at ang isang doktor [sa Pransiya] ay moral at legal na obligadong isagawa ito. Ang mga Saksi samakatuwid ay hindi dapat magalit kung ang isang doktor (1) ay kumuha ng isang utos mula sa hukuman (court order) para sa paggamit ng dugo sa paggamot o (2) piliing huwag gamutin ang pasyente. Hinihiling ng mga doktor na ang mga Saksi ni Jehova ay managot sa mga kahihinatnan ng kanilang pagpili; na hindi nila inilalagay ang kanilang mga sarili na martir kundi gawing malinaw ang kanilang paninindigan. Halimbawa: “Tinatanggihan ko ang dugo sapagkat nais kong sundin ang batas ng Diyos (hindi dahil sa takot ako sa AIDS o hepatitis).” Hinihiling ng mga doktor na sila’y kumilos nang walang pagbabago at responsable at huwag sikaping mangaral.

J. L. P., M.D., Pransiya

Pinahahalagahan ng mga Saksi ni Jehova ang pagpapagal at paglalaan ng mga doktor. Sinisikap naming makipagtulungan sa kanila at hinihiling lamang namin na igalang nila ang aming salig-Bibliyang paninindigan na ‘umiwas sa dugo.’ (Gawa 15:​29) Ang mga Saksi ni Jehova ay handang humarap sa mga kahihinatnan ng relihiyosong paninindigang ito. Gayumpaman, alam na alam nang bagay na ang mga pagsasalin ng dugo ay nagdadala ng maraming nakamamatay na panganib, at may iba pang paraan na hindi naglalantad sa isa sa mga panganib na iyon. Kung ayaw makipagtulungan ng doktor sa bagay na ito, obligado siyang liwanagin ito sa kaniyang mga pasyente. Sa kasong nabanggit, ang manggagamot ay sumang-ayon na igagalang ang kahilingan ng kaniyang pasyente subalit pagkatapos ay nagbago. Sa gayon inaakala ng mga magulang na kailangang gumawa sila ng mahigpit na pagkilos. Gayumpaman, hindi hinihimok ng artikulo ang mga magulang na ipagkait ang medikal na pangangalaga. Bagkus, nagsilbi ito upang patibayin-loob ang mga magulang na “maging higit na espisipiko sa pagtatanong sa kanilang doktor sa kung ano ang kaniyang gagawin sa ilalim ng espisipikong mga kalagayan.” Sa pagpapakita na ang epektibong mga paggamot na hindi ginagamitan ng dugo ay karaniwang umiiral, ang artikulo ay nagsilbi rin upang itampok na ang pagbabawal ng Bibliya sa paggamit ng dugo ay makatuwiran, kahit na mula sa pangmalas ng medisina.​—ED.

Karera sa Pagmumodelo Pinasasalamatan ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano ang Masasabi Tungkol sa Pagmumodelo at sa Timpalak ng Kagandahan?” (Enero 8, 1990) Talagang ipinakita nito sa akin ang mga patibong na nasasangkot. Talos ko na ngayon na mayroon man tayong pisikal na kagandahan o wala, ang ating espirituwal na kagandahan ang mahalaga.

S. W., Inglatera

Mga Kombensiyon sa Poland Ang aking taus-pusong pasasalamat sa pagdadala ninyo sa akin (sa mata ng aking unawa) sa mga kombensiyon sa Poland. (Disyembre 22, 1989) Habang binabasa ko ang artikulo, mga luha ng kagalakan ay patuloy na tumutulo sa aking pisngi. Kung minsan ang mga kabalisahan sa buhay ay nagpapangyari sa atin na maiwala sa paningin ang dakilang pag-ibig ni Jehova. Anong inam na makita ang gayong pag-ibig na ipinakikita sa gitna ng tunay na mga Kristiyano!

K. D., Estados Unidos

Suwail na mga Anak Maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Nila Magagawa Iyon sa Akin?” (Nobyembre 8, 1989) Ako man ay may nakatatandang kapatid na lalaki na umalis sa organisasyon ni Jehova. Maraming beses na pinag-isipan ko ang sama ng loob at kirot na naidulot nito sa aking mga magulang, gayundin sa akin. Ang inyong artikulo ay totoong nakapagpapatibay-loob sa akin. Batid ko na ngayon na bagaman maaaring may pagkukulang ang aking mga magulang, may pagkukulang din ang aking kapatid sa hindi pagtugon sa kanilang pagsasanay.

L. R., Estados Unidos

Mga “Phobia” Itinabi ko ang isang kopya ng kahanga-hangang artikulo tungkol sa mga phobia (Pebrero 8, 1987). Ako’y sinusumpong ng pagpapanic sa loob ng mga ilang taon. Subalit lagi akong pinalalakas-loob na patuloy na daigin ito kapag muli kong binabasa ang mga parapo na bumabanggit tungkol sa pagtitiyaga at pananalangin kay Jehova.

M. B., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share