Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 8/8 p. 8-10
  • Ikaw at ang Ebolusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw at ang Ebolusyon
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Naibunga ng Pagsisikap ng Tao?
  • Kung Ano ang Inihuhula ng Bibliya
  • Isang Aklat na Gumulat sa Daigdig
    Gumising!—1995
  • Mga Epekto ng Teoriya ng Ebolusyon
    Gumising!—1995
  • Kapag Nagsasalita ang Siyensiya—Paano Ka Nakikinig?
    Gumising!—1998
  • Pagtataguyod ng Katotohanan sa Balakyot na Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 8/8 p. 8-10

Ikaw at ang Ebolusyon

NOONG ika-19 na siglo, nakumbinsi ng The Origin of Species ang masa ng mga tao na ang tao ay nabuhay nang walang pakikialam ng Diyos at patuloy na mabubuhay. Palibhasa’y nabighani ng siyentipikong mga pagsulong, inakala ng marami na hindi na kailangan ang Diyos at na maililigtas ng siyensiya ang lahi ng tao. Binanggit ng aklat na Age of Progress na ang ika-19 na siglo “ay nabigyang-buhay sa pamamagitan ng isang paniniwala na nangangatuwirang maaaring baguhin ng pagsisikap ng tao ang daigdig.”

Gayunman, sa pagtatapos ng siglong iyon, kahit na si Charles Darwin ay nasiraan ng loob. Ayon sa isang mananalaysay, ikinabahala ni Darwin na ang teoriya ng ebolusyon “ay pumatay sa Diyos at na ang mga kahihinatnan para sa kinabukasan ng sangkatauhan ay hindi matantiya.” Ganito ang gunita ni Alfred Russel Wallace, isang nakababatang kapanahon ni Darwin: “Noong huling pakikipag-usap ko kay Darwin [bago mamatay si Darwin] ay ipinahayag niya ang napakalungkot na pangmalas tungkol sa kinabukasan ng sangkatauhan.”

Ano ang Naibunga ng Pagsisikap ng Tao?

Isinisiwalat ng kasaysayan ng ika-20 siglo na mga panahon ng karimlan ang nasa unahan. Ang mga tagumpay sa teknolohiya mula noong kaarawan ni Darwin ay nagtakip lamang sa kung ano ang napatunayang pinakamadilim, pinakamarahas na panahon sa buong kasaysayan ng tao. Tayo’y nabubuhay sa gitna ng inilalarawan ng mananalaysay na si H. G. Wells na “isang tunay na panghihina ng loob.”

Mula nang bigkasin ni Wells ang pangungusap na iyan (mga 75 taon na ang nakalipas), ang daigdig ay patuloy na nakararanas ng higit pang panghihina ng loob. Hindi nalunasan ng anumang pagsisikap ng mga siyentipiko, mga ekonomista, mga ahensiya ng lipunan, mga pamahalaan ng tao, o ng mga relihiyon ng daigdig na ito ang situwasyon o nasugpo man ang takbo nito. Ang mga kalagayan ay patuloy na sumásamâ.

Kaya nga, sa totoo lang, dapat na itanong: Ano ang naibunga ng pagsisikap ng tao? Ang siyensiya at teknolohiya ba ay nakapagdala ng isang mas mabuting daigdig? “Kapag binubuksan natin ang araw-araw na pahayagan at tinitingnan kung ano ang nangyayari,” sabi ng biyologong si Ruth Hubbard, “ang mga problema ay hindi tungkol sa siyensiya. Ito’y mga problema tungkol sa kaayusang panlipunan, sa mga bagay na lumaki nang husto, mga taong naghahabol sa pakinabang at hindi iniintindi ang mga pangangailangan ng tao.” Sabi pa ni Hubbard: “Talagang hindi ko maisip na sa isang makatuwirang pamamahagi ng yaman, malamang na malutas ng siyensiya ang anuman o ang marami sa mga problema na bumabagabag nang husto sa mga tao sa daigdig.”

Tunay, ano nga ang pakinabang kung makapaglakbay man ang tao sa buwan ngunit hindi naman niya malutas ang mahahalagang suliranin ng sambahayan ng tao? Ang pag-imbento ba ng dumaraming sandatang pamuksa, gaya ng bomba atomika, ay nagwakas sa mga digmaan at karahasang panlahi? Lubha bang nabawasan ng mga tagumpay ng siyensiya ang krimen, pagkakasira ng pamilya, mga sakit na naililipat ng pagtatalik, imoralidad, mga anak sa pagkakasala, katiwalian sa matataas na posisyon, karukhaan, gutom, kawalan ng tahanan, pag-abuso sa droga, polusyon? Hindi, sa kabaligtaran, pinalubha pa ng siyensiya ang ilan sa mga bagay na ito. Palibhasa’y tinatalikuran ang Diyos at inihahalili ang ebolusyon at siyensiya, hindi nalunasan ng sambahayan ng tao ang kalagayan kundi napinsala ito.

Hindi kataka-taka, marami ang muling nag-iisip tungkol sa teoriya na ang tao ay bunga ng ebolusyon mula sa mga nilikhang tulad-bakulaw, kabaligtaran ng pagkakaroon ng isang Diyos na lumikha sa unang mga tao. Isinisiwalat ng isang Gallup surbey sa Estados Unidos na 9 na porsiyento lamang ng mga Amerikano ang naniniwalang ang tao ay bunga ng ebolusyon nang walang pakikialam ang Diyos; 47 porsiyento ang tumatanggap sa idea na nilalang ng Diyos ang tao sa kaniyang kasalukuyang anyo.

Kung Ano ang Inihuhula ng Bibliya

Samantalang inihuhula ng The Origin of Species na ang tao ay susulong tungo sa kasakdalan, inihula ng Bibliya na ang sanlibutan ay yayanigin ng isang krisis sa moral. (Mateo 24:3-12; 2 Timoteo 3:1-5) Inihula rin ng Bibliya na ang krisis na ito ay aabot sa sukdulan, pagkatapos nito ay mamanahin ng tapat na sangkatauhan ang isang paraiso, malaya sa lahat ng mga suliranin sa ngayon.​—Awit 37:10, 11, 29; Isaias 11:6-9; 35:1-7; Apocalipsis 21:4, 5.

Ang pag-asang ito ay nagpangyari sa marami na suriin ang Bibliya taglay ang matinding interes. Talaga nga bang ang layunin ng buhay ay higit pa kaysa pagpupunyagi lamang upang mabuhay? Nasa Bibliya kaya ang susi hindi lamang tungkol sa kahapon ng tao kundi rin naman ang tungkol sa kaniyang kinabukasan, pati na ang iyong kinabukasan? Sulit na sulit na iyong suriin kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Diyos at sa kaniyang layunin para sa lupang ito at sa mga tao nito. Kung nais mo ng higit pang impormasyon, ang mga Saksi ni Jehova ay maliligayahang tumulong sa iyo.

[Kahon sa pahina 9]

Angaw-angaw na ang natulungan na muling suriin ang katibayan tungkol sa isang Diyos ng paglalang, ginagamit ang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?a Hanggang sa kasalukuyang panahon, mga 30 milyong kopya ang nailimbag na sa 27 wika. Gayundin, ang magasing Gumising! ay patuloy na naglalathala ng impormasyon tungkol sa kung ano ang ipinakikita ng mga katotohanan ng tunay na siyensiya sa pagiging totoo ng teoriya ng ebolusyon.

[Mga talababa]

a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

[Larawan sa pahina 8, 9]

Kabaligtaran ng teoriya ng ebolusyon, inihula ng Bibliya ang krisis sa moral ngayon at ang lunas nito​—isang paraisong wala nang problema

[Picture Credit Line sa pahina 8]

U.S. Coast Guard photo

[Picture Credit Line sa pahina 8]

Batang gutóm: WHO photo ni P. Almasy

[Picture Credit Line sa pahina 8]

Kanan: U.S. National Archives photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share